CHAPTER 27

34 6 0
                                    

Elyse's POV

"Zyne!" tawag ko sa kanya nang madatnan ko siyang nag-aayos ng gamit. Buti nalang at naabutan ko pa siya.

"What was that?" muli kong sambit sakanya nang hindi niya ako pansinin at abala lang sa pag-aayos ng sport bag niya.

"What?" walang emosyon niyang tanong at nilingon ako.

"Hindi ka man lang nagsorry kay Mateo nang matamaan mo siya ng bola." kunot noo kong sagot sakanya.

Totoo naman eh, hindi naman talaga siya nagsorry kay Mat kanina. Bigla nalang niyang tinalikoran ang kalaro niya. Hindi na din natuloy ang laro nila dahil sa nangyari.

"Why would I?"

"Seriously?"

Di makapaniwalang tinignan ko siya, this is the first time I see him like this.

"It's not my fault, nasa iba ang atensyon niya at wala sa bola. Kasalanan na niya 'yon."

Damn this man.

"Kahit na dapat nagso-"

"Hindi ko na kasalanan kung nasaktan ko ang boyfriend mo." pagputol niya sakin.

What the heck? anong boyfriend ang pinagsasasabi ng lalaking 'to?

"What did you say?" I ask.

Bumuntong hininga ito bago magsalita.

"I said hindi ko kasalanan kung nasaktan ko ang boyfriend mo." pag-uulit niya.

"He's not my boyfriend." pagdidiin ko.

"Then what's with that action earlier?"

Shuta talaga, ano bang masama sa pagtulong? besides kaibigan ko din naman si Mat.

"I care for him because he's my friend."

"Really?" sarkastikong tanong niya.

"What's with that attitude Perez?" iritado kong tanong sakanya habang nakacross arm.

"Okay just tell to your boy-"

"He's not my boyfriend! damn you!" inis kong sagot sakanya at tinalikoran siya.

Bakit ba pinagpililitan niyang boyfriend ko si Mat?

I hate it when they pushing me to someone. Mas marunong pa sila kaysa sakin eh.

Padabog kong sinara ang pintuan ng kotse ko dahil sa inis. Siya na nga 'tong mali siya pa ang may ganang magbigay ng attitude.

Hindi ko alam kung saan ako mas naiinis, doon ba sa ginawa niya kay Mat o sa sinabi niyang boyfriend ko si Mat?

Papaandarin ko na sana ang kotse ko nang biglang may kumatok sa may bintana, silnulyapan ko ito at napabuntong hininga nalang.

"What?" I ask when I open the window.

"Let's talk." He said with his calm voice.

"Wala tayong pag-uusapan." isasara ko na sana ang bintana ng sasakyan ko nang iharang niya ang kamay niya doon.

Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya. Pinilit kong pinduin 'yon para tumaas pero ayaw kasi nakaharang ang kamay niya. Shuta talaga.

"Gusto mo bang maputol 'yang kamay mo?" frustrated kong tanong sakanya.

"Hindi mapuputol 'to, 'yang bintana ng sasakyan mo ang masisira kung ipipilit mo 'yang gusto mo." inirapan ko siya dahil sa simabi niya.

"Ano bang gusto mo?"

"Bumaba ka muna d'yan."

Bumuntong hininga ako at sinunod ang gusto niya. Pagkababa ko ay bumungad sakin ang ngiti niya.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now