"Nasa sementeryo na raw sila mama. Gusto mo bang maligo muna? Maliligo muna ako. Pagtiyagaan mo nalang ang paliguan namin ha. Tabo at balde gagamitin mo. Walang shower dito." Tumango siya sa akin. "Una ka na. Maghahanap pa ako ng susuotin ko."Inabutan ko siya ng bagong tuwalya at saka ako naupo sa sahig upang halungkatin ang maleta ko. Iyong itim na shirt at iyong maong na shorts nalang ang kinuha ko. Ipapares ko nalang 'yon sa sneakers ko na itim.
Nang makalabas si Markus sa banyo, ako naman ang pumasok. Sa loob na rin ako nagbihis pagkatapos kong maligo. Paglabas ko, nakabihis na si Markus at mukhang ready na siya. Siya na ang nag-blower at suklay ng buhok ko habang naglalagay ako ng light makeup.
"Nando'n mga pamangkin, pinsan, tita, at mga tito ko. Si Lola kasi ang binibisita namin sa sementeryo tuwing undas." Huminto ako saglit upang maglagay ng liptint. "Hanggang umaga kami ro'n. Okay lang ba 'yon sa 'yo?"
"Okay lang sa 'kin." Ngumiti siya sa akin habang pareho kaming nakatingin sa salamin.
Nag-jeep nalang kami patungo sa sementeryo dahil wala naman dalang sasakyan si Markus. Sa kanto na kami bumaba dahil maraming tao at hindi na nakakapasok ang jeep. Naglakad nalang kami ni Markus. Bumili ako ng mga kandila at bulaklak nang makarating kami sa may gate ng sementeryo. Si Markus na ang nagdala n'ong bulaklak.
Habang naglalakad kami papasok ng sementeryo, pinagmasdan ko si Markus. Siguro ay hindi siya sanay na makakita ng maraming tao sa sementeryo. Hanggang hapon lang siguro sila. Mas maraming pumupunta sa gabi at ang iba ay nagpapaabot na ng umaga.
Nang makarating kami sa tent na itinayo ng pamilya ko, napalingon silang lahat kay Markus. Kinuha ko muna ang bulaklak kay Markus at inilapag iyon sa tabi ng lapida ni Lola. Sinindihan ko rin ang mga kandila at iniligay na ang mga iyon doon.
"Ahh, si Markus po, manliligaw ko." Kaagad na nagmano si Markus sa mga nakatatanda. Gulat na gulat si mama nang magmano sa kaniya si Markus. "Ma, si Markus po..."
"Magandang gabi po, tita." Ngumiti si mama kay Markus at pasimple niya akong pinandilatan.
"Halika na, Markus, kain ka! Sigurado akong napagod ka sa byahe ninyo ni Pia. Wala ka bang pupuntahan? Nako, baka magalit ang pamilya mo!"
Ngumiti si Markus kay mama at umiling. "Bumisita na po ako kanina sa sementeryo. Nagpaalam na rin po ako kay mama na mauuna na ako."
"Tita Pia! Nasa'n na 'yung Victoria's Secret ko?" nakangusong tanong ng isa sa mga pamangkin ko sa pinsan. Ako nga nagtitiyaga sa ForMe ko na pabango!
"VS?! Tama na sa 'yo ang baby Bench cologne! Bata ka pa. Alam mo ba kung gaano kamahal ang VS? Kapatid ko nga 'di ko nabibilhan niyan, ikaw pa kaya?" Natawa ang mga tita at tito ko nang marinig ang sinabi ko.
"Ate! Pahingi pera, 'te. Bibili lang kami ng fries doon sa tent ng Mcdo!"
"Hay nako, Shaun. Maraming gastusan ang ate mo-"
"Ma, okay lang. Minsan lang naman ako gumastos sa mga kapatid ko." Napalingon sa akin si Markus. Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa ng shorts ko pero bago ko pa man 'yon mailabas ay nakita ko nang inabutan ni Markus ng five-hundred ang kapatid ko! "Ang laki naman!"
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...