CHAPTER 10(SAME FEELINGS)

31 5 2
                                    


NAGISING ako sa sobrang sakit ng ulo ko, pag dilat ko nasa ibang kwarto ako. Gago nasan ako? Ano nangyari kagabi? Fuck bakit hindi ko maalala?!

"You're awake, come outside and eat" Biglang sabi ni levi ng mabuksan nya yung pinto.

Teka nasan ba ako?! Pag tingin ko sa paligid nakita ko yung picture ni kuya eli tas ako? kinuha ko ito para tignan ng mabuti. Tama nga nung bata pa kami, b-bakit nandito to?

Nilapag ko yung picture ng marinig kong tinawag ako ni kuya eli. Tumingin muna ako sa salamin kung maayos ba yung mukha ko. Gago sobrang sakit ng ulo ko!

"Good morning sky" Nakangiting bati sakin ni Tyler.

"Ano nangyari?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

Pero tatlo silang nagtawanan, aba? Ano bang nangyari?! Alalahanin mo sky!


-Flashback-

"Alam nyo ba! hahaha shi ano shi levi ay gwapo!"

"Ay kapangalan mo shi crush! Ikaw gaya gaya ka ng pangalan crush ko ha!"

"Ikaw ba shi crush?! Hala baka mamaya ikaw shi crush tapush pangit mukha ko ngayon!"

"Kuya eli eto ba yung crush mo? ay crush ko?"

"Kuya eli! alam nya na sya yung crush ko!"


-End Of Flasback-

Napatampal ako sa noo ko ng malala ko kung ano pinagsasabi ko.

"Kuya eli sinabi ko yun?" Mangiyak-iyak na tanong ko.

Napatingin ako kay levi na parang pinipigilan yung pag tawa nya.

"Inom pa" Pang-aasar sakin ni Connor.

"De ninguna manera" Hindi makapaniwalang sabi ko.

No way.

"N-nasan ba tayo?" Nauutal na tanong ko kay kuya eli.

"Sa condo ko" Seryosong sagot nya.

Napanguso ako at sumabay na ako sa kanila kumain. May inabot sakin si levi na gamot. Tsk hindi manlang nag salita. Malamang sky sabi mo sa kanya kagabi crush mo sya, sino ba naman hindi mahihiya.

"Bakit sya mahihiya" Wala sa sariling sabi ko kaya napahawak agad ako sa bunganga ko para takpan ito.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Connor.

"Sinong sya?" Seryosong tanong ni levi na may halong ewan.

"Ah wala, hahaha thanks sa gamot!" Kinakabahang sabi ko.

Napayuko ako at napapikit ako, inangat ko ulit yung ulo ko at nagsimula na akong kumain...

Hindi pa kami bumabalik sa dorm kasi baka makita kami ng mga prof namin at mapagalitan kami. Apat silang hindi nakapasok, dahil sa katarantaduhan ko.

"Lalim ata ng iniisip natin"

Napa-ayos ako ng tayo ng may pumasok sa balcony, si kuya eli.

"Hindi naman" Seryosong sabi ko.

"Grabe ka malasing sky" Natatawa nyang sabi.

"Kuya! Wag mo na ipaalala okay?!" Naiiritang sabi ko.

"Kelan pa?" Pag tanong nya ulit.

Anong kelan pa? Ano bang sinasabi nya?

"What do you mean by those words?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon