TW: Self-harm | Anxiety
"Babe, kumain ka na. Isang buwan na kayong hiwalay. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Hindi na ikaw 'yan, Pia ko. Dinalhan pa naman kita ng pagkain. Ako ang nagluto nito. Sige ka, magtatampo ako kapag hindi mo 'to kinain!" nagpaawa pa si Clara sa akin. "Sayang, wala si Qams. May lipad siya today. Mamaya may duty rin ako."
"Sabi ko naman kasi sa inyo, hayaan n'yo nalang ako-"
"Hayaan? E, daig mo pa ang may malalang sakit. Diyos ko. Ayusin mo nga ang buhay mo, Sophia. Mamaya pupunta rito si EJ. Hindi ka niya naman guguluhin, babantayan ka lang at baka ulitin mo nanaman ang ginawa mo noon. Nako, kapag inulit mo pa 'yon, masasampal na talaga kita." Inayos ni Clara ang mga pagkaing dala niya. Kumain ako kahit na napipilitan lang ako.
"Girl, sana maging okay ka na. Workmates kayo ni Markus. Makikita at makikita mo siya. Gusto mo bang lumipat ng airline? P'wede kitang samahan."
Napatigil ako at napaisip. "Hindi na. Parang sobra naman kung aalis ako sa PhilAero. Personal 'yon, hindi dapat madamay ang trabaho. P'wede bang iwan mo na ako? Tatapusin ko nalang 'tong pagkain. Anong oras na, dapat naghahanda ka na para sa trabaho."
"Sure ka ba?" Tumango ako sa kaniya. "Sige. Papunta na rin si EJ dito. 'Wag na 'wag kang..." Tinuro niya ang palapulsuhan ko. Ngumiti ako at tumango sa kaniya.
When Clara left, I went inside my room. Hinanap ko ang blade ko. I started drawing lines on my arm. It lessened the pain...
Nabitawan ko lang ang blade nang makita ko na ang dugong nagkalat sa sahig ng k'warto ko. Napaupo ako sa sahig at naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Amoy na amoy ko na ang dugo... Naluha ako nang makitang hindi tumitigil ang pagdugo ng aking mga sugat.
Tumayo ako nang marinig ang sunod-sunod na katok. Si Edward 'yon. Bumaba ang tingin niya sa braso ko. Inalalayan niya ako paupo sa couch at iniwan ako saglit. Pagbalik niya, may dala na siyang malinis na face towel, palanggana na may tubig, cotton, at betadine. Nilinisan niya ang mga sugat ko.
"Sophia, this is bad. You're losing a large amount of blood. Why are you doing this?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"To lessen the pain? Nadi-distract ako, e..."
"Yes, it does lessen the mental and emotional pain. But it gives you physical pain, Sophia. I'll give you activities that you can do. You'll feel the same way but you will no longer use your skin to release the pain. Is that okay with you?"
"O-Okay lang, doc..."
"Then we're good. After I treat your wounds, please clean yourself up." Tumango lang ako kay Edward. He's been my psychiatrist since I started experiencing anxiety attacks. "Once you're done, we'll have a talk."
Tulad ng sinabi ni Edward, nang matapos akong maglinis ng katawan at mag-ayos, bumalik ako sa sala upang kausapin siya. He even prepared a drink for me.
"Can you tell me about how and what you feel right now?"
"Feeling ko, doc, hindi ako umuusad. Parang bumabalik ako nang bumabalik sa umpisa. Kapag sinasaktan ko po ang sarili ko, nababawasan 'yung sakit. Pero pagkatapos, babalik nanaman..."
"Kapag naririnig mo ang pangalan niya, anong nararamdaman mo?" I looked at Edward and smiled weakly.
"Nasasaktan. I was with him for years. Sa bawat hakbang niya, nando'n ako. I cannot move on that fast."
"Kung magkikita kayo, ano sa tingin mo ang gagawin mo?"
"I would probably act like I'm okay. I asked for this. I asked him to let me go."
"Pia, if you didn't ask him to let you go, you'd be carrying a heavier pain here." Edward pointed the left part of his chest. "You did a great job there, Pia. It was painful but it saved you."
After a month of crying and harming myself, I smiled genuinely. I didn't force myself to smile. My tears began to fall. Is this a good sign?
I assisted a passenger when I noticed her struggling with her foods. I smiled at the kid beside her. The little boy handed his juice to me. I smiled sweetly and opened it for him. I was surprised when he gave it back to me.
"Hi. This is yours-"
"No. That's yours now. You're so pretty!" I held my chest, flattered by what the kid said. As much as I want to accept his little gift, I couldn't. I gave it to his mom secretly.
I went to the lavatory to close the curtains. I panicked when our pilot went out of the lavatory. He glanced at me. Titus Denver Alfonso looked intimidating!
Nang makalapag ang eroplano, nagpahuli kami. Tumabi sa akin si Denver. Napairap tuloy ako. Pasimple niyang kinurot ang tagiliran ko. Nahampas ko tuloy ang braso niya nang makalabas na ang lahat. Tumatawa siyang umakbay sa akin.
"Anong oras ba magsisimula ang party mamaya? Balak ko sanang matulog." Bumaba ang tingin sa 'kin ni Denver.
"8 PM. Matulog ka muna. 4 palang naman. Tara na, Sophia."
Gano'n nga ang ginawa ko. Natulog ako pag-uwi ko. Hindi rin nagtagal, nagising na ako. Hindi talaga ako nakakatulog nang maayos kapag alam kong may gagawin o may pupuntahan ako.
Naligo na tuloy ako para makapag-ayos ako ng mas maaga. Nag-shirt lang ako at shorts dahil sa condo lang naman kami ni Denver mag-iinuman. Fresh makeup look lang din ang ginawa ko. I fixed my hair in a messy bun.
7 PM na ako nakaalis. Isang oras nalang bago ang simula ng party. Na-traffic pa ako! I texted Denver na baka ma-late ako.
From: Denver
Okay lang. Ingat sa pagd-drive.
It was around 8:20 PM when I got there. Sinalubong ako ni Denver at inalalayan hanggang sa makaupo. Siya na rin ang kumuha ng pagkain para sa 'kin. Alam niya naman kung ano-ano ang mga gusto ko kaya hinayaan ko na siya. Malaki na siya, kaya niya na 'yan.
After kong kumain, inaya ako ng ibang FA at piloto na uminom. Ayoko naman na maging KJ!
"Drink moderately. Pagod at puyat ka," Denver reminded me.
"Thank you for the reminder. Matutulog na nga ako. May extra kumot ka ba?" Dito nalang ako sa couch matutulog.
"You can sleep in my room, walang tao ro'n. You can also lock the door." Tumango ako sa kaniya at ngumiti. His eyes went down to my arm. He held it and gently caressed my scars. I didn't cover those with foundation. "Masakit pa?" I know what he meant by that.
"Getting better..." I smiled.
__________________________________
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...