CHAPTER 20(THE PAST)

30 3 0
                                    

2 YEARS and a months, kakauwi ko lang ngayon sa pilipinas. Sinundo ako ni kuya eli sa airport. Ewan ko pero masaya ako nandito na ako ulit kung saan ako una naging masaya at kung saan ako unang nasaktan ng sobra.

At balak ko na rin magpa-psychiatrist sa kakilala ni Connor. Mamayang hapon sisimulan yung pag treatment sa akin ng pyschiatrist ni Connor.

Sa condo na ako tutuloy, dahil si dad binenta na ang bahay. At umuwi na sa australia. Bali pag uwi ko dito tsaka sya pumunta roon.

"Matulog kana dyan ako na mag-aayos ng gamit mo" Sabi sakin ni kuya eli ng makapasok na kami sa room ko.

Sinabi ko sa kanya na ilagay nalang muna dyan, dahil kapag inayos nya pa yun makikita nya yung mga underwear ko pati mga bra ko.

Hindi muna ako pumasok sa kwarto at sa sofa ako humiga, at ipinikit ko na yung mata ko...

"Sky, gising na!" Yugyog sa akin ni kuya eli.

Tumingin ako sa orasan, shaksss! 4:30pm na! Usapan 5:00pm tapos meron nalang akong 30minutes para mag ayos?!

"Kahit wag kana maligo ayusin mo lang damit mo" Seryosong sabi sakin ni kuya eli.

Dali dali akong tumakbo sa kwarto at binuksan ko isa isa yung maleta ko para kumuha ng susuotin...

"Ready kana?" Nag-aalalang tanong sakin ni kuya eli.

Huminga ako ng malalim at tsaka ako tumango sa kanya. Im wearing jeans and fitted t-shirt, and nag robber shoes lang ako at yung buhok ko ay naka bunned lang...

Kasama ko ngayon si kuya eli, kuya top, at connor sa loob ng silid kung saan maraming libro at may isang bilog na lamesa at merong relaxing chair.

"Maupo ka dito" Sabi sakin nung babae, mukhang sya nga yung pyschiatrist.

Sumunod ako sa sinabi nya at umupo ako sa relaxing chair, sinabi nya rin na sumandal daw ako at ipatong ko raw yung dalawa kong kamay sa may gilid ng relaxing chair.

"Close your eyes" Mahinhin na sabi nya.

At agad ko naman itong ginawa.

Nararamdaman kong hinawakan nya yung noo ko at hindi ko na alam kung ano pa yung ginawa nya sa katawan ko, bigla nalang ako napunta sa dating bahay namin.

Kitang kita ko yung dating bahay namin, medyo napupunta yung buhok ko sa mata ko dahil umuulan. Napatingin ako sa pinto ng narinig kong bumukas ito at iniluwal nito ang batang ako. Umiiyak yung batang ako at hawak nya yung cellphone, sinusundan ko lang yung batang ako. Dahil kanina pa sya hindi mapakali.

Maya maya tumakbo ang batang ako sa may bandang kaliwa nya ng may narinig syang kotse na bumangga sa kung saan. Dahan dahan akong lumakad at bago ko pa makita yung nangyari may naaninag akong lalake sa gilid ng isang bahay, nung nilapitan ko ito. Nang makita ko kung sino yung lalakeng nakatayo napaatras ako, SI KUYA TOPE?!

Balak ko pa sanang lapitan ng biglang sumigaw yung batang ako.

"Mom!!!" Sigaw ng batang ako.

May lumapit na matanda sa batang ako, dahil akmang tatakbo ito sa sasakyan ni mom na nakabangga sa puno.

"But my mom are in there!" Pag sigaw ng batang ako habang nagpupumilit kumalas sa pag kakayakap doon sa matandang babae.

Nakita ko sila kuya eli pati yung tatay nya p-pati si tita diane na palapit sa batang ako, napaatras ako dahil sa takot.

"Kuya! Mom are in there kuya!" Sigaw ng batang ako kay kuya eli.

Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon