CHAPTER 42

12 3 0
                                    

Zyne's POV

"Ma please... I want to become a photographer."

I stiff when she slapped me. Tila nanigas ang bagang ko dahil sa sobrang lakas.

"You want to become a photographer? bakit hindi mo nalang tularan ang kapatid mo? pursue his dream of becoming a doctor."

I bit my lower lip to suppress my tears. Yes, kapatid ko nanaman.

They want me to persue his dreams, pero paano naman ako? may sarili din naman akong pangarap.

"Makakauwi ka lang sa pilipinas kapag sinunod mo ang utos namin."

And with that words, isang pangarap nanaman ang nawala sakin. My world stopped when I followed them. Pero wala na akong pakialam, gusto kong umuwi ng pilipinas para sa kanya.

Simula no'ng mamatay ang kapatid ko ay para na din akong pinatay ng sarili kong mga magulang. Palagi nalang kapatid ko ang bukang bibig nila. Ako ang nandito pero parang ako ang wala para sa kanila.

Siya ang gusto ng mga magulang ko, siya din ang gusto ng taong mahal ko.

"How is she?"

Bungad sakin nila Yiel nang makarating ako sa restaurant na sinasabi nila.

"She's fine."

Yeah. She's fine without me. It's been 2 weeks simula no'ng malaman niya ang lahat. I tried to contact her but she didn't answer my calls. Even in social medias.

Sinubukan kong puntahan siya sa mansion pero wala daw siya doon. Halos araw-araw akong pumupunta doon pero iisa lang ang sinasabi ng mga tao doon. I know she's there, ayaw niya lang akong kausapin.

Even her friends, hindi niya kinakausap.

"Let's just give her a time." si Iah.

"How did you know that she's fine?" kunot noong tanong nila.

"I follow her everytime na lalabas siya. She's spending her time in cemetery."

Palagi siyang pumupunta doon, dinadalaw niya din ang mommy niya. Kinukwento niya kay kuya Khael lahat ng bagay na hindi niya nasabi sakin noon.

One time I tried to contact her while she's in the cemetery, nandoon din ako noon. Akala ko ay hindi niya sasagutin noon, I ask her kung nasaan siya. Halos madurog ang puso ko nang sabihin niyang nagpapahinga siya sa kwarto niya pero ang totoo ay nagpapahinga siya kasama ang kapatid ko sa sementeryo.

Palagi kong sinusubukang kausapin siya pero sinasabi niya ay busy daw siya, pero ang totoo ay palagi siyang nasa sementeryo, spending her time with my brother.

"Do you really love her?" si Iah.

Nag-angat ako ng tingin para makita sila bago sumagot.

"Yes..." walang pag-aalinlangan kong sagot.

"She can't love you back Zyne."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila dahil pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

'Yan naman ang lagi nilang sinasabi sakin. Bakit ba lahat nalang sila ay ayaw akong palapitin sa kanya? Masama bang mahalin ko siya?

Yes, she can't love me back, pero may pakialam pa ba ako? I don't fvcking care, I love her. I'm not desperate, gusto ko lang iparamdam sa kanya yung pagmamahal ko na hindi ko nagawa noon.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now