23

261 10 30
                                    

TW: Mention of Death



"Den, uuwi na ako. Thank you!"



"I'll take you home. Magpapaalam lang ako sa kanila." Tumango ako kay Denver at pinanood siyang umalis.



Habang naghihintay ako kay Den, napansin kong may nakatingin sa akin. It was Markus. It's been half a year. Naka-move on na kaya siya kay Yazielle? Baka hindi pa. Mahal niya 'yung tao, e. Sobrang minahal...



Napahawak ako sa dibdib ko nang lumapit siya sa akin. He held my arm and pulled me somewhere. At ako naman si tanga na hinayaan lang siya! Binitawan niya ako nang makarating kami sa isang sulok ng bahay ng kaibigan namin. Walang tao at walang dumadaan sa parte na 'yon.



"May kailangan ka ba?" mahinang tanong ko.



"Are you dating Denver?"



"And what if I am? Why do you care?" Taas-noo kong sinalubong ang mga tingin niya.



"He kissed your friend! Are you really going to settle with someone who had a thing with-"



"Nagpaliwanag siya. Nakainom sila ni Nat no'n. Malinaw sa kanila na wala lang 'yon! Huwag ka ngang ano diyan! Ikaw nga binalikan mo ex mo, nagreklamo ba ako?! Hinanap mo nga ex mo nung tayo pa. Aba, masyado kang mapapel ha! Ex na kita-"



"Sophia? Hatid na... kita." Lumayo sa 'kin si Markus nang makita si Denver sa gilid namin. "Cap, hatid ko lang si Sophia-"



"Please make sure that she's safe. I know your plate number." Markus left us there. Denver sighed and glanced at me.



Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Markus. Sa tuwing magkikita kami, mukha siyang galit. May galit ba siya sa akin o sadyang pinanganak lang siyang may galit sa mundo?



Inayos ko ang shorts ko bago naupo sa telang nakalatag sa grass. Kumuha ako ng donut at kinagatan agad 'yon. Baka may umagaw pa. Napaubo ako sa sobrang tamis n'on! Gagi, anong klaseng pagkain 'to?! Sobrang tamis!



Tatayo na sana ako nang may mag-abot sa akin ng disposable cup na may tubig. Kinuha ko agad 'yon. Pagkatapos kong uminom, nag-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Markus na nakatayo sa harapan ko, nakapameywang!



"Eat slowly. Hindi ka naman iiwan, e," kunot-noong aniya. Umirap ako.



"For your information, hindi ako napaubo dahil sa hindi ako nag-eat slowly. Napaubo ako sa tamis ng pagkain na 'yan na sigurado akong hindi mo kayang ibigay. Oh? Magsasalita ka pa, Mr. Ford?" Umangat ang gilid ng mga labi niya. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya, nagpipigil ng ngiti. Sa harap ko pa talaga?! The audacity!



"Stand up. Partners tayo sa game-"



"Huh? Hindi naman sila naglalaro-"



"Ikaw ba ang nakausap nila? We're going to play a game, ikaw nalang ang kulang." Inismiran ko siya bago nagpatulong sa pagtayo. Nilahad niya ang kamay niya at bigla nalang akong hinila patayo! He shrugged when I glared at him.



Pumunta kami sa puwesto ng mga ka-trabaho namin. May game nga! Papasok kami sa maze at hahanapin ang mga puting bola na nakakalat. Shuta, parang ang hirap naman n'on. Baka maligaw lang ako. Sabagay, kasama ko naman si Markus.



Mukhang mas matalino sa akin si Markus. Tama! Siya nalang ang aasahan ko, hindi ang sarili ko. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng kumag na 'to.. Pumasok na kaming lahat sa maze. Nasa likod ko lang si Markus. Dahan-dahan akong umatras at pinauna na siya. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.



"Hindi ako magaling sa ganito," pag-amin ko.



"Okay." Ang seryoso.



Naka-anim na kaming puting bola nang mapagod ako. Umupo ako sa grass kaya bumaba ang tingin ni Markus sa akin. Ngumuso ako para sabihing pagod na ako.



"Get up if you want to win this game." Umiling ako. "Ms. Zendejas, let's go." Napailing siya nang hindi pa rin ako tumayo. Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako!



"Hoy?! Gagi, ibaba mo na ako! Maglalakad na ako!" Kumunot ang noo ni Markus. Hindi niya ako hinayaang makababa! "Ibaba mo na sabi ako! Paano kapag may nakakita sa atin, ha? Baka isipin nila, tayo na ulit-"



"Kayo na ulit?!" Sabay kaming napalingon sa magka-partner na napadaan. "Omg!"



"Hindi! Oh my God... Hindi kami! Mali ang pagkakaintindi n'yo!"



"Ay teh, hindi pa pala kayo sa lagay na 'yan?" Putangina. Kasalanan 'to ni Markus! Nakangiti silang umalis.



Pinilit ko na talagang bumaba at sinamaan ng tingin si Markus. Kasalanan niya 'yon! Tumingin din siya sa akin, nanghahamon.



"'Wag ka ngang assumero. 'Wag kang masyadong mapapel! Wala na tayo. At isa pa, kung gusto kong bumalik ka sa buhay ko, hahalikan nalang kita. Gano'n 'yon. Hinalikan ba kita? Hindi, 'di ba?" Umirap ako at iniwan na siya ro'n. Naiinis talaga ako! Buti nalang at nakalabas ako sa maze mag-isa. Nakasunod naman agad si Markus.



Kami ang may pinakamaraming bola na nakuha. Kami ang winner. Pero wala, inis pa rin ako. Isaksak ni Markus sa baga niya ang prize! Nagulat ako nang sundan ako ni Markus hanggang sa makaupo ako sa upuan na gawa sa semento.



Binigay niya sa akin ang premyo na napanalunan namin. Kinuha ko ang isang basket ng groceries. Sa kaniya na 'yung 5k. Para fair! Tingin ko, worth 5k din 'tong nasa basket. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang mapansin kong mukhang wala pa siyang balak na umalis.



"Can you... Can we visit my mom together?" Huh? Parang ang awkward naman n'on...



"Bakit? Alam naman siguro ng mommy mo na wala na tayo-"



"That was her last wish, Ava." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan.



"Last wish? Bakit last wish?" He sighed and looked at me with pain in his eyes.



"She.. She's dead.. She got into a car accident. Before she left, she asked me if we could visit her together. She knew about our breakup. And actually, after knowing about it, she told me that she's scared... for me. If she leaves, no one will be there for me. That night... It was the worst birthday of mine... Just after you left the bar, I received a call. Nasa hospital daw si mommy. It was a hit-and-run case.. Hindi pa namin nahahanap ang gumawa n'on kay mom." I held his hand which shocked him. I stood up and pulled him for a hug. "Ava.."



"Don't move.. Let's stay like this until you feel better. I'm so sorry for not being there... You can cry. Do you wanna go somewhere?" Humiwalay siya sa akin at tumango. Nginitian ko siya at kinuha ko na ang mga gamit ko.



Ako na ang nagpaalam sa mga ka-trabaho namin. Nag-antay nalang si Markus sa kotse niya. Nang makasakay ako sa kotse niya, inayos niya ang seatbelt ko. I held my breath for a minute. I smiled by myself when I noticed how careful he was, making sure that he wouldn't touch me in any way.



When we reached our destination, he opened the door for me. Tanging ang cellphone at wallet ko lang ang dinala ko pagbaba. Iginiya ako ni Markus papasok sa bahay ng parents niya noon.



__________________________________

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now