CHAPTER 37

10 4 0
                                    

Elyse's POV

Nagda'drive ako papuntang hospital ngayon dahil gusto ko ding magpacheck-up. Ilang buwan na din kasi ang nakalipas simula no'ng nagiging madalas na ang pananakit ng ulo ko.

It's been two months simula no'ng magpunta kami ni Zyne sa Ilocos. Simula no'ng umuwi kami galing Ilocos ay mas lalong napapadalas ang pananakit ng ulo ko at palala ng palala.

I turn off my phone when it's ringing again. Kanina pa ring ng ring ang cellphone ko, it's my friends, Zyne, and dad. Napag-usapan kasi nilang magcelebrate dahil kakatapos lang ng graduation.

Guess what? umabot ako ng 4th year college ng walang natututunan. Isang taon nalang at ga'graduate na ako.

Text din ng text ang mga kaibigan ko, tinatanong kung nasaan na daw ako. Sabi ko 'wag na nila akong hintayin at mag-umpisa na silang magcelebrate dahil hahabol nalang ako.

Hindi ko sinabing pupunta akong hospital dahil magtataka lang ang mga 'yon.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa marating ko ang tapat ng hospital. Agad naman akong nagpark sa parking lot at nagtungo sa loob.

"Excuse me miss, nand'yan ba si Doctor Valdez?"

Tanong ko sa isang nurse nang makapasok ako sa may lobby.

It's been a year simula no'ng huli kong punta dito. Doctor Valdez is my psychiatrist. She's been my psychiatrist since my mom died, and she helps me a lot through the lows.

"Yes po, may session pa po siya pero patapos na din po." sagot ng nurse.

Tinangoan ko naman ito at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa marating ko ang opisina niya. Umupo muna ako sa may upuan kung saan katapat lang ng opisina niya.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Doctor Valdez kasama ang isa niyang pasyente na kaedaran ko rin ata.

Kinausap niya pa ang pasyente niya habang nakatayo sa may pintuan bago niya ako mapansin. Tila nagulat pa siya nang makita ako. Agad naman siyang nagpaalam sa pasyente niya at pinagtuonan ako ng pansin.

"Elyse?"

Sambit niya. Nginitian ko lang ito bilang tugon.

"Let's go inside."

She mitioned me to come inside her office and turn her back at me. Agad naman akong sumunod sa kanya at pumasok nga sa opisina niya.

Pinasadahan ko ito ng tingin kung meron bang nagbago o wala. May mga naidagdag lang na mga libro at ibang mga gamit dito but over all nothing change.

Umupo siya sa may swivel chair niya at inilahad ang kamay sakin. Sign na umupo ako. Agad ko namang sinunod ang utos niya at umupo sa may bakanteng upuan sa may harap ng table niya.

"So, what's the surprise visit?" she ask.

Umayos ako ng pagkakaupo bago sumagot sa kanya.

"I know it's been a year simula no'ng huli akong pumunta dito and I'm totally fine no'ng huli mo akong makita..." sambit ko.

"Then?" nagtataka niyang tanong.

"Do you still remember what I told you about the man in my dreams?" I ask. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
"Hindi ko na siya napapanaginipan ngayon." pagpapatuloy ko.

"Then that's good. Then what's the problem?"

"I met a man. He's so familiar but I know to myself that we didn't met before... Simula din no'ng palagi ko na siyang nakakasama ay doon na din nag-umpisa ang pananakit ng ulo ko and some memories flashback on my brain." mahabang paliwanag ko.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now