A-Twenty Seven

95 4 0
                                    

"Paano kayo nagkakilala ni Ella?" We know each other for almost 4 years but i never ask Ella to him and he never bothered to tell. Well Sir Gannar and Ate Severine give me some details of how they start but in Kyros perspective, wala pa akong kaalam alam.

Napatingin sya sa akin.

"Why do you ask?"

"Gusto ko lang malaman."

"Nag seselos ka?" Umiling ako.

"You never been with her again. Bakit naman ako mag seselos?"

"So bakit mo tinatanong?" Tumitig ako sa kanya. Ayaw nya bang sabihin?

Napahinga sya ng malalim.

"Ayokong sabihin sayo dahil ayoko na ipagkumpara mo ang sarili mo sa kanya." Naghantay ako ng kasunod na sasabihin nya.

"I meet Ella here, sa loob ng Airforce. She is a cadet for reserve pilots. Pero ang gusto ng magulang nya mag tuloy sya hanggang sa serbisyo ng piloto. I was Candicate for Jets that time. Hinasa ako kahit bata pa kesa sa mga kasama ko sa Jets. Dito na ako lumaki, mas marami akong alam sa kanila." Napahinga sya ng malalim. Para bang ang hirap nyang aminin.

"Luella is not a new face to me here in Air Force base. In fact, alam kong sa first weeks nya sa base ay hirap na hirap sya mag adjust. Galing sya sa strict at marangyang pamilya. Ang mga Andrada na kilala na supplier ng mga baril sa Army dahil sa malaking metal company. Strict ang pamilya nya lalo na sa pagiging sundalo ng mga kasapi ng pamilya. Karamihan sa mga Andrada ay army or navy pero nag iba si Luella ng landas. Nag Air force sya." Yumakap ako sa kanya at nakinig.

"It was 21th birthday of Prince Arche noong una ko syang na notice. Dito ginanap ang Birthday ni Kuya Arche dahil noon ay dito ang orihinal na base nya at hindi sa marine corps. Nabanggit ko na iyon sayo noon 'di ba?" Tumango ako.

"Dumalo ang lahat na kasapi ng pamilya ko. Lahat naman kami ay reserve army bukod sa amin ni Dad at Ate Severine. Nakilala ni Luella si Ate Tera na isang producer at manager ng sikat na bandang The Crescent. Doon nya ako nakilala bilang isang kasapi ng Albion."

"Eh 'di ba anak ka naman ni General? Bakit 'di nya alam?"

"Pinatanggal ko ang distinction ko bilang anak ng General para makasama sa Jets. Ayoko na kaya ako na qualify ay dahil sa anak ako ng General. Labag sa loob iyon ni Mommy at Daddy dahil alam nila kung gaano kadelikado ang mapasama sa mga candidates ng Jets." Tumango ako.

"Nag perform si Luella sa birthday ni kuya Arche. Isang prebelehiyo iyon dahil sa Prince ng District ang kakantahan nya. Doon ako unang nabighani kay Ella." Napahigpit ang yakap ko kay Kyros.

"Nagustuhan sya ni Ate Tera at inalok na mag showbiz. Saktong pangarap iyon ni Luella kaso hindi nya magawa dahil sa family tradition. Gusto ng pamilya nya na mag sundalo sya sa kahit anong paraan at hindi isang reserve lang. Aaminin ko, noong gabing iyon sobra akong nagandahan at humanga sa kanya. Ang tingin ko noon kay Ella ay isang anghel lalo na ang kanyang tinig." Tumigil sya.

"Continue..." napahinga sya sinabi ko.

"Noong nalaman nya na kapatid ako ni Ate Tera na isang Albion. Naging malapit sya sa akin na sya namang ikinatuwa ko. Madalas ako sa building ng mga cadets. Mas natuwa sya noon nang malaman nya na parte ako ng Jets. Mga piling piloto para sa NLEA ware head. Naging lantad ang relasyon ko kay Luella sa loob ng base at wala akong pakialam noon. Anak ako ng Heneral ng hukbong himpapawid, magagawa ko ang gusto ko. Masayang kasama si Ella, lagi syang kumakanta para sa akin. Hanggang sa ipakilala nya ako sa pamilya nya. Naging masaya ang pamilya nya na ako ang naging boyfriend ng anak nila. Isang Albion. Anak ng Heneral." Ramdam ko ang pag galaw ng ulo nya.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon