CHAPTER 12(THE SCARS)

24 5 0
                                    

Balik nanaman ulit kami sa dorm, kasi may pasok na ulit of course hindi naman habang buhay mag sasaya kami.

Lagi akong nagpapahuli maligo, dahil si kuya eli ay hindi pwedeng ma-late sa klase kasi baka pagalitan nanaman sya. Lagi kasi syang late dahil ako ang pinapauna nya maligo, parang kasalanan ko pa diba...

"Matagal ba talaga maligo ang mga babae?" Nagtatakang tanong ni connor ng makalabas ako ng kwarto ni kuya eli.

Matagal ba yun? O.A nito!

"Ang o.a mo di naman matagal yun!" Pag dipensa ko sa sarili ko.

"1 hour and a half" Walang emosyong singit naman ni Levi.

Nilakihan ko sya ng mata, seryoso 1hour? ilan ba katawan mo sky?!

"Dami nyong alam, tara na" Sabi ko sa kanila at nauna na akong naglakad.

"S-sky!" Pag tawag ni Tyler.

Napataray ako at lumapit ako sa kanilang apat, kita ko sa mukha nilang apat ang gulat. Ano bang meron? Bakit ganto makatingin itong mga mokong na to?

"M-may s-sugat ka sa l-likod mo" Nauutal na sabi ni Connor. Halata ko sa mukha nya ang takot.

Patay! Yung plantsang peklat ko sa likod, teka naka t-shirt ako bakit nila makikita yun. Ng makapa ko yung likod ko nakaipi pala sa bra ko yung t-shirt. Im dead.

"Ano nangyari dyan?" Seryosong tanong ni levi, potek may kakaiba sa boses nya. Nakakatakot.

"Ah, w-wala yan, nung bata pa ako nyan. Tara na!" Pag tanggi ko at binaba ko na yung t-shirt ko at nauna na ako lumabas.

Tangina bakit ngayon pa sky! Bakit ngayon pa nila nakita eh hindi kapa ready sabihin sa kanila yung dahilan nun! Tanga tanga mo!

Pumasok na ako sa room at umupo tsaka nilabas ko na mga gamit ko.

"Sabay tayo kain ha!" Aya sakin ni Faith ng makita nya na ako.

Ngumiti lang ako ng pilit at tumango. Maya-maya pa ay dumating na yung prof, wala naman akong balak makinig kasi walang pumapasok sa utak ko, hindi ko alam...

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Faith.

Nakaupo kami ngayon kasalukuyan sa may field.

"Oo naman, bakit mo natanong?" Sagot ko naman sa kanya at tsaka ko kinagatan yung burger na binili ko.

"You dont look okay, kanina wala sa klase yung attention mo kundi na sa kawalan!" Sabi nya at tinataas taas nya pa yung palad nya.

"Wala lang yun, kulang kasi ako sa tulog" Pagsisinungaling ko.

Hindi ko sinabi sa kanya yung totoo kasi wala akong tiwala sa mga paligid ko, ewan ko ba.

Tinapos na namin yung kinakain namin at bumalik na kami sa second subject...Nag class dismiss na kaya nilagay ko na sa bag ko yung mga gamit ko.

Napatigil ako sa pag ayos ng gamit ko, ng makita ko ang apat na mokong sa bintana at seryoso akong pinagmamasdan. Ano ng gagawin ko?! Lord kunin nyo na talaga ako di ko na keri mga nangyayari sakin!

Huminga ako ng malalim at lumabas ng room, at tsaka ko sila nginitian. Hindi nila ako nginitian pabalik. Ng mag simula na akong maglakad papuntang dorm maraming mata ang nakatingin saming lima.

May ilang nagbubulungan kung bakit parang ang sama daw ng tingin sakin ng apat. Sinusundan lang ako ng apat na mokong at hindi sila nagsasalita. Itong apat na to parang di mabiro! Magpapaliwanag naman eh! Para tuloy akong may apat na tatay! Ay tatlong tatay tas isang boyfriend! Joke!

"Now, explain" Seryoso at malamig na tonong sabi ni levi ng nasa dorm na kaming lima.

Sabi ko sa kanila mag palit muna sila ng damit pero di nila ako sinunod. Okay fine!

"Wala na si mom nung nangyari to, yung kabet ng tatay ni kuya eli. Pinagbubuhatan ako ng kamay. Hindi ko na maalala yung ginawa nya sakin pero ang naalala ko kung p-pano nya pinatungan ng plantsa yung likod ko na parang kabayo. K-kinulong nya ako sa cabinet, h-hindi ko na maalala, w-wala na akong maalala" Natatakot na sabi ko.

At unti unting bumalik sakin ang masasakit na pinagdaanan ko sa kamay ng kabet ng tatay ni kuya eli. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, kaya agad ko itong tinuyo gamit ang palad ko.

"G-ginawa nya sayo yun?!" Galit na tanong ni kuya eli, tumango ako sa kanya at tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha sa aking mata.

"Bakit hindi mo maalala?" Nagtatakang tanong ni Connor.

"Sabi ng dati kong doctor, may mga bagay sa nakaraan ko ang hindi ko maalala, at meron din daw akong (PTSD) Post Traumatic Stress Disorder" Pag papaliwanag ko.

Lumapit naman sakin si levi at niyakap ako ng mahigpit, hindi ko alam bakit nya ginawa yun pero niyakap ko nalang sya ng mahigpit. Maya maya pa yung tatlo gumaya kay levi kaya niyakap din ako. At doon ako umiyak.

"Im sorry" Bulong na sabi ni Levi pero alam kong rinig ng tatlo yun.

Tinapik ko lang yung likod nya na hanggang ngayon nakayakap parin sakin.

You deserve my love Levi.



#WeNeedLabel
#LabelMunaBagoLandi

Author's Note: Lagyan nyo na kasi ng label mga be, wag na mahihiya.
































Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon