Today is my second day in lauren's academy. Buti nalang lalayo na ako kay dad kahit papaano.Hinanda ko na mga gamit ko at naligo na. Ng matapos ako maligo at nakapag bihis na rin ako. Kinuha ko na yung susi ng kotse tas yung mga gamit ko.
In-add kasi ako ni faith sa facebook, tas chinat nya ako na mga 4:30am daw kami mag kita sa school. Napatingin ako sa orasan ko, 4:00am na. Inayos ko lang saglit buhok ko at bumaba na ako sa baba.
Pag baba ko hindi ko nadatnan si Dad, alam naman nya na ngayon na ako tutuloy sa dorm eh kaya di ko na kailangan magpaalam sa kanya.
"sky!" Rinig kong sigaw ng kung sino.
Tumingin ako kung saan ng galing yung sigaw at nakita ko si Faith na tumatakbo palapit sakin.
"Ano ready kana?!" Masayang bungad nya sakin.
Hindi ako nagsalita at tumango lang ako.
Ipinulupot nya sa braso ko yung kamay nya at sabay kaming naglakad.
"Sana mabait makakasama ko sa dorm" Sabi ko kay Faith.
Ayokong makasakit kapag may nambastos sakin.
"mababait makakasama mo sky, dont worry" Nakangiting sabi nya sakin.
Mababait? So madami? Hindi na ako nag tanong sa kanya kahit curios na curios na ako.
Ng huminto na kami sa may tapat ng room na 24 at humarap sakin si faith at hinawakan nya dalawa kong kamay.
"goodluck" Nakangiting sabi nya sakin at iniwan na ako na nakatulala sa kanya.
Bakit? May masama bang mangyayari? Hindi ko nalang pinansin mga iniisip ko at kumatok na ako.
Kakatok pa sana ako ng bigla itong mabuksan.
"Hoy gago chicks!" Sabi ng lalakeng nasa pintuan.
Medyo may kalakihan yung bicep nya, hoy di ko sya gusto ha. Na kita ko lang yung bicep nya kasi nakasando sya, pero pogi din tas pointed nose yung mata may pagka gray.
"Pasok ka!" Sabi nya sakin.
Nagulat ako ng bigla nyang kuhanin sakin yung gamit ko. Pagka-pasok ko sa loob ng dorm may dalawang lalakeng naglalaro ng chess.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa tapos yung sinukli sakin ng lalakeng naka hoodie tapos naka two sided na buhok ay pag taas nya ng kilay.
Di ko nalang sya pinansin at binaling ko yung mata ko sa kalaro nyang lalake na naka formal lang.
"Mamaya na kayo mag titigan mag pa kilala muna tayo" Sabi ng lalakeng nag bukas ng pinto sakin.
"Sky" Maikling pag papakilala ko.
"Hello ms. pretty im Tyler Wyttan Nolan" Sabi nung lalakeng nagbukas sakin ng pinto.
"Im Connor Dyan Colter" Sabi naman sakin nung lalakeng naka formal clothes lang.
Tumingin naman ako dun sa lalakeng naka hoodie pero di sya nagsasalita.
"Hoy Levi, magpakilala ka!" Sabi ni Tyler sa kanya.
"You already say my name" Malamig nyang sabi.
Tsk sungit! Levi pala. Ay pake ko naman sa pangalan nya.
"Tsk" Pag iling ko.
Maya maya pa biglang may lumabas sa isang pintuan at niluwa nito si KUYA ELI?!
"What are you doing here?!" Sabi nya sakin at hinila nya yung palapulsahan ko at dinala ako sa labas.
"Aray kuya masakit!" Sabi ko sa kanya.
Binitawan nya naman yun, kaso pabagsak nga lang.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" Muli nyang sigaw sakin.
"Pwede ba? Wag mo akong sigawan kaharap mo lang ako. At isa pa yung dorm mo ay dorm ko rin. Fyi kung hindi mo ako gusto na nandito ako, ako din kuya. Sisihin mo tatay mo, kung di mo ako gusto na nandito ako edi wag mo akong ituring na kapatid" Mahinahon na sabi ko sa kanya.
Bigla namang tumaas yung kilay nya.
"Kelan ba kita tinuring na kapatid?" Sarkastikong tanong nya sakin.
"Yun nga eh, pwede ba ituring nalang natin yung isat isa na parang hindi tayo magkaano-ano?" Sabi ko sa kanya at pumasok na ako ulit sa dorm.
Pagka-pasok ko sa dorm gulat silang tumingin sakin maliban kay levi masungit.
"Kapatid mo si eli?!" Gulat na tanong sakin ni Tyler.
"For real?!" Tanong naman ni Connor.
"You heard that right" Ani ko sa kanila habang tumatango ako.
"Sa couch ka matutulog wala kang kwarto dito" Singit ni kuya ng makapasok sya ng dorm.
Yung totoo? Sa couch? Ano ba yan!
Tumingin ako sa orasan baka kasi mamaya start na ng klase. 5:30am palang.
Lumabas muna ako ng dorm para mag ikot-ikot.
"Sky!"
Napatingin ako sa likod ko ng may tumawag sakin. It was Connor
"Hmm?" Maikling tanong ko sa kanya.
Sinabayan nya ako mag lakad, pumunta kami sa field at sabay kaming umupo sa damuhan.
"Kapatid mo talaga si Seb?" Tanong ni Connor sakin.
I let a small giggled before i answer his question.
"Oo, pero sa nanay lang" Pag sagot ko sa tanong nya.
Bahagya akong napatingin sakanya ng hindi sya magsalita. Natawa ako sa reaksyon nya ng makita kong nagulat sya.
"Nagkaroon ng lalake si mama tapos nabuo ako, pero ang una talagang pamilya ni mama ay sila kuya eli" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Tama bang ikiniwento ko sa kanya? Tama bang sabihin ko sa kanya?
"Bakit galit sayo si sebastian?" Pag tanong nya ulit.
Napatikhim ako sa tanong nya na iyon, dapat ba kitang pagkatiwalaan Connor?
"Sinisisi nya ako sa pagkamatay ni mommy, aksidente ang pagkamatay nya, tinawagan ko kasi si mom ng makita ko tatay ni eli na may kahalikang babae sa bahay. Kaya ayun umuulan nun nung bumyahe sya tas dun nagstart yung aksidente. Bumangga sya sa puno dahil hindi nya na makita yung salamin, sabi pa hindi daw nabuksan ni mommy yung swiper ng sasakyan sa sobrang kakamadali at galit." Sabi ko sa kanya at pilit akong ngumiti.
Kapag kinikwento ko pagkamatay ni mom nalulungkot din ako syempre pero, kelangan ko kasing tanggapin yung nangyari kaya. Mas maganda kapag may nag tanong about dun ay naoopen ko. Pero natatakot ako minsan na mag tiwala, nung dati nagbigay ako ng tiwala sinira lang eh.
"Im sorry" Bigla naman nyang sabi.
"Wala yun, siguro nga kasalanan ko rin kasi kung di ko sya tinawag nun edi sana hindi sya bumyahe nung umuulan" Sabi ko sa kanya.
"Dont say that, wala ka lang alam nun kasi bata ka pa nun, tsaka wala namang may gusto nung nangyari sa mommy mo" Sabi nya naman sakin.
Sana ganyan din si kuya eli, sana ganyan din yung isip nya.
"I hope kuya eli, think the same way" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Yung tatay mo hindi mo pa nakikita?" Tanong nya ulit.
"Hindi, pero may nakapagsabi sakin na yung tatay ko ay may lahing spanish" Sabi ko sa kanya.
Bago pa sya makapag tanong ulit bigla nalang nag bell. Tumayo na kami at nagpaalam sa isat isa. Magkaiba kasi kami ng room tsaka grade.
"Ano girl kamusta sa dorm?!" Bungad sakin ni Faith.
"Ayos lang" Maikling sabi ko.
Umayos ako ng upo ng dumating na yung prof.
BINABASA MO ANG
Loving Sky (Completed)
FanficI can't live without her- LEVI Ayoko na syang makita ulit.....JOKE- SKY