CHAPTER 03(FIRST DAY)

38 8 0
                                    


Ng marinig ko yung alarm clock na tumunog bumangon na ako. Its monday! its my first day of class and im nervous.

Dali dali akong tumakbo papasok ng banyo para maligo. Ng matapos na ako maligo nag-suot ako ng flare jeans at t-shirt na croptop. And i also bring some jacket kasi may aircon.

You can do it sky!

I took a deep breath before i went downstairs.

"Goodluck, ayan ang susi ng kotse mo" Sabi sakin ni dad, at inabot nya sakin yung susi.

Kinuha ko yung susi ng kotse at tumakbo na ako palabas ng bahay. Dalawa yung kotse dito sa bahay sakin talaga yung isa kaso hindi pa sakin pinapagamit ni dad kasi daw baka daw magasgasan. Dahil Mercedes-Benz GLB, daw ang brand.

Sumakay na ako sa kotse at agad ko itong pinaandar.

Nasa tapat na ako ng school ngayon may pagka malaki yung lauren's academy, kaya siguro dito ako pina enroll ni dad.

Nung pumasok na ako sa gate lahat ng mga mata ng estudyante ay nasa akin. Ganto ba talaga sila kapag may transferee na pumapasok?

Ganda nya!
May lahi ata!
Ang ganda ni miss. transferee.
Mukhang mag kakagusto sa kanya yung lopez brothers.

Who's Lopez Brothers? They're so weird!

"Miss. Ferrer?"

Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sakin. Lalake sya at medyo may edad na rin, eto ata yung dean dito?

"Ikaw ba si Ferrer?" Tanong nya sakin ng makalapit sya sa gawi ko.

Tumango naman ako sa kanya, kaya ngumiti sya at tumango tango.

"Ako si Dean. Del Rosario, sya nga pala. Are you related to Eli Sebastian Ferrer?" Nagtatakang tanong nya.

Bakit nya kilala si kuya? Kaano ano ko ba sya? Lolo ko ba to? Huhu bakit tinago sakin nila daddy! Lagot sakin si Daddy mamaya!

"How did you know my brother?" Nagtatakang tanong ko rin sa dean.

At tumawa sya. Gago ba dean dito? Anong nakakatawa sa tanong ko?

"He's my 2nd year student" Nakangiting sagot nya.

Ahh dati syang teacher tas ngayon dean na sya. That's so cool.

Nakahinga naman ako ng malalim, kala ko naman relative ko tong panot na to.

Pero dito rin nag aaral kuya ko? Di ko close kuya ko, feel ko galit sya sakin. Well di ko naman sya masisisi eh maka-nanay yung kuya ko, kaya nung namatay si mommy ako na ang napagbunturan nya ng galit.

"Miss Ferrer?"

Bumalik ako sa sarili ko ng tawagin nya ako. Ngumiti lang ako at tumingin sa kanya. Etong matandang to parang may sayad. Hehe masama na ba ako? Joke lang yun hahaha

"Malapit na ang start ng klase, na sabihan ko na rin ang class president ng room nyo na i tour ka dito mamaya pag tapos ng klase nyo" Sabi nya at nagpaalam na sya sakin na babalik na sya sa office nya.

Nakapasok na ako sa room ko, buti nalang di ako naligaw. May mabait na bata kasi ang nag turo sakin kaya di ako naligaw hehe.

"Goodmorning students, so before we start we have a new classmate or student. Ms? can you introduce yourself?" Panimula ng prof at binalingan ako ng tingin.

Ngumiti ako at tumayo sa kinauupuan ko.

"Im Skyaela Eunice Ferrer, 19yrs old" Maikling pagpapakilala ko sa sarili ko.

Bigla namang nagtaka yung prof namin. Bakit nanaman? Mali ba ako?

"Are you related to Eli Sebas-"

"Yes po" Pag putol ko sa sasabihin nya.

Medyo nagulat naman yung mga kaklase ko, kaya nagtaka nanaman ako. Hindi na ako pinansin ng prof namin, at nagsulat na sya agad sa board.



















Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon