CHAPTER 24(NAPKIN)

12 3 0
                                    

KAHAPON pa ako hindi makatulog sa kakaisip, dahil doon sa sinabi ni levi. Oo tama si levi gusto nyo akong isama sa vacation trip nila kuya eli. Tapos doon na rin daw sya mage-explain. Kinakabahan ako.

Maya maya pa nakarinig ako ng pag door bell sa labas ng condo ko kaya tumayo ako at binuksan iyon.

"Sky can we talk?" Kalmadong tanong sakin ni Faith ng makapasok sya ng condo ko.

Tumango ako at pinaupo ko sya sa sofa. Ano naman kaya pinunta nito? Mukhang may problema sya.

"May problema ba faith? You can tell me, i'll listen" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Kumuha muna ako ng malamig na tubig sa ref para sa aming dalawa.

Kinuha ko yung baso ko na may tubig at uminom ako.

"Matagal ng kami ni eli" Nabuga ko yung iniinom ko ng sabihin nya iyon.

Potangina? Sana all!

"Tangina mo! Totoo ba?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Well si faith ay 22 na si kuya eli 25. Shuta 3yrs gap.

"Oo, naging kami lang nung 1 year kanang wala dito sa pilipinas" Seryosong sabi nya.

"Bakit di ka masaya? Kung iniisip mo hindi kita tatanggapin. Tama ka!" Pang-aasar ko sa kanya, agad naman syang sumimangot at hinampas ako sa braso.

"Joke lang! Tanggap kita, kahit maging garapata ka pa!" Pag bibiro ko sa kanya.

Agad naman syang lumapit sakin para yakapin ako. Lagot sakin si kuya eli! Hindi sya nagsasabi sakin ha!

"Kayo ni levi kelan kayo mag babalikan?" Tanong nya sakin at nginitian nya ako ng nakakaloko.

Balikan? Ayoko nga makita pagmumukha nun! Joke!

"Balikan? Uso ba yun?" Nagtatakang tanong ko.

"Give him a chance sky, he loves you very much" Nakangiting sabi nya sakin.

He loves me that much? Pero bakit? Bakit ganun yung ginawa nya kung mahal nya ako ng sobra. Bakit?

"Ewan ko, magulo eh. Alam mo ba sa totoo lang gustong gusto ko na marinig yung explanation nya." Sabi ko sa kanya.

"Kapag nalaman mo na ba yung totoo, there will be a chance?" Tanong naman nya sakin.

May chance ba? Bibigyan ko ba ng chance kapag nalaman ko na yung totoo?

"Maybe there's a chance, but hindi ko agad mabibigay yung chance na yun. Kung meron paring takot na bumabagabag sakin" Seryosong sabi ko kay faith.

Lumapit sakin si faith at tinapik tapik nya yung braso ko.

"Kung aalisin mo yung takot mo, im sure magiging masaya ka na." Nakangiting sabi sakin ni faith.

Tumayo na si faith sa sofa at nagpaalam na uuwi na. Sumunod ako sa kanya kasi ihahatid ko nalang sya sa baba...

"Mauna na ako, wag ka masyadong mag-isip. Kaya kang hintayin ni levi" Nakangiting sabi nya sakin at sumakay na sya sa kotse nya.

Kaya nya ba talaga? Sure na ba talaga? Joke!

KINUHA ko yung phone ko sa drawer ng makapasok ako sa kwarto ng condo ko.

Lagot ka sakin kuya eli!

TO: ENIMI

Kuya pupunta ako dyan bukas, handa mo na dalawa mong tenga!.

FROM: ENIMI

why should i?🙄

He replied. Sinusubukan talaga ako nito eh.

Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon