Days with him become more memorable. Ang dugo ni Kyros ang dumadaloy sa akin. He become more observant on me and more caring. Buong spring ay nasa bahay lang ako nag rerecover. Sya na ang nag adjust, noong birthday ko ay nasa bahay namin sya bumisita. Summer ay bumalik ako ng Airbase at nagtuloy ng traning. Ironic dahil ang first anniversary namin ay sa hospital dahil napatapat ang check up ko. Bago naman mag end ang Fall ay magkasama kaming napunta sa hospital. Ilang araw na naconfine para salinan ng dugo bago uli ako itago sa bahay namin. Madalas syang bumisita sa bahay. Minsan naman ay nag vivideo call kami ni Klare at pinapadalhan ko sya ng cookies. Hindi ko alam kung alam ni kuya ang relasyon namin, pero kapag nakikita nya naman, wala syang sinasabi. Patay malisya sya. Siguro dahil alam nyang naka engage parin ako.
Akala nya siguro nakikipag laro ako kay Kyros. Pero hindi, si Kyros ang gusto ko makasama hanggang sa dulo.
"Officially Summer!!" Sigaw ko noong dineclare sa forecasts na summer na. Sa season na ito mapupuno ng aircraft ang ibabaw ng dagat at himpapawid ng luna dahil sa mga plane na tinetesting at mga pilotong tinuturuan.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa view ng air base. Napaka ganda ng araw.
"Mag prepare na ako, Major." Akmang aalis na ako ng hawakan nya ang braso ko.
"Gawa na ang plane mo." Napakunot ang noo ko.
"Ha?"
"Gawa na ang Naravil11. May dumating na memo sa akin kaninang umaga. Bukas ilalabas sa chamber ang Naravil11 na syang personal plane mo." Tumagilid ang ulo ko sa kanya.
"You mean? Iyong may dala ng NLEA?" Tumango sya. "Ngayong araw ko ipapakita sayo kung paano lumipad ang Naravil10."
Halos mapatalon ako sa sinabi nya at pumalakpak pa sa tuwa.
Finally! 'Di na sa program at machine ako mag sasanay."Pwede ba akong sumama sa likod mo?"
"One sitter lang ang Naravil. Do you forgot about it SPO?" Ngumuso ako sa pag susungit nya.
"Hindi naman. Gusto ko lang makasama ka sa himpapawid." Nakanguso kong sabi.
"Let's use the other plane. Gear up, Baby." Napalingon ako sa paligid sa dulong salita na sinabi nya. Tumawa sya sa akin.
"Prepare mo ang runway." Naghiwalay kami ng landas sya papunta sa control tower at ako naman sa sickbay para mag pa check muna kung stable ang katawan ko na lumipad. Nag suot ako ang anti -g force suit at ilan pang gear.
Sa pag labas ko ng sick bay ay nakita ko na inihahanda na ang plane namin. Isang Lexander72 at isang Hera798 ang magkatabing nilabas sa runway.
"Yoko!" Napalingon ako sa squad ko kasama nag ibang private.
"Lilipad kayo?" Ngumiti ako sa tanong ni Granfiel. Agaran akong tumango.
"Nauumay na ako sa machine lang."
"Sige. Dahil may iba sa inyo ma kwinestyon si Yoko noong last last winter, o ayan manood muna kayo." Nakapamulsang naglakad si sir Gannar at tiningnan ang inaayos na plane sa runway.
"Nakasakay ka na ba sa Lexander?"
"Iyong hera ang gagamitin ko hindi ko kabisado ang lexander. Baka bumagsak ako"
"Sasaluhin ka ni Arrow. Hahahah." Sabi nya at naglakas papalis.
"Dismissed muna kayo, pero dapat manood kayo sa gagawin ni Arrow at ni SPO Yoko. Kung sino may makakahula ng pinaka mataas na altitude nila, may premyo sa akin."
"Pilot officer AA Tan-Yoko, pilot of Hera798 proceed to the runway." Mabilis akong tumakbo ng elevator lobby at sumakay ng elevator.
Agad kong inikutan ang Hera798 at chineck ang bawat gilid.
BINABASA MO ANG
Meet Me Above Altitude
FanfictionThe goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with colors as their love stays in the clouds, exchange promises along side the setting sun, connecting the m...