26

262 9 28
                                    






"So, kayo na?! I mean, kayo na ulit?!" pangungulit ni Clara sa akin nang malaman ang nangyari. "Oh my God! Ang rupok mo, beh! Pero 'di ba sabi mo isang room lang kinuha n'yo? Oh, may nangyari ba?"



"Meron-"



"Gaga ka! Ang galing mo talaga! I'm so proud of you, my bebe!" Pumalakpak silang dalawa ni Qamari. Napailing nalang ako. "Ikaw naman? 'Wag mong sabihin na kayo na ulit!"



"H-Hindi! Wala ngang nangyari sa amin!" Natawa ako kay Qamari. "Hinayaan niya lang akong matulog sa bahay niya tapos umuwi na agad ako nung magising ako."



"Bakit parang disappointed ka?" pang-aasar ko. Umirap lang si Qams sa akin. "Okay lang 'yan. Hindi rin naman kami ni Markus. Oo nga, may nangyari. Pero wala naman siyang sinabi na kami na ulit."



"Girl, kayo na ulit. Pinost ka na nga nung tao sa instagram niya. Ayan oh." Pinakita sa amin ni Clara ang post ni Markus. Ako 'yun, natutulog. Gusto niya 'atang sabihin sa ibang tao na pinagod niya ako nung gabing 'yon!



"Falling out of love, choosing to stay, and realizing that true love has just begun. My Ava, after years of being apart, I found myself in my comfort spot again. I love you." Nahampas ako ni Clara ng unan nang matapos si Qams sa pagbabasa. "Winner ka na, Pia namin."



"Omg! My Ava! Aaaaahhhh!" Nasabunutan ko si Clara sa sobrang galaw niya. "Sayang 'yung breakup. Break break pa, magkakabalikan lang din naman pala. Ikaw, 'wag ka nang bumalik kay ano," tinuro niya si Qams at sinamaan ng tingin. "Hay, sana all talaga."



"Qamari, may namamagitan ba sa inyo ni Ethan?" Napatigil si Clara sa pagsasalita nang magtanong si Karenne. Naglapag si Karenne ng drinks sa lamesa.



"Mag-ex sila-"



"Wala, Karenne. Bakit?" Nagkatinginan kami ni Clara nang marinig ang sagot ni Qams. Ang sabi niya sa amin noon, naging sila ni Ethan...



"Kasi ang alam ko.. may gusto siya kay Zelena, 'yung sikat na model ng C-box. Nung minsan nga na nalasing si Zelena, si Ethan 'yung tinawagan ni Khalil."



"Sinasabi ko na nga ba! Napaka-red flag ng Ethan na 'yan. Nasa'n ba 'yan, ha? Ano, suntukan kami-" Tinakpan ko na ang bibig niya. Sa sobrang lakas ng boses niya, magigising ang mga tao sa paligid!



Napailing nalang kami ni Qamari, habang si Karenne ay alanganing ngumiti. Pinaupo ko na si Clara at pinakalma. Tumawa nalang si Qams nang makita ang galit na galit na mukha ni Clara. Inabutan naman siya kaagad ni Karenne ng tubig.



Lumayo muna ako habang pinapakalma nila si Clara. Chinat ko si Markus. Ni-remove ko agad 'yon bago niya pa mabasa. Magmumukha naman akong marupok. Sinabi ko nalang na namali ako ng send.



Markus Ravi Ford: ?

Markus Ravi Ford: Wru?

Sophia Ava: Bahay ni Qams. Kasama namin sina Clara at Karenne.



Sandali, parang detailed naman masyado ng message ko... Tinanong niya lang naman kung nasa'n ako. Oh my gosh!



Markus Ravi Ford: can i go there? i'll just bring some snacks

Sophia Ava: sure sure



Kinakabahan akong umupo sa tabi ni Clara habang naghihintay kay Markus. Tatanungin ko ba siya kung ano kami? Ano ba kami? Tao! Parang hindi ko kayang harapin siya.



After 30 minutes, someone knocked on the door. Open naman kasi 'yung gate ni Qams. Nakipag-unahan ako sa kanila sa pagbukas. Nagulat ako nang makita si Khalil. Markus smiled at me and he wiggled his brows. I smiled back and winked at him, which made him smile more.



Nauna nang pumasok si Khalil, habang si Markus ay nakipagharutan pa sa akin. Humawak siya sa beywang ko at humalik sa noo ko. Kinuha ko ang mga dala niyang pagkain at bumalik na sa mga kaibigan ko.



"Oh, my Ava- I mean, Markus! Grabe, ilang taon din tayong 'di nagkausap, 'no?" Minsan parang gusto ko nalang suntukin 'tong si Clara. "Sa sobrang tagal, may anak na ako."



"You're a mother now?"



"Oo, lalaki. Nakatira sa bahay ng parents ko. Wala kasi akong maiwanan sa kaniya kapag may duty ako. Kayo ni Ava? Hindi pa kayo mag-aanak? Tatanda n'yo na, 'di pa kayo-"



"Sis, what if mag-24 hours no talk challenge ka?" Qamari cut her off. "Naiilang na mga tao, girl. Bunganga mo."



I clasped my hands together while waiting for Markus to speak. I just know that it would be awkward if I ask him about our relationship. I mean, what kind of relationship do we have?!



A lot of things changed. Markus lost his mother. I lost my father. We lost each other. Things are harder now. Markus has always been nice. It was my fault. I seduced him the other night. After knowing how much pain he dealt with because of my father, I still had the guts to get him like that.



"Markus," I called him. He looked at me. "It's my fault... Dapat hindi ko 'yon ginawa. After all the pain that you got because of papa, ang kapal ng mukha ko para akitin ka..." I bit my lower lip.. Guilty.



"Love, hindi mo ako inakit. I was fucking attracted, okay? You know, you should stop associating my pain with your dad... Mom lived for a week in the hospital. I was there, serving her, talking to her, and feeling her love. I am okay, Ava. Please stop feeling guilty about the things you didn't do. Come here, I'm not letting you go this time." I chuckled before hugging his waist. He wrapped his arms around me and I felt him kissed the top of my head.



"I'm wondering... Naka-move on ka talaga sa 'kin?" I almost rolled my eyes when he whispered 'yes'. "Naka-move on ka na pala, e. Let me go."



"No, I won't let you go. No more leaving. Ava, the world doesn't revolve around us two. We broke up, I wanted to be happy, so I moved on. That's it. Don't worry, I love you even more now. Don't be so grumpy. I could hear you cursing at me inside your head." Natawa nalang ako. I don't want to be so immature.



"When are you planning to let me go-"



"Ava, no.." he hissed.



"Sa yakap, Markus, sa yakap! Ang higpit ng yakap mo, gago ka!" I felt his body shaking as he laughed. I exhaled heavily when he finally released me from his tight hug. "May tanong ako. Tayo na ba ulit?"



"I don't know, you tell me. If you want me to wait or court you again, I can do that. But if you want-"



"Willing to wait ka ba?" He nodded. "Good. Wait for me, Mr. Ford."



"I will, Ms. Zendejas."



__________________________________

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now