CHAPTER 13

34 9 0
                                    

Elyse's POV

"Try naman natin yung scuba diving mamaya" Si Yiel.

Andito kami ngayon sa may plaza naisipan kasi nila Iah na magjogging ngayong umaga, wala na raw kasi siyang energy sa katawan dahil puro lamon lang ang ginagawa simula no'ng magbakasyon kami dito. Pareho sila ni Yiel na puro pagkain ang nasa utak.

Umaga palang pero marami ng tao sa plaza, open field kasi ito at may malawak na oval, dito din naganap yung fireworks display tsaka battle of the band kung natatandaan niyo.

Nang matapos kaming magjogging ay dumiretso naman kami sa isang malapit na coffee shop para dito na magbreakfast. Nang makaorder ay agad na kaming naghanap ng mauupuan.

As usual chocolate cake nanaman ang inorder ko at cappuccino for my coffee. Last day na namin ngayon dito sa Tagaytay at marami na din kaming nagawa.

"P'wede bang hindi muna ako sumama sainyo?" tanong ko sakanila nang makaupo na kami.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Yiel.

Nakatingin lang sakin ang dalawa habang hinihintay ang sasabihin ko, nagkagat labi muna ako bago magsalita.

"Sasama ako kay Zyne kasi-"

"What?!" bulyaw ni Iah.

Pinagtinginan tuloy kami ng ibang tao dahil sa pagsigaw niya.

"Makikipagtanan ka na?! anong nakain mo at naisipan mo yan ha? sa pagkakaalam ko okay ka pa bago ka mawala sa gubat...sabihin mo nga sa'min Elyse anong pinakain sayo ng Zyne na 'yon para magkagan'yan ka?!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Iah, naagaw nanaman niya ang atensyon ng mga tao dito sa loob. O.A yarn?

"Asaan ang Zyne na yan at masasapak ko yan ilabas mo yan Elyse!" sumabay na din si Yiel sa pagiging O.A ni Iah.

Napailing nalang ako habang hinihilot ang sintido ko, hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawang 'to. Hindi ko alam kung nakashabu ba sila o ano.

"Ano Louise Akiesha Availlaine Villanueva magsalita ka! we need an explanation!" si Iah.

"P'wede ba ikalma niyo nga yang mga sarili niyo!" sagot ko sakanila.

Tumataas ang dugo ko sa mga pinagsasasabi nila, mukhang babalik ata yung sakit ko dahil sa ginagawa nila.

"At tsaka ano bang pinagsasasabi niyo ha? mga adik ba kayo?" dugtong ko.

"Eh sabi mo kasi sasama ka na kay Zyne kaya akala namin makikipagtanan ka na" si Iah.

Aba siraulong 'to paano ako makikipagtanan sa taong kakakilala ko palang ng limang araw.

"Oo sinabi kong sasama ako kay Zyne pero wala akong sinasabing makikipagtanan ako, at tsaka pwede ba tigilan niyo ako! may nakikipagtanan bang nagpapaalam?"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa frustration, pa'no ko nga ba naging kaibigan 'tong mga 'to? daig pa ang mga adik eh.

"Ah ganun ba, linawin mo kasi" sagot ni Yiel.

So bakit parang kasalanan ko pa na grabe sila mag-overthink?

"So ano nga bakit ka sasama sakan'ya, naku sinasabi ko sa'yo Elyse papatayin kami ng tatay mo kapag nakipagtanan ka" Si Iah.

"Hindi nga ako makikipagtanan ano ba! magroroadtrip lang kami" iritado kong sagot sakanila.

"Roadtrip lang?" tanong ulit ni Iah.

"Oo roadtrip lang, ano bang nasa utak niyo?"

"Wala naman naninigurado lang kami, basta umuwi ka before dinner ha? nagkakaintindihan ba tayo Elyse?" paninigurado ni Iah. Makaasta akala mo talaga nanay ko eh.

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now