CHAPTER 23(I NEED YOU)

16 3 0
                                    

NAKAKAINIS! Nakakapeste sya! Mainit ang ulo ko ng pumunta ako sa kompanya ni mommy. Kung hindi dahil sa pesteng julia na yun, hindi ako tutunganga lang dito sa kompanya ni mommy.

Isa pa tong sila kuya tope at kuya eli, kung makaasta parang kala mo prinsesa na talaga ni yung pesteng julia na yun! Eh hindi nga lumalamang yung ganda nya sa ganda ko ano!

                              -Flashback-

PAGKA-bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nagtatawanan na sila, kuya tope, kuya eli, faith, at isang babae na mukhang tanga na kala mo kung makatawa ay naa-attract sa kanya ang mga kasama nya.

Napahinto lang sila ng makita nila ako! Tangina kanina pa ako dito tas ngayon lang nila ako makikita.

"Kanina ka pa dyan?!" Nakangiting tanong sakin ni kuya tope.

"Callate" Malamig na sabi ko sa kanya.

Shut up

Deserve yan! Tangina nyo tatawa pa kayo ha!

"Oh caira andito ka rin?" Seryosong tanong ni kuya eli kay caira.

Ay hindi wala sya dito! Figura lang nya yan!

Agad namang pumunta si caira kay kuya eli para makipag beso.

"Hello sky!!" Buong galak na bati sa akin ni Faith pero di ko sya pinansin at umupo lang ako.

"Ahm, who is she?" Sarkastang tanong nung babaeng mukhang tanga.

Ako lang naman ang ex ng katabi mo!

"Kaibigan namin, at kapatid nitong dalawa" Sagot naman ni faith sa tanong nung babaeng mukhang tanga.

"Where's connor and tyler?" Seryosong tanong ko sa kanila.

"Inutusan ko sila bumili ng pagkain!" Maarteng sagot nung babaeng mukhang tanga.

"May paa at kamay ka bakit hindi ikaw ang bumili" Malamig na sabi ko sa kanya.

Nagulat napatingin sakin ang mga kaibigan ko at ganun din si levi. Maging si Caira ganun din ang naging reaksyon.

"Sky, she's julia" Mahinahong sabi ni kuya eli.

"I didn't ask" Pagbara ko sa sinabi nya.

Totoo naman eh hindi ko naman sya tinanong bakit nya sasabihin sa akin.

"What's your problem?" Malamig na tanong sakin ni levi.

Ikaw ang problema ko! Sinabi mong hihintayin mo ako makabalik para maexplain sa akin ang ginawa mo pero madadatnan kong meron nanaman umaaligid sayo!

"Pake mo kung may problema ako?" Taas kilay na tanong ko kay levi.

"He's being nice to you, don't be so rude!" Malanding sabi nung julia na mukhang tanga.

"Pano yan wala akong pake kung mabait sya sakin. At isa pa mukhang nagulo ko ata kasiyahan nyo. Pumunta ako dito para ipa-tour ko kay kuya eli itong pinsan ko" Seryosong sabi ko.

"Huh? Bakit ako?" Nagtatakang tanong ni kuya eli.

"May date ako" Pagsisinungaling ko.

Tatayo na sana ako nang magsalita si levi.

"With a boy?" Seryosong tanong nya sa akin.

"Tanga kaba? Sino ba ang kadate ng babae? Edi lalake" Sarkastang sagot ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pag igting ng kanyang panga, kaya itong mga puso ko nagwawala nanaman sa sobrang saya.

"Let her go lalove! She don't deserve to be here!" Malanding sabi nya at kumakapit pa sa braso ni levi.

Napatingin ako kay faith na tumayo at lahit kami nagulat ng sampalin nya si julia.

"Ikaw ang hindi deserve dito! Tanga ka ba?! Yaang babaeng kinakausap mo ay pinakamamahal yan ng lalakeng nilalandi mo! Kung makapag salita ka parang kala mo ikaw una naming na kilala!" Galit na sigaw nya kay julia.

Umalis si faith mula sa pagkakatayo sa harap ni julia at lumapit sya sa gawi ko, at NIYAKAP nya ako!

"Ikaw pa rin bestfriend namin" Bulong nya sa akin.

Biglang lumambot ang puso ko ng sabihin iyon ni faith, mukhang napansin nya nga na nagseselos ako.

"Okay na ako, sige na tuloy nyo na kasiyahan nyo may date pa ako" Maliit na ngiting baling ko kay faith.

Lumapit sya sa tenga ko at may binulong.

"Totoong may date ka?" Bulong nya sa tenga ko.

Tumawa lang ako ng mahina at bumulong din ako na "wala joke lang yun pero wag mong sasabihin sa kanila na joke lang" Tumango naman sya at ngumiti sa akin.

"Ikaw levi at kuya tope at eli! Kayo ang dapat kakampi ni sky, pero umasta kayo na para bang sya ang may problema at gusto ng away!" Galit na pahabol nya sa tatlo at iniwan ako na kasama yung mga gagong to.

Ngayon ko lang syang makitang ganun.

"Sky, you okay?" Tanong ni caira sakin ng mapansin nyang tulala ako. Tumango lang ako sa kanya at tinignan ko ng masama yung julia na mukhang tanga na ngayon iniinda pa rin yung sakit na pagkasampal sa kanya ni faith.

Ayan deserve!

"Sky" Mahinang tawag sa akin ni levi pero sapat na yun para marinig ng lahat.

Hindi ko sya pinansin at agad kong nilisan yung meeting room.

Tangina bumabalik nanaman yung sakit! Ang sakit nanaman!

   
                       -End Of Flashback-

"Sky?" Tawag sa akin ng secretary ko.

Napaayos agad ako at pinilit kong ngumiti sa kanya ng maliit.

"May naghahanap sainyo sa baba" Nakangiting sabi nya sa akin.

Sino naman? Wala naman akong inaasahang bisita, at isa pa si caira ay alam kong dali dali papasok yun dito.

Tinanong ko yung secretary ko kung sino pero dahil sa katangahan nya hindi nya naitanong ang pangalan.

Huminga ako ng malalim at lumabas ako ng opisina ko at sumakay sa elevator.

Nandito na ako ngayon sa ground floor at nakita ko yung figura ng lalakeng nakatingin mula sa malaking salamin at nakatulala. Oh my gulay! S-si LEVI!!!!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaya bago pa sya nakaharap ay humigit na ako ng malalim na hininga.

"Sky" Mahinahon nyang tawag sa pangalan ko.

Tumingin ako sa kanya ng walang emosyon. Ganyan dapat ipamukha mo sa kanya na wala kang pake sa kanya!

"What do you need?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Napaatras ako ng lumapit sya bahagya sa akin. Malapit lang kami sa isat isa at naaamoy ko rin ang mabango nyang hininga. I miss his lips!

"You" Seryosong sabi nya sakin at may pang aakit na tono.

Hindi na ako nagulat ng umarangkada nanaman ang mga puso ko.

Tangina nyo kalmahan nyo lang! Ayaw nga namin kilig ka lang eh! Aba aba anong kilig by the way bakit ako?!

#IkawDawKelanganBeh
#LigawanMoNaUlitLevi
#BalikanMoNaSky

Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon