3

385 10 68
                                    






"Si Markus? Naging babaero 'yon simula noong maghiwalay sila ng ex niya. Hindi ka naman seryoso sa kaniya, 'di ba?" Napatigil ako sa tanong ni Karenne. Nagkibit-balikat ako at kinuha ang plastic spoon para sa ice cream ko.



"Sinong ex? Bakit naging babaero siya?" Tumigil si Karenne sa pagsubo at handa nang magk'wento.



"Eris ang pangalan. Hindi ko naman na-meet, e. Nakuwento lang sa akin ni Khalil noon. Minahal niya nang sobra si Eris. Nang maghiwalay sila dahil may hindi raw sila naayos na problema, naging babaero si Markus."



"Hindi ba niya naisip na puwede siyang makasakit?" Bakit ako nasasaktan? Hindi naman ako isa sa mga babae niya, 'di ba?



"Bago niya landiin ang isang babae, nililinaw niya kung ano lang ang gusto niya. Bakit ba nagtatanong ka? Interesado ka 'ata kay Markus?"



Bumuntong-hininga ako at inubos na ang ice cream na nasa cup. Nang matapos ako ay nilingon ko si Karenne. Abala na siya ngayon sa pagc-chat. Siguro ay kausap niya si Capt. Khalil.



Kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng lamesa nang umilaw iyon dahil sa isang notification. mr_ford started following you. Nasundan pa 'yon ng ilan pang notification.



mr_ford liked your post. 1m

mr_ford liked your photo. 10s

mr_ford liked your photo. 5s

mr_ford commented: pretty

mr_ford mentioned you in their story



Binuksan ko ang story niya at nakita ang isa kong selfie. Ang pangit ko ro'n! Bakit 'yun pa ang napili niyang ilagay sa story niya?!



Markus Ravi Ford
Active now



You replied to their story

   Nakakainis ka! Ampangit ko sa pic na pinili mo😤😭

Maganda naman, ah?

Maganda ur face!!! Pangittt ngaaaa!!!! Delete mo na pls😭😭😭😭😭

Ayoko:)

Ewan sayo!!!! Yoko na, balakadiyan🤬🤬🤬

Hahahaha fine, i'll delete it
but... give me a kiss first



"Baduy," natatawang bulong ko sa sarili ko. "Kiss? Ngi."



"Yes, Mrs. Ford? Are you saying something?" Napalingon agad ako sa gilid ko. Nahampas ko ang braso ni Markus. "Ouch... You're so bayolente." He glared at me.



"Nakakagulat ka!" He laughed at that and gave me a kiss on my forehead. "Kanina ka pa? Hindi kita napansin."



"Hay, parang nakakalimutan n'yo na 'ata na nandito pa ako. Nakakahiya naman sa akin, 'no?" Sabay kaming napalingon kay Karenne at sabay rin kaming natawa.



"Kasama ko si Khalil. May binili lang siya saglit-"



"Uuwi na pala ako, Pia! Pinapauwi na ako ni mama. Markus, mauna na ako sa inyo, ha. Ikaw na bahala kay Pia." Nagmamadali si Karenne na tumayo at nag-ayos ng mga gamit.



Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now