CHAPTER 8

39 9 4
                                    

Elyse's POV

"Woaah finally we're here!" Galak na sambit ni Yiel nang makababa kami sa van.

Tapos na ang exam namin at andito kami ngayon sa resort nila sa Tagaytay. Apat na oras din ang binyahe namin para marating ito.

The place really give a chill, tama nga si Yiel maganda nga talaga ang resort nila rito.

Napapikit ako at huminga ng malalim,tanging sariwang hangin at alon sa dalampasigan ang naririnig, may mga ibang torista din.

Madaming punong kahoy ang nakapalibot sa buong resort kaya naman magandang magpicture at saktong sakto talaga 'to para sa kagaya kong mahilig sa nature.

"Tara na sa loob para makakain na tayo at makapagpahinga." aya sa'min ni Yiel sabay kuha ng mga maletang dala namin.

Hapon na ng makarating kami at hindi pa kami naglunch.

Nang maihatid kami ng mga staff sa sarili naming kwarto ay agad na kaming nagtungo sa isang restaurant na nasasakupan ng resort.

"Pagkatapos nating kumain gusto niyo bang maglibot?" tanong ni Yiel habang kumakain.

"Pwede ba Yiel hayaan mo muna kaming magpahinga ni Elyse hindi kami robot para hindi maubusan ng energy." sagot ni Iah.

"Nagtatanong lang naman ako." nakasimangot na sagot ni Yiel.

Oo nga naman nagtatanong lang naman yung tao, masyado lang talagang high blood yan si Iah.

"I think we need to take a rest, bukas nalang tayo mamasyal." singit ko sakanila.

Tumango naman ang mga ito at nagpatuloy na sa pagkain, medyo dumidilim na rin ang kapaligiran at nag-umpisa ng buksan ang mga street lights.

Nang matapos kaming kumain ay agad na kaming bumalik sa resort para magpahinga.

"Just call me if both of you need something ha?" ani ni Yiel nang makarating kami sa lobby.

Tinangoan lang namin ito at nagkanya-kanya na papunta sa sarili naming kwarto.

Hindi kami pwedeng magsamang tatlo dahil baka magkarambolan lang sa loob ng kwarto knowing na laging nagtatalo ang dalawa, hindi din kami sanay na may kasama sa loob ng isang room.

Pumasok na agad ako at naligo, after taking a bath nagblower naman ako ng buhok ko para makahiga na.

Alas nueve na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya naman naisipan kong lumabas at tumambay sa may pampang.

Nang makarating ako sa aking destinasyon ay agad akong naupo sa may buhanginan at hinarap ang payapang dagat.

Tanging alon lang ang naririnig ko at kaunti nalang ang mga taong nasa labas at tanging mga ilaw lang galing sa mga poste ang nagsisilbing ilaw.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sariwang hangin kasabay ng pagyakap ko sa aking sarili.

Abala ako sa pag-iisip ng biglang may magsalita sa may gilid ko.

"Can't sleep?"

Iminulat ko ang aking mga mata at nilingon ang pamilyar na boses na 'yon.

"Yah."

Tanging tugon ko sa lalaking kausap ko ngayon.

"May I join you?" tanong muli nito.

"Yah, sure."

Umupo naman agad ito sa aking tabi at ipinatong ang mga braso sa kanyang tuhod na nakabaluktot.

"So anong ginagawa mo rito?" pag-uumpisa niya.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now