A-Three

106 10 0
                                    

Tumakbo ang sunday ng napakabagal. Wala kaming ginawa ni Hazel kun'di mag mall o 'di kaya ay mag movie.

"Hmm. Paano Hazel kung mag tuloy ako sa Airforce?" Naniningin ako ng metal tag. Naisipan kong bigyan ang mga squad ko.

"E 'di ipapakasal ka na sa iba. Payag ka ba ng ganu'n?" Tumango na lang ako.

Wala pa sa isip ko ang pg aasawa. Siguro sadyang noong nag ka relasyon ako sa Pinas bago ako umalis ay alam ko sa aking sarili na aalis din ako kaya hindi ko naman sineryoso.

Saka isa pa. Alam ng lalaking iyon na aalis ako. Naging maayos ang pag hihiwalay namin kahit wala naman talagang pormal na hiwalay dahil biglaan din ang pag dating ni Kuya.

"Ikaw ang bahala. Susuportahan kita, Adri.— ano ba iyang tinitingnan mo?" Tinuro ko ang isang maliit na tag. Mas maliit sa tag na issue sa amin.

"Pwedeng i personalize ito?"

"Yes maam." Tumango ako.

"Sige, 7 tag please." Tumango ang babae at binigyan ako ng form.

"Ma'am pa fill na lang po ng ipapalagay."

Nilagay ko ang bawat surname ng Sqaud ko at sa likod ay ang word na charlie.

"Ma'am pwede po bang ma clarify itong dalawang ilalagay sa tag?"

"Ahh. Kyros tapos arrow na drawing. Tapos sa isang plate, arrow and bow then Adriene."

"Charlie rin po ang nakalagay sa likod?"

"Yes." Nag hintay kami sa pinagawa ko. Habang si Hazel ay may pinapanood.

"Ano 'yan Haze."

"Hmm news? 'Yung bagong sumisikat na singer and actress ng Luna naiissue na separated na sa non-showbiz husband nya. Look.. ang galing nya kumanta. May mga collab sila ni Princess Deianira. Noon ang the Crescent ang pinasikat ni Princess Deianira, ngayon sya naman." Tiningnan ko ang nakalagay sa headline.

Ella Andrada is rumored separated to her non-showbiz husband after her deleting her post for her Husband and been blocked in social media by his Husband.

Iyan ang nakalagay sa headline. Nilagay ni Hazel ang isang piraso ng airpods nya para marinig ko ang interview.

"No. We are not separated. He ask me to delete my post about him. He never blocked me, he just delete his socials 'cause he want to focus in his career as soldier. Please don't bothered him." Natatawang saad ng babae. Parang pamilyar ang boses nya.

Hindi ko alam kung saan ko narinig iyon.

"He is busy and very private person, he doesn't want to get involve to any rumors or issue. But we are happy. He somehow manage to visit me here in district 1." Nag shrugged si Hazel sa sinabi ng Actress.

"Eh? Si kuya Hunter nga, dalawa ang company ang hawak pero araw araw kasama si Ate Azula." Swestyon ni Hazel.

"Kilala mo ba ang asawa nya?" Umiling si Hazel.

"Hindi eh. Upon stalk Ella Andrada, isang silhouette lang ng lalaki sa sunset at engagement ring. The rest, puro music nya na. Pati sa vlog nya, wala rin. Sabi nila deleted na iyong ibang videos pero ang weird 'di ba?" Umiling ako kay Hazel.

"Hindi. Kasi, baka choice nila iyon ganoon. Saka sinabi na sundalo. Minsan ganun talaga pag sundalo." Napaisip ako kung saang sundalo, airforce? Navy? Army? Marines? Coast Guard?

Ewan. Saka sa daming sundalo sa District 3 baka hindi na ma distinguished.

"Your tag is ready Ma'am." Napatayo ako sa pg tawag sa akin ng babae. Agad ko naman chineck isa isa at binayaran.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon