"Hindi naman ako kakainin ng mama mo, 'di ba?" Napasulyap sa akin si Markus at natawa. Umiling siya at ibinalik ang tingin sa kalsada. "Huy, seryoso kasi! Kinakabahan ako. What if buhusan ako ng tubig tapos sabihin "Ito, sampung milyon. Layuan mo na ang anak ko." Nakakatakot naman, Markus.""My mom's cool, okay? Maingay rin si mommy, parang ikaw lang. There's no way she would hate you." I stared at him for a few minutes because of his smile. He really loves his mother.
When we got there, his mom was already outside. Siya pa ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nahiya tuloy ako! She smiled at me and her eyes twinkled. She hugged me, and when she finally released me from the hug, she caressed my cheeks.
Naramdaman ko si Markus sa tabi ko. He snaked his arm around my waist. I smiled awkwardly at his mother. Markus greeted his mother and kissed the latter's cheek.
"Finally, na-meet na kita! Ang tagal tagal ko nang sinasabihan 'tong si Markus na dalhin ka rito pero ayaw niya! He told me na baka raw matakot ka sa akin. And I was like, bakit naman? Pia, don't worry, hindi ako malditang mother-in-law!"
"Po? M-Mother... ?" Tumingin ako kay Markus, nanghihingi ng tulong. Tumawa siya sa 'kin at sinaway ang mommy niya.
"You're really pretty, tama nga si Markus. God, you're like a beauty queen. Why don't you join sa beauty pageants?"
"Mom, sa loob na po natin 'yan pag-usapan." Inalalayan na kami ni Markus papasok sa loob nang mapansin niya ang paninigas ko sa tanong ng mommy niya.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, napansin ko kaagad ang pader na puno ng picture frames. Naagaw ang atensyon ko ng isang litrato. It was a picture of his parents... They looked good together.
Napalingon ako sa mommy ni Markus nang tumabi siya sa akin. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang tinitingnan ko kanina. Iyon na 'ata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko. Halatang mahal na mahal niya ang asawa niya. Siguro gano'n din ang ngiti ko kapag tinititigan ko si Markus, hindi ko lang nakikita.
"He was a good man, a good father, and a good husband. Pero kamukha ko ang anak namin. Kaya sabi ko kay Markus, 'yung personality nalang ng dad niya ang manahin niya. You know, Pia, ilang years din na mag-isa si Markus. His last relationship didn't work and it didn't end well. I'm praying na ikaw na ang panghuli niya. He loves you so much, Sophia." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Thank you for staying by his side. Kapag sinaktan ka ng anak ko, sabihin mo agad sa 'kin."
"Mukhang malabo naman po 'yun, ma'am-"
"Oh dear! Don't call me that. Mommy na dapat. Sigurado naman akong pakakasalan ka ng anak-"
"Mommy, tinatakot mo naman si Ava." Ngumuso lang ang mommy niya sa kaniya. "Ate Gladys, pahingi po ng water. Tapos give it to my girlfriend."
"He's so in love, oh my God... Sure na sure na siya sa 'yo, Sophia."
Nang maihatid na ako ni Markus sa apartment ko ay binuksan ko kaagad ang isang box na ukay bags ang laman. Wala pa akong lipad kaya kailangan ko munang mag-online selling. Inayos ko na ang phone ko at ring light bago nag-post na magla-live ako.
Si Karenne ang unang viewer ko. Sunod na pumasok sa live ko ay sina Clara, Qams, at Nat. Pinahulaan ko muna sa first viewers ang laman ng box na hawak ko. Si Clara ang nanalo. Hindi man lang nag-give chance to others si gaga.
"Para sa first item natin... Ito po, black Chanel bag for only 300. Pa-comment 'mine bc 300' po, mga madam. Nauna po si Madam Mara Ford- Ay mommy, ikaw po pala! Grabe, 'di ko po ine-expect na magma-mine ka."
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...