4

405 12 46
                                    






Napalabi ako nang matamaan ako ng isang babae sa concert ni Kyenn. Ang sakit! Agad na sinuri ni Markus ang mukha ko. Mahina siyang natawa nang makitang paiyak na ako. Inalo niya ako at hinalikan sa noo.



Bumaling na ulit ako sa stage habang nakayakap sa beywang ko si Markus mula sa likuran. Nagtilian ang mga tao nang lumabas na si Kyenn. Pinigilan ko ang sarili ko. Kasama ko si Markus. Nakakahiya naman kung titili ako sa ibang lalaki!



"You look so wonderful in your dress. I love your hair like that. The way it falls on the side of your neck, down your shoulders and back. We are surrounded by all of these lies. And people that talk too much... You got that kind of look in your eyes.. As if no one knows anything but us." Nagulat ako nang sabayan ni Markus si Kyenn. Inilapit niya talaga ang mga labi niya sa tainga ko.



"Should this be the last thing I see. I want you to know it's enough for me. 'Cause all that you are is all that I'll ever need..." The next words took my breath away. "So in love..."



When the song ended, Kyenn talked to his fans a bit. He was really a good singer! Siguro ang s'werte ng magiging girlfriend o asawa niya. Sobrang bait at lambing niya.



Nag-ingay ang buong arena nang itutok sa amin ni Markus ang spotlight. Sana all, sana lahat, hope all. 'Yan ang hiyawan ng fans. Nahiya ako bigla!



"Ahh, what a lovely couple. Stay in love, guys! I wish I could also bring my girlfriend sa concert ko. Kidding, I am still single. Dm if you want me," Kyenn chuckled.



Nang matapos ang concert, dumiretso kami ni Markus sa paborito niyang restaurant. Madalas daw siya roon kumain. I was actually glad na habang tumatagal, mas nagiging open siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Hindi lang siya sa akin nagfo-focus.



Hinayaan niya akong piliin kung ano ang gusto kong kainin. Ang sa kaniya ay iyong paborito niya. Nang ihain na ang order namin, nagulat ako nang lagyan niya ako nang kaunti sa plato ko nung order niya.



"Tikman mo. Promise, masarap 'yan."



"Mas masarap sa 'yo?" Natawa ako nang mabilaukan siya. Uminom kaagad siya ng tubig.



"Please don't do that in front of the food again. Ava, you know the answer to that. Ma-ooffend ang pagkain kapag nalaman nito ang sagot." Tumawa ako sa sinabi niya. Iba rin ang trip nito.



Nang tikman ko na iyon ay napaangat ako ng tingin kay Markus. Nakangiti siya at mukhang naghihintay sa sasabihin ko. Masarap nga. Sobrang sarap. Nag-thumbs up ako kaya mas lalo siyang napangiti.



"Next time, ito na rin order ko." Ngumiti ako sa kaniya. "Pagkatapos natin dito, may pupuntahan pa ba tayo?"



"Yeah... Kung okay lang sa 'yo."



"Okay lang. Wala naman tayong flight bukas. May dala rin akong extra clothes. Hindi naman ako handa, 'di ba?" Natawa siya dahil do'n.



After dinner, we were back on the road again. Madilim na ang paligid. I was shocked when I heard a BTS song. ARMY siya? Nilingon ko siya at mukhang enjoy na enjoy niya ang Pied Piper.



"ARMY ka pala?" Tumango siya. "Ako rin. Pero wala akong albums. Nasasayang ako sa pera, e. Ang isang album pambayad ko na sa isang bill."



"If someone will give you an album, what album do you want to receive?" Nilingon niya pa ako saglit.



"Kahit ano naman! Lahat ko naman 'yon gusto, 'no. Magpapaka-choosy pa ba ako?" Napangiti siya kaya napangiti nalang din ako.



Nang ihinto ni Markus ang sasakyan, bahagya akong natigilan nang matanaw ang isang beach resort. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan. Nang makababa na ako ay kinuha niya ang mga gamit namin na nasa backseat.



Sa isang kamay niya ay dala-dala niya ang mga bag namin, habang ang isang kamay niya ay nasa likod ko upang umalalay. Nauna akong maglakad sa kaniya at siya naman ay mahina akong tinutulak patungo sa isang bahay. Bahay ba 'yon? Hindi ko alam!



Sinalubong kami ng isang matandang babae nang may ngiti sa labi. Napangiti rin ako. Hindi nagtagal ay may tumabi sa kaniyang dalaga.



"Magandang gabi po! Kayo po ba 'yung mag-asawang nagpa-reserve ng cottage?" Nalaglag ang panga ko sa tanong ng dalaga. Nilingon ko si Markus na ngayon ay mukhang minumura na ang sarili.



"Mrs. Ford at Mr. Ford? Iyon ang natanggap namin kahapon," dagdag ng matanda.



"Ah opo! Mag-asawa nga po pala kami. Hahaha! Bagong kasal po kasi kami kaya minsan ay nakakalimutan ko. Sa sobrang clingy niya po kasi feeling ko boyfriend ko pa rin siya." Hinampas ko pa ang braso ni Markus. Muntik pa siyang mapamura dahil nalakasan ko 'yon.



"Ay suwerte mo naman, ma'am, sa iyong asawa! Ganiyan din kami ng asawa ko noon." Ngumiti ako nang alanganin sa matanda. "Oh siya siya, ihahatid na namin kayo sa cottage ninyo."



Kinurot ko si Markus habang naglalakad kami, nakasunod sa dalawa. Nilingon niya ako at nagso-sorry nang walang boses.



Nang huminto ang dalawa sa tapat ng isang cottage ay agad akong yumakap sa braso ni Markus. Si Lola parang kinilig pa ro'n! Hinayaan din nila kami agad dahil baka pagod na raw kami at nais nang magpahinga.



Pagkalapag ni Markus ng mga gamit namin sa loob ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Narinig ko siyang may kausap sa phone. Sino naman kaya 'yon? Gabi na, tatawag pa!



Nang lumabas si Markus mula sa banyo ay pinaningkitan ko siya. Napatigil siya sa may pintuan at napahawak pa sa dibdib niya.



"Mag-asawa? Excited ka 'ata masyado, Mr. Ford? Hindi ko alam na may asawa na pala ako. 'Di ako informed, bro." Tinaasan ko siya ng kilay nang umupo ako sa kama.



"I-I'll explain, Mrs. Ford- No, I mean, Ava. I was with a co-pilot yesterday and uh, while I was having a talk with the owner of this resort, umepal 'yung co-pilot ko. I told the owner na i-reserve 'tong cottage under my name and my co-pilot told them na I'm going with my wife-"



"Ganda ng Mrs. Ford. Bet ko." He stared at me in disbelief when I said that.



"Wait, you're not mad? God, I thought you were mad!" Nakagat ko ang labi ko sa naging reaksyon niya. Nakakatuwa naman siyang asarin. "If you like my surname, you can marry me someday."



"Hindi pa nga kita sinasagot, kasal agad." Umirap pa ako kaya natawa siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko, dahilan upang mapatingala ako.



"I don't like rushing things out but if it's you, I don't care about the date and time. I will always adjust my time for you." He said that with a strange emotion in his eyes. Like... He was in love.



__________________________________

Song used for Kyenn's concert: Tenerife Sea by Ed Sheeran

(Insert ko lang: If you want, you can also read Chasing after Chances, Fangirl and Idol Series #1. Story po 'yun ni Kyenn. Thank you!)

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now