5

374 10 45
                                    






"Alam mo kasi... N-Nakakainis lang na hiniwalayan niya ako d-dahil may mas maganda r-raw sa 'kin! Ang tanga lang... Saka niya lang 'yon napagtanto kung kailan..." Tumigil ako sa pagsasalita para umiyak ulit. Inalo ulit ako ni Markus. "Ang shaket shaket laaaang!"



Humawak ako sa dibdib ko at umiyak nang umiyak. Markus was there, comforting me. I don't even know why I'm suddenly crying because of my ex, while having a drink with my suitor!



"And you know what hurt me the most? Pinagpalit niya ako sa nakalaban ko sa isang pageant! Maganda naman ako, e.. Sobrang ganda. B-Bakit gano'n?" Nilingon ko si Markus at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Bakit nagagalit siya?



"What's the name of your ex?"



"Si Gio... Gio Santiago."



Pumasok ako sa backstage nang aayusin na ang buhok ko. Laking gulat ko nang makita si Gio sa loob at kausap si Nicole, 'yung isang contestant na mula sa kabilang city. Magkakilala pala sila?



"Mahal..." pagtawag ko kay Gio. Alanganin siyang lumingon sa akin at tumingin pa ulit kay Nicole bago tuluyang lumapit sa puwesto ko. "Kilala mo pala si Nicole."



"Sophia, I'm sorry." Kumunot ang noo ko nang mag-sorry siya. "Let's separate ways. I am breaking up with you."



"W-What? Gio, anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan ako sa nangyayari.



"Look, I'm dating Nicole." Nilingon ko si Nicole na ngayon ay nakangiti pa sa makeup artist.



"Gio, hindi ko m-maintindihan... Bakit siya? B-Bakit biglang kayo na?" Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko nang itanong ko 'yon. Wala naman kaming problema.. Akala ko masaya kami, akala ko okay kami.



"Akala ko kasi na sa 'yo na ang lahat. Mas maganda si Nicole, mas malambing, nabibigyan niya ako ng oras at atensyon, at hindi siya umiiyak sa maliliit na bagay. Nakakasawa na kasi, Sophia. Ultimong pag-inom ko, iniiyakan mo. Wala ka bang tiwala sa 'kin-"



"May tiwala ako sa 'yo noon pero ngayon wala na. Kung nagsasawa ka na sa pag-iyak ko sa maliliit na bagay, nagsasawa na rin ako sa mindset mo. Napupuna mo ang pag-iyak ko pero hindi mo naisip na puro ka reklamo, e wala ka naman magandang nagawa." Napangiti ako nang sarkastiko sa kaniya. "E'di maghiwalay na kung maghiwalay. Magsama kayo ng babaeng tatalunin ko sa gabing 'to."



Lumabas ako ng dressing room dahil matagal pa naman bago magsimula ang event. Kailangan kong huminga at pakalmahin ang sarili bago magsimula ang event. Nakayuko ako habang naglalakad nang mabunggo ko ang isang lalaki.



"S-Sorry-"



"It's okay. Here, use this." Nagulat ako nang abutan niya ako ng panyo. Kinuha ko 'yon nang walang pag-aalinlangan. Dumiretso ako sa labas at doon umiyak.



Sa gitna nang pag-iyak ko ay nakita ko ang initials na nakaburda sa panyo. M.R. Bumalik ako kung saan ko nabunggo ang lalaki kanina. Wala na siya roon. Manonood kaya siya ng pageant?



Sobra ang kabang naramdaman ko nang simulan na ang pagtawag sa top 5. Unang tinawag si Nicole. Pasimple akong napabuntong-hininga nang tawagin ang ikaapat na pasok sa top 5. Napatakip ako sa aking bibig sa gulat nang tawagin ang pangalan ko. Ako ang panghuling tinawag! Naghiyawaan ang mga tao nang tawagin ako.



"Wow, crowd favorite si candidate number 1," wika ng host. Nag-ingay nanaman ang mga tao dahil do'n.



Iba-iba ang tanong na ibibigay sa top 5. Sa pagkakaalam ko, sa top 3 ay iisang tanong nalang ang sasagutin ng makakapasok sa top 3. Ang mga mata ko'y nakatingin sa crowd ngunit ang mga tainga ko ay handa nang makinig sa sagot ni Nicole.



Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now