CHAPTER 34

19 4 0
                                    

Elyse's POV

"Kapag ako nadapa, sinasabi ko sainyo ililibing ko kayo ng buhay!"

Mga lokong 'to. Bigla ba naman akong sunggaban at piringan habang naglalakad sa hallway kanina.

"Kumalma ka nga. Nakaready na 'yong kabaong mo, ikaw nalang ang kulang." si Yiel.

Shuta talaga, sabi na kalokohan nanaman 'to eh.

"Aray naman!" reklamo ni Yiel. May nanapak ata sakanya. Buti nga.

"'Yang bunganga mo... lagyan ko kaya 'yan ng simento?" si Iah.

Napapailing nalang ako dahil sa ginagawa nila. May dalawang kamay na kahawak sa magkabilang braso ko habang naglalakad. Kanina pa kami lakad ng lakad tapos sumakay pa kanina ng kotse habang nakapiring ako.

"Wag niyo nga akong kalbitin!" iritado kong sambit. Kanina pa kasi may kalbit ng kalbit sakin. Kapag ako nakawala talaga dito pag-uuntugin ko sila.

"Hulaan mo sinong kumakalbit sayo." pag-aasar ni Mat.

Isa pa 'to. Sobrang sakit na nga ng ulo ko doon sa dalawa tapos dumagdag pa 'tong lalaking 'to.

Takte talaga. Ginawa ba naman akong preso. Alam niyo ba 'yong presong nakapiring habang nakaposas ang mga kamay sa may likoran tapos ready nang bitayin? Gano'n ang itsura ko ngayon.

"Saan niyo ba kasi ako dadalhin!?"

"Sa kabaong mo...aray! oo na titigil na! bwesit." si Yiel. Malamang sinapak nanaman siya ni Iah dahil sa bibig niyang napakatulis.

"Malapit na tayo." sambit ng katabi ko na humahawak sa mga braso ko.

Boses palang alam ko na. Akala ko sila Yiel, Iah at Mat lang ang kasama ko. Nandito din pala si Zyne.

Nakailang hakbang pa kami bago ko maramdamang huminto sila sa paglalakad. Bigla silang tumahimik at naramdaman ko nalang na hindi ko na sila makapa. Nagpalinga-linga pa ako pero wala talaga.

Shuta talaga tinotoo naman na ata nila 'yong sinasabi nilang ililibing nila ako ng buhay.

"Hoy asan kayo!" sigaw ko pero wala manlang sumasagot.

"Kapag ako nakawala talaga dito isusunod ko kayo kay San Pedro!" muli kong sigaw.

Iniwan na ata talaga nila ako kung nasaan man ako ngayon. Pisti talaga. Ilang segundo pa akong nakatayo dito kung saan man 'to nang muling magsalita si Yiel.

"Alisin mo na 'yang piring mo. Andami mo pang sinasabi!" sigaw niya mula sa malayo. Ilang dipa lang ata ang layo.

"Bobo ka ba? paano ko maalis 'to kung nakatali ang mga kamay ko?!"

Anong gusto niyang gawin ko? ihipan ang panyong nasa mata ko para maalis? baka nga maubusan na ako ng hininga hindi ko parin natatanggal.

"Gamitin mo paa mo, mindset ba mindset!" si Mat.

Tae talaga. Bakit ko ba kasi naging kaibigan 'tong mga 'to? Ginawa pa akong bobo.

"Aalisin niyo ba 'to o hindi?" naiinis kong sagot.

Sumasakit na din kasi ang palapulsuhan ko dahil sa pagkakatali nila doon. Panyo lang naman ang ginawa nilang panali pero ang sikap shuta.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may naglakad papuntang likoran ko at kinalas ang nakataling panyo doon. Pabango palang alam ko na.

Buti nalang at nandito si Zyne na patay na patay sakin. Charr. Sabi na nahawaan na nila ako sa pagkaadik nila. Bad influence.

Nang matanggal niya ang pagkakatali sa kamay ko ay siya na din ang nagtanggal ng piring na nasa mata ko. Kinusot-kunsot ko ang mata ko dahil medyo blured. Nang okay na ay nilingon ko ang mga kasama ko na nasa harapan ko na hindi ganoon kalayo sakin.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now