Lumabas ako ng kwarto ko dala ang dalawang aviation book at isang notebook. Naka suot ako ng fit na leggings at long coat. So loob ay isang white na shirt. At sapatos na booths na hanggang ankle lang. may suot din ako ng winter gloves.
Sinarado ko ang pinto at nakita ko na bahagya na nag fog ang salamin nag pasilyo. Kaya may pinindot ako sa sa control board sa tabi ng scanner para sa lock ng pinto ng bawat room sa airforce barracks.
Hinintay kong mawala ang fog at nakita ko kung gaano kakapal ang nyebe sa labas. Sana ay wala kaming outside activities dahil baka mamatay ako sa lamig sa labas. Normal na ang temperatura sa loob ng barracks pero nilalamig parin ako.
Ito ang unang beses na sa Air Force Base ako mag wiwinter.After ng Christmas at new year ay nanatili ako dito sa Air Force. Pahirapan ko pang mapapayag si Mommy at Daddy. Birthday pa lang ni Hazel ay nag papaalam na ako na sa Air base na ako mag wiwinter. Buti na lang kasangga ko si Hazel, ngayong sya ang prinsesa ng pamilya, mataas na ang pagtingin sa kanya. I want to be with Kyros and Hazel supported me.
Ilang araw na akong nanatili sa loob ng barracks at sa mga close facility. Lagian ko ring kasama si Kyros.
Lumapit ako sa salamin at bumuga ng hangin kaya ng fog ito. Nag drawing ako ng arrow doon at isang bow. Napatingala ako at nakita ko sa kabilang building mas mataas na palapag sa palapag ko si Major Kyros na nakasandal sa curtain walls ng pasilyo. Nakangiti ito sa akin habang pinagmamasdan ako.
Naka puting tshirt lang sya at ang kanyang camouflage na pants. Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa ibang pasilyo kung may tao. TAPS na kaya wala nang tao sa pasilyo. Tinuro nya ang relo nya at napangiti ako sa kanya.
Is he waiting for me?
Tumango lang ako sa kanya. Naglakad ako sa kabilang dereksyon ng pasilyo. Sa connecting bridge papunta sa barracks ng high ranks ay nakasalubong ko si Lieutenant Colonel Gannar na nakasuot ng kaswal na damit.
"SPO Yoko? Lalabas ka ba?" Pinasadahan nya ako ng tingin. Nag saludo naman ko sa kanya. Nakakahiya dahil naka lugay ang buhok ko. Dapat pala ay tinali ko ang aking buhok.
"Hindi po Sir. I'm on my way to Major's Barracks, may lilinawin lang po ako tungkol sa diniscuss nya po sa akin kanina." Napangiti sya sa akin. At bahagyang lumapit. Napaurong naman ako.
"Sus. Palusot ka pa." Nagulat ako sa sinabi nya sa akin.
"Sir?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Mas lumapit sya at ninagay ang ulo nya sa gilid ng ulo ko na para bang may ibubulong.
"Alam ko na may relasyon na kayo ni Arrow. Sa akin pa ba mag tago iyon eh bestfriend ko 'yun. Wag kang papahuli, Adriene. Nag bunga din pala ang panunuyo? O laging pag sermon sayo?" Bulong nya..
"Sir wag nyo po kami isusumbong." Napahalakhak sya.
"Ang bilis mo naman umamin. Pag ganiyan, i tanggi mo. Pero ayos lang, ako naman ito eh." Mahina nyang sabi. Napahawak ako sa bibig ko. Lumayo sya sa akin.
"Ah.. katatapos lang namin mag sparing ni Arrow. Siguro ay nasa barracks nya sya ngayon. Puntahan mo na lang SPO." Kaswal na sabi ni Sir Gannar. May kung anong kinapa sya sa bulsa nya.
"May ibibigay ako sayo, SPO." Naghantay ako at inabot nya ang kamay nyang naka close sa akin. Inilahad ko ang palad ko at may nilagay sya doon at sinara nya ang kamay ko.
"Candy yan. Ipatikim mo kay Arrow. Nakalimutan kong ibigay. Enjoy." Nakangisi nyang sabi at nilampasan ako.
Binuksan ko ang kamay ko nakita ang isang tetra pack na parang candy. Pinagwalang bahala ko iyon at nag deretyo sa mas mataas na palapag papunta sa unit ni Major Kyros.
BINABASA MO ANG
Meet Me Above Altitude
FanficThe goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with colors as their love stays in the clouds, exchange promises along side the setting sun, connecting the m...