CHAPTER 12

36 9 0
                                    

Elyse's POV

"Oh bakit lumabas ka na? okay ka na ba?"

Bungad sa'kin ni Yiel nang makaupo ako sa tabi nila.

Andito kami ngayon sa isang private restaurant na pag mamay-ari nila Yiel, nagtext sila sa'kin kanina at tinanong kung gusto ko raw sumama sakanilang kumain ng dinner, sabi ko magpapahinga nalang ako pumayag naman sila at sinabi nalang sa'kin ang location.

Naboring ako sa kwarto at pakiramdam ko mas lalo akong magkakasakit dahil sa sobrang tahimik.

"Okay na ako" sagot ko sakan'ya.

"Sigurado ka ba beh?" tanong ni Iah.

"Oo nga wag na kayong mag-alala" paninigurado ko sakanila.

"May gusto ka bang kainin o inomin beh?" tanong ni Yiel.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Hmm..."

Napalingon kami ni Yiel kay Iah nang bigla itong tumikhim.

"So baka gusto mong magkuwento about sa nangyari kahapon baka lang naman beh" ani ni Iah.

"Ano namang ikukwento ko sainyo?" patay malisya kong sabi.

Kapag nagkuwento ako panigurado mauubos lang ang oras namin kakatanong nila sa'kin.

"Oo nga hindi mo pa nakukwento sa'min yung tungkol sa nangyari kahapon at bakit si Zyne ang kasama mo beh" Si Yiel.

"So ano na beh? kailan ka pa naattach sa isang tao? sa pagkakaalam namin ayaw na ayaw mong may tumutulong sa'yo" maarteng sabi ni Iah habang umiinom ng juice.

"Oo nga beh" si Yiel.

"Beh ano na? sayang sa oras oh" pagrereklamo ni Iah nang hindi ako magsalita.

"Pwede ba tigilan niyo nga yang kaka'beh niyo! saan niyo ba nakuha yan?" iritado kong tanong sakanila.

Kanina pa sila beh ng beh simula no'ng makarating ako dito, nagmumukha na silang kambing kaka'beh nila. Pag si Iah ang tumatawag sa'kin niyan ay ayos lang pero si Yiel? wag na! nagmumukha siyang baklang tambay sa kanto.

"ay beh uso 'to beh" si Yiel.

"Kapag hindi pa kayo tumigil kakagamit ng word na yan hindi talaga ako magkukwento."

Hindi na nagreklamo yung dalawa dahil wala talaga silang masasagap na chismis sa'kin kapag hindi sila tumigil kakagamit ng word na yan.

"So ano na nga Louis Akiesha Availlaine Villanueva?" tanong ni Iah. Binanggit pa ang buong pangalan ko.

"Naabutan si Zyne ng ulan kagabi kaya andoon din siya-" pagsisimula ko

"So paano ka niya nakita?" si Yiel.

"Saktong doon sa may area ko siya naghahanap ng kahoy na gagamitin sana nila para sa bonfire tapos saktong andoon din ako kaya naman-"

"Kaya naman?" si Iah.

"Kaya naman nakita niya ako tapos-"

"Tapos?" muling pagputol sa'kin ni Yiel.

Kinatosan ko silang dalawa dahil kanina pa nila pinuputol ang mga sinasabi ko atat na atat malaman ang buong pangyayari.

"P'wede ba pataposin niyo muna ako sa pagsasalita bago kayo sumingit! oh baka naman gusto niyong kayo nalang ang magkuwento?" naiinis kong sambit sakanila.

"Oo na sige na you may now proceed Ms. Villanueva" si Iah, lumalabas nanaman ang pagiging law student niya.

Sumandal ako sa upuan at nagcross legs, komportable ako kapag nasa ganito akong posisyon. Nakatingin lang sa'kin ang dalawa at hinihintay ang mga sasabihin ko.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now