CHAPTER 07(UNEXPECTED)

27 6 0
                                    


Ng matapos na yung klase pumunta na ako sa dorm. Habang papunta ako sa dorm nakita kong may nagkakagulo sa di kalayuang hallway.

Pumunta ako doon para tignan kung anong meron.

Nagkatapat na yung lopez brothers!

Hala ang pogi ni papi tope!

Gaga mas pogi si Levi!

Rinig kong bulangan ng mga kababaihan sa gilid ko.

Sila kuya eli! Sila kuya eli yung pinapalibutan pati yung tatlong lalake rin.

Ng makarating ako dun tumabi ako sa tabi ni Tyler, nagulat ako ng nakita kong sakin na nakatingin ang lahat. Problema nitong mga to?

"At sino yang babaeng yan?" Nagtatakang tanong nung lalakeng matipuno tas maitsura din. Teka bakit parang may kamukha.

"Sino yan?" Bulong ko kay Tyler.

"Levi's older brother" Pabulong nya ring sabi sakin.

Tumango lang ako at kahit isa sa amin ay walang nag sasalita.

"She's my sister, tope" Pagputol ni kuya eli sa katahimikan.

Nagtaka ako ng makita ko ang gulat sa mukha nung tope. What's with him? Kanina lang yabang yabang nya.

"¿Que necesita?" Pag gamit ko sa lenggwahe na spanish.

What do you need?

Gago ano sinasabi nya?
Alien ata sya eh!
Tanga spanish yun!

"What are you saying?"

Nagulat ako ng may bumulong sakin, gago ang init ng hininga ni Levi. At doon na nga nagsimula ang pagtibok ng mabilis ng puso ko.

"Nada"

Nothing.

Napabalik ako sa sarili ng magsalita si tope. Marunong sya mag spanish?!

"¿Puedes hablar el español?" Pag tanong ko kay kuya tope. Tatawagin ko nalang syang kuya tutal mukhang matanda na eh.

Do you know how to speak spanish?

"Hindi pa tayo tapos" Baling ni kuya tope sa apat na loko at inaya nya yung mga kasama nya na umalis.

Tsk, di manlang sinagot tanong ko.

Nung makaalis na sila sakin naman nakabaling yung apat na loko.

"Stop staring at me like that" Masungit na sabi ko at pumunta na ako sa dorm namin.

"Ano sinasabi nyo ni tope kanina?" Tanong ni connor ng makapasok silang apat sa dorm.

"Tinanong ko sya kung ano kelangan nya sagot naman nya wala tas tinanong ko sya kung alam nya mag spanish" Pag papaliwanag ko sa kanya.

"Kelangan kapa natuto mag spanish?" Malamig na tanong ni kuya eli.

Interesado pala sya sa buhay ko huh?

"Nung nagsimula yung galit mo sakin" Walang emosyong sagot ko sa kanya at nahiga na ako sa sofa at pumikit.

.........

"MASTER, kelan kapa natutong mag spanish?!" Hindi mapakaling tanong sakin ni Wayne.

Hindi ko iyon sinagot at sa halip tumulala lang ako, hindi parin ako makapaniwala na yung kaharap kong babae kanina ay yung batang pinanood ko kung paano mangulila sa kanyang ina. She's Sky. Ang kapatid ko sa ama.

Sobrang laki ng kinaganda nya, nung huli ko syang na kita namamaga pa yung mata nya dahil sa kakaiyak. At kung paano sya umaray sa sakit ng sugat nya sa likod.

"Boss!"

Napabalik ako sa sintido ko ng sumigaw ng malakas si Carl.

"Pota! Ano ba yun?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Boss naman! Kanina ka pa wala sa sarili!" Sigaw nya sakin.

Shit!

"Ano ba kasi yun?" Naiinis paring tanong ko sa kanila.

"Lalagay ko na ba sa target list yung babae?" Tanong ni Wayne na ikinainis ko bigla.

"Wag mong susubukan Wayne" Madiing sabi ko sa kanya.

Nag walk out ako at naglakad lakad ako mag isa sa field. Sobrang lalim pa rin ng iniisip ko.

Nung na kita ko si sky kanina parang nanghina ako. Kala ko kasi dati she's not doing well. Pero nung na kita kong okay yung katawan nya malinis mga balat nya. Napanatag ako na okay na sya.

NGAYON NA KITA NA KITA KAPATID KO, SISIGURADUHIN KONG LIGTAS KA, SISIGURADUHIN KONG WALANG KAHIT SINO ANG MAKAKAPANAKIT SAYO. BABANTAYAN KITA.

Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon