CHAPTER 11

40 10 4
                                    

Elyse's POV

"Elyse wake up"

Nagising ako nang maramdaman ang pagtapik nito sa aking mga pisngi. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tanong ni Zyne ng iangat ko ang ulo ko para lingonin ito, nakaramdam naman ako ng kirot sa aking ulo.

Mabibigat pa ang talukip ng mga mata ko nang imulat ko ito, nakabalot parin sakin yung white polo niya at natuyuan na din ako ng damit.

"Nilalagnat ka kagabi, masakit parin ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong niya sakin.

Tumango naman ako bilang sagot at napahilot sa may sintido ko, sobrang bigat ng ulo ko ngayong umaga halos wala na akong lakas para sumagot sakan'ya.

Nang matapos kaming magkukwentohan kagabi ay nag-aya na itong matulog, lumabas pa ito ng tent at iniwan ako. Hindi ko na siya hinintay na makabalik kagabi dahil nilamon na ako ng antok.

"Let's go back to resort"

Inalalayan niya ako upang makatayo. Nang makatayo ako ay nag-umpisa na kaming maglakad habang nakaalalay ito sakin.

Feeling ko yung kalahating lakas ko ay nasakanya dahil halos hindi na ako makalakad dahil din sa sugat ko, buti nalang at nakasuporta ito sakin.

"Let me carry you" He insist when he feel that I can't walk anymore.

"No, I can handle myself" pagtanggi ko sakan'ya.

Maglalakad na sana ako ng bigla akong matumba, buti nalang at nahawakan niya ako sa may braso.

"I told you let me carry you"

Tatanggi pa sana ako nang bigla siyang pumunta sa harapan ko at tumalikod sabay luhod. Nagdalawang isip pa ako kung papayag ako sa binabalak niya, ilang segundo pa siyang nasa ganoong posisyon ng mag-umpisa akong lumapit sakanya at ipinatong ang mga braso sa kanyang balikat.

Sinuportahan naman niya ang aking likod at agad ng tumayo, Akay-akay na niya ako ngayon sa likod niya. Yumuko nalang ako at isiniksik ang aking mukha sa braso ko, sobra sobra na ang kahihiyang nagagawa ko.

Nag-umpisa na siyang maglakad at halatang alam niya ang dinadaanan at pasikot-sikot sa lugar.

"Zyne..."

Pagtawag ko sa pangalan niya habang naglalakad ito.

"Why? Are you not comfortable?"

Umiling naman ako at napansin niya ata ang pag-iling ko mula sa kanyang likod.

"I just want to say thank you"

"For what?" tanong nito habang patuloy lang sa paglalakad.

"For this, hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi mo ako nakita kahapon, panigurado nawawala parin ako sa gubat hanggang ngayon kung hindi mo ako nakita"

"You're welcome" nakangiti nitong sagot, kahit nasa likod niya ako ay kitang kita ko parin ang mga ngiti niya.

"I owe you for this"

Patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa matanaw na namin ang daan palabas ng gubat, nagningning naman ang mga mata ko at nakahinga na ng maluwag.

Few more minutes of walking then we finally reach the resort,ibinaba na niya ako at patuloy lang sa pag-alalay ng makarating kami sa lobby.

---

"Oh my God Elyse where have you been!?

Napalingon kami ni Zyne sa bandang gilid namin ng may biglang sumigaw. Its Iah.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now