CHAPTER 32

23 4 4
                                    

Elyse's POV

"What do you want Gab?" I ask Gab while he's sitting in my lap.

"I want pizza po." sagot niya.

Agad ko naman siyang inabutan ng isang slice ng pizza. Abala kami sa pagkain habang nag-aasaran 'yong tatlo.

"Eh ikaw nga natae no'ng elementary." halos mailuwa ko ang kinakain ko dahil sa pang-aasar ni Mat kay Yiel.

Humagalpak naman sa tawa si Iah at Zyne habang nakasimangot na kumakain si Yiel.

"Is it true kuya Yiel?" tanong ni Gab.

"Yes baby, it's true." si Mat na ang sumagot habang natatawa parin.

Kaklase din namin si Mat no'ng elementay, palagi din silang nagbabangayan ni Yiel tuwing magkasama sila. Grade 4 ata kami nang matae si Yiel sa pants niya dahil sa recitation.

"You should wear some pumpers next time." kalmadong sagot ni Gab.

Mas lalong lumakas ang tawanan nila dahil sa sinabi niya, maski ako ay natawa nalang din.

"Hoy Elyse! pagsabihan mo 'yang kapatid mo huh? sayo yata nagmana 'yan eh, walang preno ang bibig." pagrereklamo ni Yiel.

Inirapan ko lang siya dahil sa reaksyon niya. Kung tutuusin may point naman si Gab.

"Ikaw Mat, akala mo talaga wala kang kahihiyang ginawa sa buhay mo ah..." pambabawi ni Yiel kay Mat. "Baka nakakalimutan mong ginawa mong mini falls ang flush ng cubicle sa school no'ng elementary."

Natawa naman ako nang maalala 'yon. Halos gawin niyang paliguan ang flush ng cubicle dahil para daw 'yong falls. Sayang-saya siya habang patuloy na pinipindot ang flush. Minsan nga hindi siya pumapasok dahil sa C.R nakatambay. Minsan naaabutan siya doon ng mga teachers habang pinaglalaruan ang flush ng cubicle.

"Cute naman talaga 'yon ah." sagot ni Mat.

Halos magkakaedad lang sila Mat, Yiel at Zyne. Marine Engineering ang course ni Mat, minsan nga inaasar siya ni Yiel na baka daw pagkamalang sea urchin kapag tumungtong sa dagat.

"Yak kadiri ka." Si Iah.

Nag-asaran pa sila habang kumakain. Binalingan ko naman si Zyne na inaasikasong pakainin si Gab.

Akmang kukuha sana ako ng seafood sa may plato nang biglang hawakan niya ang wrist ko. Nagtataka ko naman siyang binalingan ng tingin.

"What?" I ask.

"You have an allergy on seafoods right?" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Well, allergic naman talaga ako sa seafood pero may gamot naman ako. Kaya pwede akong kumain anytime basta may limit.

"How did you know?" curiosity running to my system to me now.

Binitawan muna niya ang wrist ko bago sumagot.

"Your friends told me."

Binalingan ko naman ng tingin ang mga kasama namin na busy sa pag-aasaran. Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya. Ngumuso nalang ako dahil gusto ko talang kumain ng seafoods.

"But I have my medicine." pagrarason ko pero hindi niya iyon pinansin at inabala ang sarili sa pagpapakain kay Gab.

"What?!" kunot noo niyang tanong habang tinititigan ko siya na tila ba nagmamakawang payagan niyang kumain ng seafoods.

Inilayo niya kasi sakin ang platong punong puno mg abalone, shrimp at iba pang seafoods na nandoon.

"No." matigas niyang sambit.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now