CHAPTER 35

12 4 0
                                    

Elyse's POV

Nakaupo lang ako sa may gilid habang katabi si Zyne na pinagmamasdan din ang paglalaro nila Gab, Cash, Yiel, Iah at Mat.

Kanina pa sila laro ng laro, halos malaro na din nila lahat ng palaro tuwing may birthday party. Pinipilit pa nila kaming sumali pero tumanggi lang kami ng kasama ko dahil pati ata siya ay wala sa mood makipaglaro simula no'ng ibigay niya sakin si Khael.

Siya na nga 'tong nagsabi sa dalawang bata na maglalaro daw sila after ng pagbibigay ng regalo sakin tapos ngayon nandito sa tabi ko at prenteng nakaupo. Akala mo ay linta dahil hindi mahiwalay sakin.

Para siyang bata na sunod ng sunod sakin, akala mo naman ay mawawala. Kulang nalang ay pati sa C.R samahan pa ako. Kanina nga habang kumukuha ako ng ibang maiinom sa kusina ay sumama pa.

"Okay bring me 1 peso coin!" sigaw ni Yiel habang nakatutok sa kanya ang mic.

Naglalaro na sila ngayon ng bring me. Si Yiel ang nagmistulang clown. Bagay naman sakanya, pwede na din siguro niyang gawing sideline ang pagiging clown dahil hindi naman halata sa kanyang anak siya ng politiko.

"Pass ATM card ang dala ko." si Mat.

"Ako din wala, cash kasi ang dala ko ngayon. Wala akong coin. Gusto mo ba isang libo nalang?" si Iah.

Napapailing nalang ako dahil sa kanila. Bakit kasi 1 peso coin pa ang hinihingi eh alam naman niyang big time ang mga kasama niya ngayon.

"Sige na nga. Bring me monkey nalang." muling utos ni Yiel sa kanila.

Agad namang nagsilapitan sa kanya sina Cash at Gab. Nagtataka man ay hinayaan nalang niyang hilain siya. Sumama na din 'yong dalawa sa panghihila na tila ba nag-aagawan.

"Teka nga! bakit ba ako ang hinihila niyo?!" asik niya.

"You look like monkey po kasi tito Yiel." si Cash.

Siraulong bata talaga 'to. Hindi ko alam kung kanino nagmana. Baka kasi sa tatay, lahat ng negative na meron sa katawan si Cash ay sa ulupong niyang ama namana. Charr!

Nagtawanan naman silang lahat, pati ang katabi ko ay tumatawa na din. Maging mga magulang naming nag-uusap ng tahimik sa may gilid ay natawa din dahil sa sinabi ni Cash. Sa may mic niya pa talaga binigkas kaya naman rinig na rinig.

Nakabusangot na kumalas sa kanila si Yiel na akala mo ay hindi maipinta ang mukha.

To be honest sakin talaga narinig ni Cash 'yon. Kapag gumagala kasi kaming magkakaibigan ay minsan kasama si Cash. Minsan kasi sinasabihan kong unggoy na walang balahibo si Yiel kapag naiinis ako sa kanya, ayan tuloy naririnig ng bata. Kasalanan din naman niya bakit niya kasi ako iniinis.

"Who told you that I look like a monkey?" Yiel ask Cash.

"I heard it to tita Elyse po."

Halos maibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa paglaglag sakin ni Cash. Shuta talagang bata 'to, napakadaldal ng bibig.

Binalingan ko ng tingin si Yiel na ang sama na ngayon ng tingin sakin. Pisti talaga.

"Buti nalang talaga hindi tayo magkamukha." sambit ni Mat habang natatawa.

1st cousin sila pero halos hindi mo mahahalata dahil hindi talaga sila magkahawig o magkamukha. Pareho naman silang maitsura pero iba kasi talaga ang mukha nila at kulay.

Si Mat may pagkamoreno samantalang si Yiel naman at tisoy. Bagay naman sa kanila ang kulay nila pero mas bagay kami ng katabi ko ngayon. Shuta ang landi.

"Buti nga hindi talaga tayo magkamukha. Ayuko din namang maging kamukha ang isang kalabaw." palaban niyang sagot.

Heto nanaman sila sa bardagulan nilang dalawa. Kung hindi si Iah ang kaaway nitong si Yiel ay si Mat. Kapag nagsasawa na siyang awayin 'yong dalawa ay ako naman ang pinagdiskitahan. Si Zyne lang naman ang hindi niya kayang asarin, paano kasi aasarin niya palang si Zyne ay binibigyan na siya agad ng pamatay na tingin.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now