Prolouge

339 11 2
                                    

"Cold brew americano iced coffee for Ar-" hindi naging malinaw ang announced ng barista sa drink dahil na rin sa busy ako sa aking laptop.

Nandito ako sa isa sa pinaka magandang and pinaka best cafe sa sentro para sa akin. They blend different types of coffees at higit sa lahat meron dito noong paborito ko na galing sa pilipinas. Ang kapeng barako.

Tumayo ako at akmang kukunin ang drink ko sa counter pero may umagaw nito. Isang matipuno at matangkad na lalaki. Naka suot sya ng puting tshirt na halos kumapit sa kanyang katawan, habang naka camouflage na pants at boots. Dumagdag sa katikasan nya dalawang metal identification tag na nakasabit sa silver chain ng kanyang leeg. Nakasuot sya ng aviator glasses at nakalagay ang cellphone sa tenga nya.

"Hey! That's mine!" Bumaling sya ng tingin sa akin. Nag crossed-arms ako at tumayo ng ayos.

Tiningnan nya ang label ng coffee nya at ngumiti ng bahagya.

"You been mistaken Miss." maayos nyang sagot. Napatingin ako sa barista sa counter na nagpapabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

"That's my drink, wag mong kunin Mister." Sabi ko sa kanya.

"I call you later, Brigadier—" binaba nya ang kanyang cellphone at itinaas ang kanyang aviator glasses.

"Try to remove your AirPods, Miss, so that you are aware whats going on to your surroundings. It's my drink cause it is named Arrow. Unless you are also Arrow ordering Americano Iced—"

"One strong Kapeng Barako with almond milk for Artemis."

Ow damn!! Pwede bang kainin na lang ako ng lupa? Napakurap ako ng ilang ulit at napakagat sa pang ibabang labi ko. Napatungo ako at napahawak sa ulo ko.

Nakakahiya. I'm wrong.

Bumaling ako sa counter at nakangiti sa akin ang lalaking Barista.

"Miss Beautiful, ito na po ang Kapeng barako nyo." Pag ulit nya. Huminga ako ng malalim at tiningala ang lalaki.

"I'm sorry. You are right. I was mistaken. Sorry sa abala." Umiling iling sya sa akin.

"Hindi mo na maibabalik ang oras na naabala, next time, be aware of your surroundings or ask to your barista for your drink, Miss Beautiful." Hindi man lang sya ngumiti at masungit nyang pahayag. Ngumuso ako.

Nag sorry na nga ako eh.

Tiningnan nya ako mula hanggang paa.

"Pwede na ba akong umalis, Miss Beautiful? Naghihintay na ang kape mo at barista mo." Nakangisi nyang sabi bago tumalikod na sya namang pag dating ni Hazel. Tiningnan nya ang nakasalubong nya na lalaki habang papalapit sa akin.

"Is there something wrong Adri?" Mabagal akong umiling kay Hazel. You are late Hazel. 'Di mo ako nasave from kahihiyan sa lalaking iyon.

"Nah. Never mind Haze." Sabi ko at kinuha ko ang drink sa counter. Ang barista ay ngiting ngiti sa akin.

"I'll order lang Adri. I'm sorry I'm late, si manong driver kasi— one love bean frapp.." iniwan ko si Hazel sa counter at nagpunta na sa upuan namin sa tapat ng malaking salamin.

Frustrated kong inaksak ng straw ang drink ko at napalingon sa lalaki na nakausap ko kanina. Nakasandal sya sa kanyang matte black na Hummer at may kausap sa cellphone.

Sa bawat higop nya sa kanyang drink at nadidipina ang kanyang braso. Tiningnan nya ang kanyang relo.

"Pogi sana! Kaso ang sungit naman." Bulong ko habang nakanguso.

Gumawi ang tingin nya sa akin kaya napabaling ako ng tingin.

"Sino 'yang tinitingnan mo?" Tanong ni Hazel habang binababa ang tray ng pagkain. Tiningnan nya ang labas at tinuro pa ang lalaki.

"He's good. You really like tall and handsome guys." Hinablot ko ang kamay ni Hazel na nakaturo saka pinilit na ibaba.

"Ano ba Haze! Napagkamalan ko sya kanina na kumuha ng drink ko. Nakakahiya." Pakiramdam ko ang ang init ng pisngi ko. Tumawa si Hazel sa akin.

"I never see you like that before." Umupo sya sa tapat ko. Dahan dahan kong sinulyapan ng tingin ang lalaki na hindi parin natinag ang tingin sa gawi namin.

"He's hot, Art. Do you know his name? Do you ask it?"

Arrow? Iyon ang nakalagay sa kanyang drink na sinabi nya.

"Ang sungit nya nga eh, tapos kukunin ko pa ang pangalan." Sabi ko at kinuha ang ballpen ko.

"Sayang naman." Nakangising saad ni Hazel saka muling bumaling sa lalaki at kumaway pa. Umiling iming ang lalaki sa pag kaway ni Hazel.

"Mukha namang approachable eh." Tumayo ang lalaki at sumakay sa kanyang sasakyan. Nag flash sya ng headlight saka sya dahan dahang umalis.

Bakit parang kay Haze okay sya? Nakakainis, ako ay sinungitan nya lang kanina.

Nakahalumbaba akong umiinom ng drink.

Arrow.

Totoong pangalan nya kaya iyon?

Sinulat ko sa likod ng jornal ko ang pangalan na Arrow.

Ang cute naman. Bagay sa Artemis.

A/N: Hi, this is gorg1naly stating that this book is not related to any official source about military, if I'm giving false information about the military service base here in PH, it's not my intention. Just to remind everyone that the country of the Blue Moon or Luna is not existing in real life. The country have its own tradition and rules. I do hope you will love the story of Artemis and Kyros. Spread love... <3

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon