A-Nineteen

106 4 0
                                    

Sobrang daming ubas at ibat ibang variety. Hindi ko mapigilan na kumain habang namimitas.

"Baby, you need to wash it first."

"Ehh. Mukha kasing fresh. Saka baka naman wala silang nilalagay na kemekal sa ubas."

"I'm sure they put some pesticides for bugs. Just refrain from eating it. Pwede naman tayong mag ask  nang nahugasan na." Tumango ako at pumitas pa ng ilan.

"Ang cute oh!! Ang dami!" Sabi ko at pinitas ang isang kumpol na halos wala ng paglagyan ang ubas. Siksikan silang lahat.

Nagningning ang mata sa akin ni Kyros. Lumapit ako at sinabi nya sa akin ang ubas na pinahugasan nya.

Pumitas ako at kumain saka ako pumitas at isinubo sa kanya.

"Let's go to the fruit garden." Magkahawak kamay kaming nagpunta sa fruit garden. Sa loob ng isang malaking greenhouse na may pangalawang palapag.

Napakaganda ng systema ng garden dahil may tuloy tuloy na aqueducts sa buong garden. Iba't ibang berries, oranges, lemon at maging kiwi ay meron.

"'Dito pwede kang pumitas at kumain. Its inside greenhouse. Its protected." Tumango ako at tumakbo sa mga black berries at raspberry. Kahelera din ito ng mga strawberry. Sobrang gaganda at mukhang napakasarap.

Tumikim ako at kinilig pa ako sa sarap.

Pumitas ako at nilagay sa kamay ko at muling bumalik kay Kyros. Nilagay ko iyon sa maliit na basket saka ko kunuha at pumitas pa uli.

Noong nasa strawberry na ako ay namangha ako. Mapupula ang mga strawberry at napaka lalaki. Hindi ko mapigilan na hindi kumain habang pumipitas.

Nakakuha ako ng napaka pula at napaka laki na strawberry. Humarap ako kay kyros na ngayon ay nasa likod ko na.

"Nomi. Tikman mo oh." Sabi sabi ko at itinapat ang strawberry sa bibig nya. Ngumiti sya sa akin at tumango. Kumagat sya sa strawberry.

"It taste sweet." Kumagat ako sa pinagkagatan nya.

"Ang sarap 'di ba?"

Tumango sya. Humawak sya sa dalawang tagiliran ng bewang ko at nilapit ako sa kanya.

"You are so pretty. I love you so much." Bulong nya at hinalikan ang tuktok nga ulo ko.

"I love you too." Saad ko. Nagyakag syang kumain kami sa restaurantng hotel. Ang mga prutas na pinitas ay nilagay nila sa magandang basket at binigay sa amin.

Panay ang tawa ni Kyros sa akin dahil sa pagkahumaling ko sa prutas na pinitas. Sobrang dami ko tuloy nakain.

Siesta time ay pinayagan ako ni Kyros ay matulog. Pati sya ay natulog sa tabi ko. Hinatak nya ako papalapit kaya yumakap ako sa kanyang katawan.

Noong nagising kami, niyakag ko syang mag jet ski. Naghubad ako ng dress ko at nagulat ako ng bigla nya akong hinatak.

"Don't strip in front of people. Darn you are wearing white but you are so hot!" Tiningala ko sya sa kanyang pagmamaktol.

"Mag papalit na ba ako?" Umiling sya.

"Can i kiss you, just to tell them that you are mine alone." Wala ako sa aking sarili na tumango. Napatiad ako noong hatakin nya ang bewang ko at hinalikan ako sa labi.

Noong binitawan nya ako ay kinuha nya ang dress sa kamay ko at hinayaan na magtungo sa jetski.

"Susunod ako." Saad nya at sya naman ang naghubad ng top nya at bumaling papunta sa isang lounge at doon nilagay ang damit namin.

Agad kong pinaandar ang jetski at pinatakbo sa ibabaw ng tubig.

Tumayo ako habang pinapatakbo ang jet ski.

Meet Me Above AltitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon