K-Two

84 2 0
                                    

"Major General? Why are you here?" Nagulat ako na makita si Kung Lucian na nakasoot ng PPE.

"I'm her donor." Tumango sya at pumasok sa kwarto ni Art. Ang tagal nang hinintay namin. Maging ako ay hindi na nagawang kumain.

"Major General you need to eat. Kailangan mong panatilihing maayos ang kalagayan mo para na rin sa pinsan ko." Inabot ko ang dalang pagkain ni Brandon at kumain kami sa labas ng room nya.

It may sound selfish pero sang-ayon ako kay Brandon. Hindi ako umalis sa tapat ng pinto. Kami ni Brandon ay nagbantay sa labas.

Naging tahimik si Brandon. Hindi sya nagkwento o umimik hanggang sa..

"I advice you to leave when River's family arrive. Ayoko na muna nang pagtatalo. Mainit ang ulo ni Hunter. Baka maungkat pa ang past nyo ni Art at ang sitwasyon mo sa marriage mo. How was it by the way?" Huminga ako ng malalim.

"Na grant na ang separation ng lower court. Binabasura ang annulment ko dahil sa statement ni Ella. Even the custody of her child."

"Bakit mo inilalaban ang bata kung 'di naman sayo?"

"Bakit nyo tinanggap si Art kung hindi naman sya Yoko?" Napalingon sa akin si Brandon.

"It make sense." Natatawa nyang saad.

"Gusto ni Art na ilaban ko ang kostudiya ko kay Klare. Gusto ni Klare si Art at hanggang ngayon hinahanap nya si Art. Hindi nya alam na almost 5 months na kaming hiwalay." Tumango tango si Brandon.

"What do you expect from Artemis. You know the difference between her and Hunter, mas ginagamit ni Art ang puso nya kesa sa sinasabi ng utak nya. Kahit mali, basta makita nyang may masasaktan ay ilalaban nya. Somehow we love them both. Hazel and Artemis become the joy of Yoko while Hunter become the Head of the family. Kahit ngayon na may sarili na silang responsibilidad. Kahit 'di sya biological daughter ni Tita Brielle, somehow, she has the same heart of Tita Brielle. Kaso sinalo ni Art lahat sa pamilya. Halos lahat sa building industry nagtanong kung sino Si Art kay Former Sector Brielle at sino kay Hunter. Noong nag 18 si Art, lumobo ang mga company na nag papadala ng marriage interview para kay Art. Biruin mo, nasa kanya ang rights ng Tan at malaking stock sa company ng Yoko. Stepping stone si Art para sa lahat ng tao sa industriya ng paggawa. Ang company na nakakapit sa Yoko ay nanatiling namamayagpag. Ang produktong sinusuportahan ng Yoko ay lumalago. Ganoon ka impluensya ang pamilya namin. Si Hunter ang isa sa perpektong tao bilang isang Prinsipe ng pamilya. Kaya noong bumalik dito si Hunter kasama si Art, lahat hinabol si Art thinking na may interes sya sa industriya namin. Pinilit ni Hunter na itago lahat iyon kay Art. Lalo na si sector Azula. Bwan bwan nilang binabayaran noon ang Prinsesa ng Komunikasyon para lang i down ang anomang issue tungkol kay Art." Nakinig ako kay Brandon.

Kung sa pagmamahal, hindi ko matutumbasan ang pagmamahal ng pamilya nila.

"Masyadong na impluensyahan ni Sector Azula si Hunter. Gusto nya tulad ng pamamalakad ng sa Renaldi. Pribado at buo. The whole family of Renaldi live in one compound. Sila ang pinaka tahimik na pamilya sa buong Monarch Family." Tumango ako.

"She adore Azula."

"Because Azula is the reason why she have a complete family. Sa crisis ng pamilya ni Hunter, si Azula ang equalizer. Taga balanse. I don't know but Azula is the reason why Hunter forgive Tito Chase." Ngumisi sya at sinandal ang ulo sa pader.

"Kaya kung may gusto kang makuha kay Hunter, kay Azula mo hingiin. But still, Art is off limits." Napangiti ako sa sinabi nya.

"But i want to thank you, Major General."

"For what?" Nakakunot noo kong tanong.

"For donating blood even you and Artemis already split up. It means a lot. Ikaw na lang ang pag asa namin. She reject Tito Chase blood even Dra. Andromeda manipulated it. May theory sila na may pambihirang sakit si Artemis na nakukuha sa snowflakes na lalong nag papa aggressive ng CAD nya. Your blood is now manipulated para lang i accept ng Antibodies ni Art. And we hope she survive. Last night she's 50/50." Natigilan ako. Parang ayokong marinig ang detalyeng iyon.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon