11

256 10 44
                                    






"Uh naglilinis po kasi ako, Tita! Hindi pa po ako tapos, makalat pa po sa k'warto ni Ava!"



"Diyos ko, nag-abala ka pa! Saka alam kong naglinis palang si Pia noong isang araw, hindi naman siguro gano'n kakalat sa loob! Gigisingin ko na diretso si Pia."



"Tita-"



Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Nagising ako at sa pagmuklat ko ng aking mga mata, si mama ang tumambad sa paningin ko. Ginawaran ko siya ng isang tipid na ngiti. Nasa likuran niya si Markus na ngayon ay halos mamutla na.



"Sophia?! Jusmiyo! Nakahubad ka ba?!" Inayos ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at saka ako umupo. "Anong... Bakit may posas diyan sa frame ng kama mo?!"



"M-Ma..." Kabadong pagtawag ko. Nilingon ni mama si Markus. "A-Ako naman ang nag-aya sa kaniya. Wala siyang k-kasalanan, ma."



"I'm sorry po-"



"Hindi ako galit, mga anak. Malalaki na kayo, alam n'yo na ang ginagawa ninyo. Pero ikaw, Sophia, bakit ipinakilala mo si Markus bilang manliligaw mo? Hindi naman ako magagalit kung sinabi mo na nobyo mo na siya o asawa."



"Ma, wala pong gano'n!" Muntik pang matawa si Markus sa pag-angal ko. Sumeryoso kaagad siya, siguro'y takot kay mama. "Nakainom po kami kagabi-"



"Ay Diyos kong rason 'yan! Dumaan na ako sa ganiyan, Sophia! Magbihis ka na at nasa baba ang papa mo, gusto kang kausapin. Markus, pasensya ka na sa ingay ko ha? Wala kang kasalanan, alam ko naman na pananagutan mo ang anak ko. Halika sa baba, mag-almusal tayo. Ipapakilala na rin kita sa papa ni Sophia."



Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Hindi p'wedeng makita ako ni papa na ganito ang itsura ko. Sigurado akong magagalit 'yon.



Pagkababa ko, nag-uusap na sina papa at Markus. Inayos ko ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko at tumabi ng upo kay mama. Sinalinan ko ng tubig ang basong nasa harap ko. Uminom ako at saka nag-angat ng tingin kay papa. Ilang taon na ba ang nakalipas simula nung huli niya kaming binisita?



"Ohh, darling! Sorry, I was talking to your boyfriend. I didn't notice you. How are you? Are you doing good?" Tipid akong ngumiti at tumango.



"I'm fine, papa. By the way, I'm planning to use your surname again..." Naramdaman kong natigilan si mama. Papa looked surprised too. Even Markus wasn't expecting that, maybe because he thought 'Pineda' was my real family name. "Please don't get me wrong. I just don't want the people to ask the same question over and over again."



"Sophia, mamaya na kayo mag-usap ng papa mo tungkol diyan. Nakakahiya kay Markus." Nilingon ko si Markus at pasimple siyang umiling sa 'kin.



"Bakit naman nakakahiya? Deserve nung tao na malaman ang totoo." Nahihiya ba sila dahil malalaman ni Markus ang problema ng pamilya namin o dahil sa ginawa nila?



Umupo ako sa malaking bato at doon bumuhos ang mga luha ko. Akala ko masaya na ako. Akala ko natanggap ko na. Pero kapag nasa tabi lang si papa, bumabalik 'yung sakit.



Hindi na ako nagulat nang umupo sa tabi ko si Markus. Hinayaan niya akong umiyak. Hindi siya nagsalita, hindi siya nagtanong. At nagpapasalamat ako dahil do'n. Mas nailalabas ko ang sakit kapag walang ingay sa paligid ko..



Nang mapagod ako, isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Markus. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya na para bang doon ako kumukuha ng lakas.



"I'm sorry..." The first two words that came out of my mouth.



"Why are you saying sorry?"



"Kasi..." Kasi nung huli akong nag-open tungkol sa issue ng pamilya namin, sinabihan ako na manloloko ako. "B-Binigyan kita ng rason para p-pagdudahan ako. Hindi ako magloloko, pangako!"



"Ava? What are you talking about? Hindi kita pinagdududahan at mas lalong hindi ko iisipin na manloloko ka. Dahil ba 'to sa issue ng parents mo? Hindi naman ikaw ang nagloko, love." Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko. Mukha na akong tanga kakaiyak. "I love you. You, giving me a chance to be with you today and saying the truth in front of me are already enough for me."



"Grabe, pinapaiyak mo 'ko lalo. Sagutin na kaya kita?" Natawa siya saglit bago ako hinalikan sa noo. "Mahal na talaga kita, Mr. Ford."



"God, hinay-hinay naman if you don't want me to die anytime soon." Natawa nalang ako sa exaggeration niya! Hay, nababaliw na 'ata ako.



I smiled at the camera while Markus was recording. Lagi niyang dala ang DSLR niya kapag may pinupuntahan kami. 'Di ko alam kung ano ang point nang pag-video niya.



Tumalikod ako at humarap ulit matapos ang ilang segundo. Nakatutok pa rin sa akin ang camera niya! Tinakpan ko tuloy iyon. Natawa si Markus at pilit na inalis ang kamay kong nakaharang. Hinayaan ko nalang siya... Sana maganda ako sa shots niya!



Sinuot ko ang shades ko at tumakbo palapit sa isang tattoo artist. Henna tattoo raw... Parang gusto ko! Hinatak ko si Markus palapit at itinuro sa kaniya 'yon.



"We can't have tattoos... I mean, yes, we can but it shouldn't be visible-"



"Oh e'di sa kipay ko nalang!" pagbibiro ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang may malaking kasalanan ako, natawa tuloy ako. "Sa boobs? P'wede na?"



"Are you for real?" Tumawa ulit ako saka itinuro iyong taas na part ng left boob ko. Naka-bikini lang ako kaya exposed iyon. "Okay?"



"Please? Saka henna lang naman, e! Butterfly kaya? Dito nalang pala sa upper gitna ng boobs ko. Ganda siguro."



"Ma'am, magpapa-tattoo po ba kayo?" Tumango ako kaya hindi na nakaangal si Markus. Umupo na ako sa maliit na upuan na kapantay lang nung upuan ng lalaki. "Ano po bang design at saang part po ng katawan n'yo?"



Nang matapos na, proud na proud akong humarap sa camera ni Markus. Ngumiti ako ro'n at itinuro pa ang tattoo sa dibdib ko. Hinawi ko ang camera at kinindatan si Markus. Pero wala sa akin ang paningin niya! Titig na titig siya sa tattoo ko!



"Alam mo, Mr. Ford, masamang tumitig kapag walang permiso. Eyes up, Capt. Markus Ravi Ford." Nag-angat naman siya ng tingin at napangisi. Napangiti tuloy ako. Ewan, nakakahawa 'yung mga ngiti at ngisi niya!



Napadaan kami sa nagtitinda ng bracelets at necklaces. Kumuha ako ng dalawang bracelet. Same ang design ng mga 'yon. Sinuot ko ang isa at isinuot naman ang isa sa kamay ni Markus.



"Ayan! Gift ko na 'yan. P'wede rin natin 'to gamitin mamaya habang ano..." Ngumisi ako nang ma-lock ko ang bracelets together. "Ate, magkano 'tong dalawa? Bilhin ko na po."



Habang naghihintay ako sa sukli, may lumapit sa amin na matandang babae. Nagulat pa ako noong una dahil puti lang ang isang mata niya. Ngumiti ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko.



"Mag-iingat kayo ng kasama mo, Neng. Iwasan ninyo ang mga away. Intindihin ninyo ang isa't isa. Huwag kang sasampa sa entablado... Matatalo ka... May aalis..." Hindi ako nakaimik hanggang sa hawakan ng matanda ang kamay ni Markus.



"May babalik sa buhay mo. Iyon ang ikakasira mo." Nagkatinginan kami ni Markus nang umalis na ang matandang babae.



"Oh, may babalik daw! Sino kaya 'yon? Sa tingin mo, sino 'yon?" Tinapik-tapik ko pa ang balikat ni Markus.



"Sino naman babalik?" Sino nga ba?



Hindi kaya...



__________________________________

Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now