CHAPTER 23

32 7 0
                                    

Elyse's POV

"So bakit nga nasa Albay kayo kahapon ni Zyne?" panglimang beses na tanong ni Yiel.

Kanina pa siya tanong ng tanong tungkol sa myday ko kahapon, 24 hours nga pala yun bago mabura hayst.

After naming mag-usap ni Iah kanina sa library ay agad na kaming nagpaalam sa isa't isa. Si Yiel ang kasama ko ngayon dahil bigla nalang akong hinila kanina papuntang cafeteria after ng class ko. Bakit ba ang hilig nilang manghila?

"Tanong mo sa pagong." sagot ko habang iniinom ang orange juice na inorder namin kanina.

"Kung magd'day ka kasi siguradohin mong hindi ko makikita." pang-aasar niya. "Sabihin mo nga sakin, may something na sainyo ng Zyne na 'yon no?" pagpapatuloy niya.

Kalalaking tao chismoso.

"Anong something ang pinagsasasabi mo?" kunot noo kong tanong.

"You know M.U ganun."

"Anong M.U?"

"Muling ugnayan."

"What?"

"I mean malabong ugnayan... tama tama maling ugnayan."

"Ang gulo mo!" shuta ang gulo gulo ng taong 'to. Bakit ko ba kaibigan 'to?

Tumawa lang ang mukong at nagpatuloy sa pagkain. Nawalan tuloy ako ng gana, bakit kapag yung pagkain niya ang sarap sarap tapos kapag ako ang omorder ang pangit ng lasa.

Hati tuloy kami sa inorder niya, ganito lang lagi ang gawain namin kapag kaming dalawa lang ang kumakain dito sa cafeteria kapag wala si Iah. Hati kami sa pagkaing oorderin niya, hindi naman kami gipit pero ewan ko ba mas gusto ko talaga yung pagkain niya kaysa sa inoorder ko.

Mas okay na 'yon para tipid, mindset ba mindset.

"Hoy akin na 'yang chicken nuggets." isusubo ko na sana ang nuggets na nakatusok sa tinidor nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ano ba, bitawan mo nga 'yang kamay ko." mataray kong sambit. Dito talaga kami madalas magtalo, kapag iisa nalang ang nuggets. Mas madami nga siyang nakain kaysa sakin.

"Akin. na." pagdidiin niya.

"Bibitawan mo. o hindi?" matapang kong sagot at nilakihan ko siya ng mata. Agad naman niyang binitawan ang kamay ko at ngumuso.

"Hmm... delicious." pang-aasar ko. Halos hindi na maipinta ang mukha niya.

"Ang pangit mo kumain." kunot noo niyang sambit na tila ba diring diri sa mukha ko. Natawa nalang ako dahil sa reaksyon niya.

"What the-" sambit niya nang hampasin ko siya habang umiinom ng juice. May naalala lang naman ako. "Ano bang problema mo?" tanong niya habang pinupunasan ang nguso.

"Mayroon kang hindi sinasabi sakin." sagot ko. Akala ba niya makakalimutan ko yung mga myday niya na puro si Mara ang laman. Matagal ko ng gustong tanungin sakan'ya eh kaso lagi kong nakakalimutan.

"Ano nanaman?" kunot noo niyang tanong.

"Anong mayroon sainyon ni Mara?" curious kong tanong. Nag-iwas naman ito ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Wala kaibigan ko lang yun." sagot niya. Pinaningkitan ko naman siya ng tingin, kaibigan lang pero palaging myday.

"Sigurado ka?" ipinatong ko ang siko ko sa may lamesa at inilapit ang mukha sa kaniya.

Hindi p'wedeng ako lang ang hot seat dito.

"Oo nga... at tsaka hindi naman ako nag nagd'day ng mga 'yon eh." honest niyang sagot.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now