CHAPTER 19

32 7 0
                                    

Elyse's POV

"Huwag kang mag-alala yung kotse mo nasa mabuting kondisyon." bungad sakin ni Yiel nang makalabas ako sa gate ng bahay.

Nagpasundo na ako sakan'ya dahil wala naman yung kotse ko, mayroon namang ibang kotse dito sa bahay pero tinatamad din akong magdrive.

"Siguradohin mo lang huh?" mataray kong sagot. Kapag nalaman kong nagasgasan lang 'yon mapapatay ko talaga 'tong lalaking 'to.

'Yon kasi ang unang kotse na binibili ko sa sarili kong pera kaya napakaimportante ng kotseng 'yon sakin.

"Saan ka ba kasi nagsususuot kahapon at bigla bigla mo nalang iniiwan yung kotse mo?" tanong niya nang makasakay kami sa sasakyan niya.

Hindi ko naman p'wedeng sabihin na kasama ko si Zyne kahapon dahil magtatanong lang 'to ng kung ano-ano.

"May sumundo daw sayong lalaki kahapon sino 'yon?" muli niyang tanong nang hindi ako sumagot.

"Saan mo naman nalaman?" nagtataka kong tanong.

"Narinig ko lang sa University kahapon, may nakakita daw sayo na kablockmate mo na sumakay ka daw sa itim na sasakyan" sagot niya habang abala sa pagd'drive. Shuta talaga, bakit ang bilis nilang makakalap ng balita?

"Nagkaproblema kasi sa business na iniwan ni mommy kaya may sumundo sakin" pagrarason ko. Tumango naman ito at hindi na nagtanong. Buti naman at nakahinga na din ako ng maluwag.

Nang makarating kami sa University ay agad na kaming naglakad sa may hallway, napahinto lang kami dahil may tumawag sa kasama ko.

"Yieeel!" bulyaw ng isang babae. Nilingon naman namin kung saan nanggagaling yung boses. Agad na lumapit yung babaeng nagtawag kay Yiel. Who is she?

Nagtataka kong tinignan ang dalawa, ngayon ko lang nakita 'tong babaeng 'to. For sure transferee siya. Kaedaran lang namin siya sigurado ako doon.

"Mara..." nakangiting bati ng kasama ko. Bumaba ang tingin ko sa nakalantad niyang I.D.

Samara Marie A. Zamonte

Engineering student din siya, so kablockmate niya si Yiel? Maganda siya tsaka attractive, ganitong ganito yung mga type ni Yiel.

Nasaan ba si Iah at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita?

"Papasok ka na? sabay na tayo" alok ni Mara kay Yiel.

Lumingon naman sa gawi ko si Yiel at nagtataka ko itong tinignan.

"Ah Mara by the way this is Elyse my friend" pagpapakilala niya sakin. Ngumiti naman sakin si Mara at ganun din ang ginawa ko sakan'ya. Ang rude naman kung tatarayan ko siya diba?

"Mara..." inilahad niya yung kamay niya sakin para makipagshake hands, iniabot ko naman ito at nagpakilala.

"Elyse, Yiel's best friend" tipid akong ngumiti.

"So siya yung kinukuwento mo sakin na kaibigan mong maikli ang pasensya?" tanong niya kay Yiel. Tinignan ko ng masama ang lalaking katabi ko. Shuta magkukuwento na nga lang siya tungkol sakin tapos ganyan pa.

So close sila para magkuwentohan tungkol sa isa't isa?

"Iah!" tawag ko kay Iah nang makita ko siyang naglalakad papasok ng hallway. Agad naman niya kaming nilingon at lumapit sa kinaroroonan namin.

"Good morning" bati niya sakin. Napansin yata niyang may kasama kaming babae kaya pinasadahan niya ito ng tingin. Nginitian niya lang ito at ganun naman ang ginawa ni Mara.

"Hi I'm Mara" pagpapakilala niya.

"I know..." tipid na sagot ni Iah. Teka kilala niya din si Ezra? bakit parang ako lang ang walang kaalam alam dito? Nagtataka kong tinignan ang dalawa kong kaibigan, si Yiel tahimik lang sa may gilid.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now