CHAPTER 39

22 4 1
                                    

Elyse's POV

Binalingan ko ng tingin si Iah nang magsalita siya. So matagal na pala nilang alam? tama nga ang hinala ko na lahat sila ay alam ang tungkol kay Khael.

Palagi kong kinukwento sa kanilang dalawa ni Yiel 'yong tungkol sa panaginip ko pero hindi nila 'yon pinapansin at palaging sinasabing stress lang ako pero ang totoo ay alam pala nila.

"Bakit hindi niyo sinabi sakin agad?" muli kong tanong.

"Ayaw naming masaktan ka." si Yiel.

"Masaktan? alam niyo ba 'yang sinasabi niyo?" nanggagalaiti ko silang tinignan isa-isa. "At ngayon sa tingin niyo hindi ako nasasaktan?" dugtong ko.

Ano ba sa tingin nila ang ginagawa nila? sa tingin ba nila ay nagh'heal ako dahil sa ginawa nila? damn! mas lalong nadagdagan ang sugat ko sa puso.

"I'm sorry anak... I told them na 'wag nalang munang sabihin sayo."

Binalingan ko ng tingin si daddy nang magsalita siya. Another sorry again.

"Stop with that sorry. D'yan ka naman magaling, ang pagsasabi ng sorry. Tapos ano? pagkasorry mo meron nanamang panibago?"

"Ayuko lang makita kang magsuffer ulit dahil sa pagkamatay ni Khael... Kakamatay lang ng mommy mo noon at nakita ko kung paano ka mahirapan. Ayuko lang maulit 'yon." eksplenasyon niya.

"Stop with your explanation. I don't need it." nanggagalaiti kong sagot. "Mas lalo mo lang pinatunanyan sakin na hindi kita dapat patawarin." dugtong ko.

Binalingan ko naman ng tingin ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay tanging konsensya lang ang nakikita sa mga mata nila.

"Kayo... diba sabi ko sainyo ayuko ng may nililihim sakin at ayuko ng manloloko? k-kasi may trauma a-ako..." nag-umpisa nang lumabas ang mga luha ko at mawasak ang boses ko. "P-pero anong ginawa niyo? tinago niyo sakin lahat. Hinayaan niyong makalimutan ko si Khael."

Nag-umpisa nang umagos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Mas nasasaktan ako ngayon dahil 'yong mga taong hindi ko inaakalang magsisinungaling sakin ay sila pa pala ang mga taong niloloko ako ng patago.

Iah tried to hold my hands but I just refuse it. Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit. Naghalo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magluluksa ba muna ako dahil sa pagkamatay ni Khael o iiyak dahil sa panloloko nila sakin.

"A-alam niyo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon? nakalimutan ko 'yong taong pinakamamahal ko... inilibing siya ng wala manlang ako sa tabi niya."

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Wala akong pakialam kung anong itsura ko ngayon at makita nila akong mahina.

"Inalis niyo sakin yung karapatan ko sa kanya... hindi niyo manlang ako hinayaang makita siya o madalaw siya dahil inalis niyo 'yon sakin.... Ni isa sa inyo wala manlang nagbalak na sabihin sakin 'yon! wala manlang ni isa sa inyo na ipaalala siya sakin. Hinayaan niyo akong makalimutan siya dahil lang ayaw niyo akong masaktan?"

"Sasabihin naman sana namin sayo, humahanap lang kami ng tyempo." si Yiel.

"Liar! andaming pagkakataong pwede niyong sabihin sakin lahat pero hindi niyo ginawa... no'ng magising ako mula sa coma tinanong ko kayo kung may nakalimutan ba ako pero sabi niyo wala!"

I can't help myself but to burst them. I feel betrayed right now.

"Maniwala ka sa'min... sasabihin naman sa-"

"Maniwala?" I chuckled when I cut Iah while talking. "Gusto niyong maniwala ako sa inyo? wala kayong pinagkaiba sa tatay ko. Pare-pareho kayong manloloko!"

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now