"Sobrang sakit ng ulo ko!" reklamo ko habang gumagawa ako ng sandcastle. Nataranta si Markus nang makitang paiyak na ako."Hi po, ako po si Julia. Isa po akong photographer. Kung ayos lang po sa inyo, gagawin ko kayong model. Ipo-post ko po 'to sa social media accounts ko. Okay lang po ba?" Nilingon ko si Markus at ngumiti. Tumango ako kay Julia at tumayo na. Tumayo rin si Markus.
"Sakto naman ang offer mo, bagong kasal kami! Honeymoon namin ngayon!" Hinila ko si Markus at marahang pinisil ang braso niya.
"Ahh yes, we're newlyweds. Mr. and Mrs. Ford." That sounded good.. Kung hindi kami sa dulo, e'di ipilit.
Sa unang pose namin, nakatayo ako sa may tubig habang si Markus ay nakaluhod sa harapan ko. Tila ba sinadya ng tadhana ang lahat. Pareho kaming nakasuot ng singsing ni Markus. Magkakulay at halos magkamukha rin ang disenyo.
Tinanggal ko muna ang singsing ko at inilahad 'yon kay Markus. Sa unang pose kasi ay parang nagpo-propose siya sa akin. Napangiti ako nang ilahad ni Markus ang singsing sa akin. Dahan-dahan niya iyong isinuot sa daliri ko.
Sa sunod na pose namin ay nakaupo kami sa buhangin. Nakasandal si Markus sa puno habang ako ay nakasandal sa katawan niya at ang kamay niya'y nasa tiyan ko. Nakatingin kami sa malayo...
"You're so pretty. Will you be my wife someday?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig 'yon. Naalala ko ang caption niya sa isang post niya noong sila pa ni Eris.
"Next pose po! Tayo po kayo tapos yakapin mo po ang beywang ni ma'am, sir. Lagay mo po ang kamay mo, ma'am, sa batok po ni sir. Tapos ipagdikit n'yo po ang mga noo ninyo." Ginawa namin ni Markus ang sinabi ni Julia. "'Yan! Ang ganda!"
"Sarap mo naman. Sarap halikan." Napangiti siya sa sinabi ko habang nagtititigan kami. Mas humigpit ang yakap niya sa beywang ko at hinapit pa ako upang tuluyang magdikit ang mga katawan namin.
"I think... kissing you will give Julia more good shots." Hindi na ako nakaangal nang halikan ako ni Markus. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay agad akong napalingon kay Julia. Nakatingin lang siya sa camera niya pero halata naman na bothered siya! Namumula pa ang buong mukha niya. "Sorry, hindi ako nakatiis. Ang ganda kasi ng asawa ko."
Napakurap-kurap ako bago lumayo kay Markus upang tingnan ang mga kuha ni Julia.
Natapos ang mini-photoshoot sa palitan ng social media accounts. Ise-send nalang daw ni Julia sa social media accounts ko ang pictures. Ang gaganda ng kuha. Lalo na 'yung pinakahuli...
Nagulat ako nang yakapin ako ni Markus habang nakatalikod ako sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok niya nang ibaon niya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Nang umayos siya ay saka siya nagsalita.
"Ava, do you want to marry me someday?" Hindi ako nakaimik agad.
"Markus, masyado pang maaga para-"
"I'm not asking you to marry me. I'm just asking you if you want to marry me someday because I want to marry you, Ava. When I decided to court you, I have also decided to marry you in the future." He's a date to marry type of man. I smiled...
"Pakasalan mo ako kapag sigurado ka nang hindi ka mapapaisip sa puntong may lumapit sa 'yong iba." Kinindatan ko siya bago ako naglakad pabalik sa cottage namin.
Nang makabalik kami sa syudad, nanatili muna ako sa bahay ni Markus. Siya na ang kumuha ng mga damit at gamit ko. Pagkahatid niya sa akin sa bahay niya ay iniwan niya ako pansamantala upang magtungo sa unit ko.
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...