CHAPTER 46

13 3 0
                                    

Elyse's POV

Inaayos namin ang mga bagahe ko habang binubuhat ni Yiel 'yon para isakay sa kotse ko. Tinulungan kasi nila akong mag-impake kanina, actually dalawa sila ni Mat pero nauna nang umalis si Mat dahil may gagawin pa daw.

I'm leaving this house. Matagal na din kasi akong inaalok ni daddy na sa kanila nalang daw tumira dahil wala akong makakasama dito. Pinag-isipan ko din 'yon ng matagal bago ako pumayag.

Sobrang daming nangyari sa bahay na 'to. Lahat ng masasakit at masasayang nangyari ay mananatili nalang dito.

It's time for me to spend my new life with my new family. Kinukulit din kasi ako ni Gab, gusto daw niya akong makasama, even tita Carol.

Ilang buwan na din ang nakalipas simula no'ng nalaman ko lahat. I'm trying to step forward, I know its also for the better. I'm trying to moving on. I don't know how long will it takes, pero willing akong maghintay kahit na gaano pa katagal.

Nang maayos na lahat ay agad na din kaming pumasok sa sasakyan ko. Si Yiel ang driver dahil tinatamad akong drive, buti nalang at nandito 'tong mukong na 'to para tulungan ako.

Busy din kasi si daddy sa business trip niya, gano'n din si tita Carol kaya naman si Yiel at Mat ang tinawag ko. Buti nalang at to the rescue silang dalawa.

Nagpaalam din ako kanina sa mga kasambahay lalo na kay manang Silva. Hindi ko naman 'to tuluyang iiwanan, siguro dadalawin ko nalang.

"Paano ba 'yan? tayong dalawa nalang ang naiwan." sambit ni Yiel habang nagmamaneho.

Nakaalis na din kasi si Iah, sa phone lang kami nagkakamustahan. Hindi ko alam kung pati si Yiel ay kinakausap niya, malay ko ba sa love life ng dalawang 'to.

After naming mag-usap ni Zyne noon ay wala na din akong contact sa kanya. Balita ko ay wala na daw siya dito sa pilipinas. Mas okay na din 'yon para mas madali nalang para sa'ming dalawa.

Sobra ko siyang nasaktan no'ng gabing 'yon. Kung magkikita man kami ulit, sana sa panahon at lugar na para sa'min na.

Hindi ko parin maiwasang mag-isip paminsan-minsan dahil alam kong makakalimot siya, posibleng after niyang gumaling ay may makikilala siyang bago. Pero okay ka din 'yon, atleast magiging masaya siya, makukuha niya 'yong pagmamahal na para sa kanya. Pagmamahal na hindi ko kayang ibigay.

Alam kong sobrang duwag ko, halos araw-araw kong pinagsisisihan yung araw na nasaktan ko siya, yung araw na pilit ko siyang pinagtabuyan.

"Do you think babalik pa sila?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, wala namang may alam kung babalik pa ba sila. Kung babalik man sila ay paniguradong hindi na tayo ang mahal nila."

Medyo nasaktan ako dahil sa sinabi ni Yiel. Paano kung bumalik nga siya, pero may pamilya na pala siya pagbalik niya? Kaya ko kayang makita siyang masaya sa iba?

"Hindi mo ba talaga minahal si Zyne?"

Nag-iwas ako ng tingin at dumungaw sa bintana. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila ang dahilan kung bakit kami hindi nagkatuluyan.

"I love him."

"Oh mahal mo naman pala, bakit hindi mo pinaglaban?" kunot noo niyang tanong.

Kung kaya ko lang labanan ang kamatayan ginawa ko na.

"Hindi ko kaya..."

"Paanong hindi mo kaya?"

"Mahirap labanan ang tadhana, kahit gusto mo pang lumaban kung kasiyahan naman ang kapalit ay mas pipiliin ko nalang na sumuko."

Spectaculos DisasterWhere stories live. Discover now