CHAPTER 1

47 8 0
                                    

Elyse's POV

"Elyse bumangon ka na diyan at tanghali na, first day of class mo ngayon pambihirang bata ka."

Bungad sakin ni manang Silva, I ignored her for the third time, kanina niya pa kasi ako ginigising, pero heto ako binalot lang ulit ang sarili sa comforter ko.

"Anong oras ka nanaman ba umuwi kagabi at puyat ka nanaman?" pag-aalala niyang tanong.

"Just let me sleep for another 10 minutes manang." sagot ko habang nakapikit ang mga mata.

"Malalagot ka nanaman sa daddy mo kapag nalaman niyang-"

"Don't mind him manang." pagsabat ko sakanya, frustrated akong napaface palm sabay balikwas at pasok sa cr. Hindi talaga siya mauubusan ng sasabihin hanggat hindi ako bumabangon.

Kasalanan talaga 'to ni Yiel eh, kung hindi niya lang ako hinatid ng alas tres ng madaling araw edi sana kompleto ang tulog ko at hindi puyat, may 30 minutes pa ako para magready para sa first day of class.

Ramdam ko pa din yung hang over ko nang makababa ako galing kwarto, nagmamadali akong lumabas ng bahay, narinig ko pang tinawag ako ni manang Silva para kumain pero hindi ko nalang pinansin.

I'm driving my car patungo sa University na pinapasokan ko, I'm 3rd year college at Pre-med ang course ko.

Nang makarating ako sa gate ng University ay agad akong sinalubong nina Yiel at Isaiah, they are my friends since pre-school. Ewan ko ba at hanggang ngayon kaibigan ko parin 'tong mga 'to. Undecided sila kung anong kukunin nilang course kaya naman sumama sila sakin sa course na kinuha ko noong 1st year pero dahil nahirapan sila nagsilipat sila sa ibang course mga siraulo.

"Oh ano Elyse kamusta ang tulog mo?" pagtatanong ni Yiel na halata mong nang-aasar.

"Lumayo ka nga sa harapan ko at baka mabura ko 'yang pagmumukha mo." pagtataray ko sa kanya.

"Sige nga gawin mo nga." rebutt n'ya.

"Aba-" pagpigil sakin ni Isaiah ng akmang sasampalin ko na si Yiel.

"Okay enough fighting, mala'late na tayo sa first class." pagsingit niya sa'min ni Yiel.

Agad namang naglakad si Iah at nang makatalikod siya ay doon ko sinipa ang mukong na kasama ko.

Nang makapasok na kami sa University ay nagsihiwalay na kaming tatlo at nagtungo sa sarili naming class, Yiel is engineering student while Isaiah's taking Management, Legal Management.

See? Ayaw daw nilang pahirapan ang sarili nila but look what they got. Puro reklamo pa sila noong 1st year kasi daw ang hirap ng mga subjects pero tignan niyo naman kung anong course ang kinuha nila.

Well bagay naman sa kanila 'yong kinuha nilang mga kurso, magaling si Isaiah pagdating sa mga sagutan minsan nga natatalo niya pa 'yong mga magulang niya kapag pinapagalitan siya, hindi nauubusan ng isasagot kaya at the end parents niya ang talo.

While Yiel is good in mathematics, magaling din siya about sa mga bahay, nakita ko nga ang mga bahay na ginawa niya sa minecraft, amazing.

Bago ako pumunta sa first class ko I check myself first, I'm wearing a color yellow simple dress and heels, inayos ko lang ang nakalugay kong buhok at nag apply ng lip gloss. I'm ready.

Madali ko lang nahanap yung room ko kasi kabisado ko naman na 'tong University, may mga bumati pa sa'king mga estudyande habang papunta ako sa first class ko. I check my wrist watch to check the time, gosh 5 minutes na pala akong late.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at agad naman akong pinagbuksan ng prof namin tinanong pa ako kung bakit ako late, kako naman traffic pagrarason ko.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now