A-Four

114 8 0
                                    

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko nang makabalik kami ng barrack. Sobrang pagodd!!!

Worth it naman ang pagod kasi ang dami kong natutunan.

Naligo ako at nag bihis after ang ilang minutong pahinga. Inayos ko na rin ang laundry ko at nakita ko ang ang camouflage jacket ni sir Kyros.

"Alam mo, kung 'di ka lang masungit, ang pogi mo. You look so good and nice but not until you always shrugged at laging kumukunot ang noo." Sabi ko habang hawak ang jacket. Inamoy ko iyon at naaamoy ang ilang part na mabango.

Siguro ganito ang amoy nya. Pumunta ako sa laundry area sa baba at nilabhan ang mga damit ko para 'di ko na iuwi sa bahay bukas. Hinandwash ko ang jacket ni Sir Kyros hanggang sa maging mabango.

Matapos noon ay bumalik ako sa barracks. Tinupi ko ang jacket ni Sir Kyros saka nilagay ng maayos sa isang plastic. Nagiwan din ako ng note.

Thank you po sa pag papahiram, Sir. Pasensya na po sa abala na dinulot ko.
-A. A. Yoko

Iyan ang sinulat ko sa papel. Kelan kaya ang balik nya? Saan kaya sya pupunta?

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Inabot ko ang cellphone ko at binuksan ang pinto.

"Kain tayo sa baba?" Bungad ng squad ko sa akin. Maging si Granfiel ay kasama na nila.

"Sige, wait lang mag sasapatos lang ako." Nagsapatos naman agad ako at sumama sa kanila. Sa pag baba namin ay kumuha sila ng snacks at sa airwell garden kami nag stay dahil may mga upuan naman doon.

Nagsimula silang mag kwento tungkol sa buhay nila. Nagtawanan kami sa mga funny moments ng buhay nila. Halos lahat sila ay taken na. Maging si Granfiel ay taken na rin.

"Ikaw ang bunso, pero ikaw ang single. Noong edad mo ako, mga nasa 4 na ang ex ko."

"Tirador ka kasi." Nagtawanan kami.

"Pero maiba kami. Anong itsura ng pinagmulan mo? Ano nga uli iyon? Philippines? Saka anong mga na experience mo doon." tanong ni Trinidad. Napaisip ako. Paano ko ba maipapaliwanag.

"I lived in an island cove. Medyo remote iyon pero payapa. Normal, mas mababa ang pamumuhay kesa dito sa Luna. Hindi puro building 'yung lugar ko doon." Maikling pahayag ko.

"Doon ko na enjoy ang oras. Lalo na noong nag aral ako. Narating ko ang iba't ibang lugar ng pilipinas. Travel ang ginawa ko tuwing summer kasama ang friends ko. Kaya ilang beses na ako nakasakay ng eroplano. Naranasan ko na rin ang mga ibat ibang water activities. Maging iyong mga parasailing, cliff diving, skydiving, bungee jumping at sumakay ng balloon. Mayaman sa kultura ang Pilipinas. Marami silang dialekto at rehiyon. Bukod pa ro'n pulutong ng mga isla ang bansa. Isang arkepelago at pag pinagusapan ang beaches! Walang tatalo sa mga pangpang ng Pilipinas. Wala iyon kapantay lalo na sa Palawan." Kwento ko. Napatigil si Dominguez sa pagkain ng chips.

"Bungee jumping? Talaga! Ayus ka ah!" Ngumiti ako sa sinabi nya.

"Oo mga tatlong beses ko naranasan." Nanlaki ang mata nila.

"Tatlo!" Pag uulit nila. Sabay sabay pa nilang saad. Tumango ako.

"Ako hindi ko kaya iyon! Kahit isang beses pa 'yan! Hindi! Lakas sikmura mo ah!!" Sabi ni Latido.

Napalingon kami kay Sir Gannar at Sir Viggo na nag lalakad papalapit sa isang bench sa garden ng airwell. Si sir Viggo ay nakatutok sa cellphone nya. Parang hindi nila kami napansin dahil na rin sa bush na nakatabon at walang gaanong ilaw dito sa garden.

"Eh kaya pala biglang nawala si Arrow." Saad ni Sir Gannar.

"Buti hindi nya nabanggit ang pangalan ni Arrow dito. Back to zero ba sya?"

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon