A-Nine

115 9 0
                                    

"Wag kang maingay Yoko! Oo, kaya mamayang gabi ah. Pwede kang mag suot ng normal. Inuman at kainan lang naman iyon. Sasalubungin lang naman natin ang birthday nya." Tumango ako habang nag iisip ng bagay na ibibigay sa kanya.

"Sir, may particularly na alak bang gusto si Sir?" Iyon lang naisip ko. Inuman daw eh. E'di alak na lang.

"Hmm. Brand. Gilbey's. Gin ang gusto noon." Tumango ako. At ngumisi sya sa akin.

"Saka request ni Viggo na mag perform ka daw mamaya. But that's an order from me!" Humalakhak sya at umalis.

"Ang ganda ng bulaklak sa buhok mo. Galing ba iyan kay Arrow! Nag date kayo? Hahaha." Saad nya bago tuluyang makaalis ng courtyard.

Perform? Anong perform? Hindi naman ako sa Hazel!!

Nataranta ako hanggang sa nakita ko ang notebook ko sa tabi ng ipad at libro na binabasa ko.

Oo nga pala, may kanta akong pinapatonohan kay Hazel. Iyon na lang.

Kaso hindi ko alam kung tapos na Hazel.

Tumawag ako sa bahay. Sa home phone at natuwa ako na isa sa mga katulong namin ang sumagot.

"Maam wala po ngayon sa bahay si Madame."

"Ahh okay lang. Can i ask you a favor?"

"Opo naman po Ma'am, ano po iyon?"

"Hmm. Pakicheck naman sa wine rack and sa bar area kung may any gin ng Gilbey's. Ang alam ko may London dry pa sa bar area natin. Saka isang magnifico wine. Pakilagay ng ayos sa isang wooden box at lagyan nyo ng ribbon na green, magkasama. Then pakiusapan mo ang diver ko na dalhin dito sa Base together with my acoustic guitar. Sa music room." Ibinigay ko ang instructions at narinig ko ang mga nag uumpugan na glass sa kabilang linya.

"Meron po pareho Ma'am. I preprepare ko lang po ito. Saka ma'am alin pong gitara ang ipapadala ko?" Napaisip ako.

"Iyong Taylor na puno ng bato. Itim ang gilid, green ang likod at unahan na kumikinang gawa ng crystal. May pangalan na Art. Pakilagay sa guitar bag. Nasa tabi iyon ng piano. I think.." saad ko.

"Iyon pong lagi nyo pong gamit?"

"Yes!" Natatawa kong sabi.

"Sige po ma'am."

"Sumama na ka na sa pag dala dito. Isama mo si Pepper."

"Sige po. Wala pong problema Maam." At namatay na ang tawag. Habang naghihintay ay nagsulat ako ng maliit na greeting card.

'Happy birthday Major General Kyros. May the grace of the moon grant all your wishes tonight. Have a wonderful day ahead and i hope you are happy. I do hope you enjoy this bottle of wine and gin with your family and friends.

Enjoy the rest of the day.

Your Special Pilot, Artemis Yoko.'

Nag text ako kay Hazel na kung natapos nya nang tonohan ang kanta ng in my sky at natuwa ako na natapos nya. Agad nya rin naman sinend sa akin.

Tumawag sa akin ang kasambahay namin noong nasa gate sila ng Base. Marahil ay hindi sila pinapasok dahil wala silang authorization.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon