K-Seven

121 5 0
                                    

Magkahawak kamay kaming nag lakad papasok ng Tan.
Binigyan ko ng tyansang magpalit si Artemis gamit ang mga damit na naiwan sa unit ko. Ilan sa mga iyon ay masikip na hindi dahil tumaba si Artemis kun'di sadyang nag mature ang katawan nya noong makapanganak.

Para syang isang manika sa monogram knit A-line mini dress ng Louis Vuitton. Pinatungan nya iyon ng itim Damier Graphite Denim Jacket na galing sa parehong brand ng damit nya habang suot nya ang itim na boots. Malamig na rin, kailangan nya na medyo mainitan.

Pumasok kami sa loob ng conference at naandon ang nga pinsan nya. Kasama si Hazel, Brandon at Malik.

"I'm sorry I'm late." Sabi nya at umupo ako sa tabi nya.

"Kamusta kayo ni Ali?" Ngumiti sya sa pinsan nyang si Brandon.

"Mabuti kami Kuya. Pasabi na rin kay Kuya. Hindi ako nakakatawag dahil ang kulit na ni Ali." Nagsimula sila sa discussion ng mga hakbangin. Hanggang sa humantok sa permahan para tuluyang mapabalik ang share nila kay Art.

"Rinne and Rad, ibinabalik ko na sa inyo ang pangako ko. Ang stock at Share nyo sa pamilya ng Tan. Muli naming nabuhay iyon. Kuya Hector will supervise your Shares. Pero nasa inyo parin ang rights dahil sa inyo nakapangalan iyon. Kayo ang may kapangyarihan sa pera nyo sa kompany. Now, if you have any concerns, you can seek for kuya Troy or Kuya Hector." Saad ni Art.

"Thank you Ate!" Ngumiti si Artemis sa masayang pasasalamat ni Rinne.

"Well wala nga akong ginawa, Kyros, Hazel and kuya Brandon make it work for me." Nakangiti nyang saad.

"Malik will be the company lawyer. I trusted him the most." Ngumiti si Malik na para bang expected nya na. Well napagusapan na namin iyon. Lubos kong nakilala si Malik lalo na noong hinihingi ko ang custody ni Klare. Sya ang nag advice sa akin na gawing evidence ang voice record ni Luella at ang logbook ko sa Airbase para maannulled. Isa sya sa aking abogado at namangha akong tuluyan sa kanyang galing.

"Kuya Troy." Napalingon si Troy sa kanya.

"I want you to resign in Firmitas'enArte." Mahinahon na saad nya.

"Art, are you going to Pirate your Brother's employee?" Tumango si Art.

"I dont want him to be an employee. I want him to be the CEO of this company." Nakatitig si Art kay Troy na biglaang napalingon.

"Malik, huling beses, i want to give my stock and share to Kuya Troy. The whole 25%. Akin na lang iyong 10% kuya. Para sa dalawa kong anak."Ngumiti sya. Ilan sa mga pinsan nya ay naguluhan ang titig kay Art.

"It's too much, Art."

"It's not too much. Noong nilalaban ko ang Tan sa pagkaluge, sinalungat mo si kuya at tumulong ka parin. I know Tan+Architects will be in the good hands if a generous man will handle it. Saka hindi ko na magagawa pang mag pabalik balik pa dito. May Ali na ako at Klare na dapat iconsider. At saka nasa District 3 na ang buhay ko." Sabi nya at tumingin sa akin. Inabot ko ang kamay nya sa ilalim ng table.

"I want it to be like before. The famous Tan and Yoko partnership." Ngumiti sya sa mga pinsan nya.

"If that's what you want, i will do my best. Brad, pasayahin mo ang pinsan namin. Mukhang sayo lang naman nya balak umuwi." Tumitig si Troy sa akin.

"Kahit hindi nyo na sabihin. Pasasayahin ko sya araw araw." Saad ko.

"Kyros. Tanggap mo ba si Ali?" Napangiti ako.

"May anak si Artemis. Ikaw alam kong may anak ka na tinaggap ni Artemis. Ngayon tanggap mo ba si Ali na anak nila ni Rive—"

"He is Ali's father." Natigilan ang Tan sa rebelasyon ni Art. Napangiti si Hazel at napangisi si Brandon.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon