CHAPTER 47

10 3 0
                                    

10 YEARS LATER...

"Ano nanaman bang ginagawa mo dito?"

Iritado kong tanong kay Yiel. Prenteng nakahiga nanaman kasi siya sa may sofa ng opisina ko. Halos linggo linggo ata nandito 'tong lalaking 'to.

"Chill ka lang Doc. sumasakit na kasi ang kasu-kasuan ko, gusto ko lang magpacheck-up." pagrarason niya.

"Hindi dito ang lugar para sa sakit mo, sign of aging na 'yan. Umalis ka na nga at may check-up pa ako."

Imbes na umalis ay mas lalo pa siyang nahiga sa sofa. Shuta talaga.

Inilapag ko ang bag ko sa may glass table at naupo sa swivel chair. It's been 10 years simula no'ng makagraduate kami sa college. Kaming dalawa ni Yiel ang magkasama dahil kami lang naman ang naiwan. Si Mat ay busy din sa ibang bagay kaya minsan lang namin siyang makasama.

Engineer na si Yiel pero ang mukong akala mo ay bata parin kung umasta. Akala ko nga hindi papasa 'yan dahil sobrang tamad mag-aral. Pati defense niya sakin pa pinapagawa noon.

Nauna lang siyang nagkaroon ng trabaho kaysa sakin. Pagkagraduate kasi namin ng college ay nag board exam na siya agad. Samantalang ako nag-aral pa ng sampong taon para lang magkatrabaho.

Si Yiel ang laging sandigan ko samantalang gano'n din siya sakin. Minsan nga pinagkakamalan na kaming magjowa dito sa hospital dahil palaging nandito 'yan sa opisina ko.

"Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang laptop at kung ano-ano pang mga papel.

"Nagtatrabaho ako ngayon kaya 'wag kang magulo."

Sagot niya habang nangangapa sa laptop niya. Ginawa pang working place ang opisina ko.

"Hindi working place ang opisina ko." mataray kong sagot.

"May peace kasi dito tuwing nandito ako tsaka tahimik." inirapan ko siya sabay hagis ng ballpen sa kinaroroonan niya. Nag-angat naman siya ng tingin at kunot noong nakatingin sakin.

"Bakit hindi ka nalang tumira dito sa hospital hindi yung nanggugulo ka. Ako ang naiisturbo mo hayop ka!"

Tuwing nandito kasi siya ay halos hindi ako makaconcentrate sa trabaho ko. Oo nagt'trabaho na ako ng maayos, akala ko nga hindi na ako ga'graduate at habang buhay nalang na magiging palamunin pero akalain mo nga naman, nagtop pa sa board exam.

Kung hindi niya ako dinadaldalan ay ginagawa naman niyang stage ang opisina ko. May acoustic guitar kasi dito kaya akala mo ay nagc'concert siya minsan.

"Pasalamat ka nga hindi mo na ako kailangang tawagan tuwing may kailangan ka kasi nandito na ako agad."

"Tigilan mo-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang nurse.

"Excuse me Doc. ready na po yung check-up."

"Sige papasukin mo na."

Agad naman siyang lumabas pero pumasok din agad kasama ang isang lalaking nasa mid 50's na ata ang edad. Pinaupo siya sa may harap ng table ko kung saan may dalawang bakanteng upuan.

Sinenyasan ko muna si Yiel na 'wag magulo bago ko pinagtuonan ng pansin ang nasa harapan ko.

"Ano pong pangalan niyo?"

"Ruhilio po."

"Ano pong masakit sa inyo?" tanong ko.

"Palagi po kasing sumasakit ang likod ko Doc. tuwing gigising po ako ng umaga."

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now