Kinabukasan ay nagpatuloy ang lecture sa human centrifuge machine. Kailangan muna kaming turuan nga ibat ibang strategies.
Kung paano ang hinga namin kapag nareach namin ang 9 g's. Normal daw na mawalan na malay o mahilo o kaya masuka. Pero kung hindi na kaya ay may pipindotin kaming button. Para bumagal sa pag ikot at tumigil.
Ang machine na ito ay nag sasanay sayo sa mga pag liko at pagtagilid ng plane sa ere. Sa pag bilis ng pag ikot ng machine mas nagiging malakas ang force na humahatak sayo kasama ang pagsunod ng katawan mo sa kung paano umikot ang machine.
Mas madaling ipaliwang kapag nakasakay ka sa motor o sasakyan tapos umiikot ng mabilis sa rotonda. May tumutulak sayong i ayon ang tayo mo upang mabalanse ang iyong pag ikot. Nararamdaman natin na pag pakaliwa ang iyong ikot ay napapatagilid tayo pakaliwa ngunit hinahatak naman tayo pakanan. Ganoon ang feeling.
Sa pag taas ng g's na nakukuha ng katawan mo doon mo mararamdaman na parang nawala ang dugo mo sa katawan at napunta sa paa o baliktad naman. Maging ang mararamdaman mong parang hinihigop ang iyong dibdib at hindi ka makahinga.
Tinuturuan kami ng isang technique ng breathing kapag nasa level na kami ng 4 g's at pataas. Iyong hihinga ka ng malalim at mag rerelease sa bilang na sasabihin ng nasa control. Para kasing iniipit ang dibdib mo o kinocompress pag mataas na ang g's.
Nag hihintay lang ako ng turn ko after ng briefing. I brebrefiefing pa nila uli kasi pag nasa loob na. Dulo ako dahil alphabetically arranged.
Nag hihintay ako sa waiting area na tawagin ang pangalan ko. Tatlong machine ang nakahanda sa amin. May mga doctor na natingin.
"'Di ba ikaw ang Kapatid ni Prince Hunter?" Napalingon ako sa isang Private na kasama ang pulutong ng mga lalaki sa likod nya.
Kelan ba matatanggal ang pagkakakilanlan kong ganoon.
"Cadet Yoko. Wala naman ako sa district 2 para tawagin na ganiyan." Tumawa ang mga kasamahan nya.
"Sus, pa humble ka pa. Eh ikaw lang naman ang nag iisang bata dito." Nag panting ang tenga ko. Oo kaya ako nakapasok dito ay dahil kay Kuya. Ni request nya, pero nag test parin naman ako tulad ng ibang mga cadet.
Sasagot na sana ako noong si Sir Gannar ang sumagot para sa akin.
"Tama naman. Isang pabor si Cadet Yoko dahil ang age requirement ay 18 above sa SPT, at 16 naman sa reserve army. Pero tulad ng mga cadet sa normal academy na tulad nyong mga private na pinagdaan nyo, nag test din sya, at qualify naman sya. Pagkatapos ng SPT nya, at kung magtutuloy sya sa Airforce maaaring maging officer sya. Iyon ay kung 'di sya kunin ni Arrow." Nakapamulsang saad ni Sir Gannar habang lumalapit sa amin. Sumaludo ang mga private sa kanya.
"Balita ko, sinakay ka daw ni Arrow kahapon. Kamusta Yoko? Sumuka ka?" Umiling ako. At ngumisi sya sa akin.
"Nakalakad ka after?" Tumango ako.
"Himala 'yan. Saulo ni Arrow ang Lecton, sure akong mahirap ang stunt na ginawa nya." Bumaling sya sa lalaki.
"Alam mo Alyeho, kung gusto mo ang isang babae, wag mong iinsultohin para mapansin ka, kay Arrow lang na effect ang ganoon. Kaya tigilan mo itong si Yoko at dalawang babaeng cadet ni Arrow. Kung ayaw mong mapatalsik ka, maliwang Private first class?" Ngumiti si Sir Gannar at tumango ang lalaki at iniwan kami.
"Lapitin ka talaga ng lalaki 'no?"
"Dito lang, wala naman ganiyan sa Triton."
"Eh baka kasi dahil lagi naman yatang may bantay sayo?" Napaisip ako, kay Hazel, oo. Pero sa akin, wala naman.
"Galingan mo sa test ah." Tumango na lang ako.
"May schedule po ba kayo ni Sir Kyros, kasi kahapon wala kayo, tapos ngayon sya namana ng wala."
BINABASA MO ANG
Meet Me Above Altitude
Hayran KurguThe goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with colors as their love stays in the clouds, exchange promises along side the setting sun, connecting the m...