MAGKAKASAMA kaming walo sa iisang van. Kala ko nga kasama yung bwiset na julia na yun kasi nagpa-kita sya sa amin kanina, yun pala may binigay lang kay levi. Tsk pangit nya naman!
Katabi ni kuya tope yung driver kasi nga sya lang ang may alam kung saan ang daan papunta sa Beach Haven.
Hindi sya private beach, kasi mas masaya kung marami kaming makikitang tao.
Katabi ko si faith, ang dapat katabi ko si levi. Pero ang hinila ko si faith, wala na syang nagawa kaya tumabi nalang din sya sa akin.
Napapagitnaan ni kuya eli at tyler si levi, tapos ang katabi naman ni connor ang pinsan kong si caira.
Tumingin ako kay caira na mapayapang natutulog sa balikat ni connor, buti nga nakatulog sya eh kasi kanina pa sila nag babangayan ni connor. Para silang mga aso't pusa.
But they looked good together, i ship them!
Itong katabi ko naman ay nakasandal din sa balikat ko habang nanonood ng kdrama sa cellphone nya, at yung tatlo sa likod ay kumakain lang ng junk foods.
"Malapit na ba?" Naiinip na tanong ko kay kuya tope.
Kanina pa sila naguusap ng driver at wala naman akong pake kasi hindi ko alam pinaguusapan nila. USAPANG OLD.
"si, solo espera" Sagot naman nya habang yung mata nya ay nakatingin sa akin dahil naka reflect yun sa salamin.
Yes, just wait.
"Saan na daw tayo?" Tanong naman ni Tyler.
"Kung saan, kanina pang malapit na" Pambabara ko sa tanong nya.
"Tagal!" Naiinip naman nyang sabi.
"Gago ka, wag ka mag reklamo tubig lang naman ambag mo!" Sigaw sa kanya ni kuya tope.
"Hoy! Importante ang tubig! Kapag wala ang tubig baka patay kana!" Sigaw din nyang sabi kay kuya tope.
"Be quiet!" Naiinis na sigaw sa kanila ni caira ng magising ito. "You guys! Im taking a nap look!" Dagdag nya pa.
"Just take a nap, dont mind them" Sabi sa kanya ni connor, emotionless.
Caira rolled her eyes before she closed her eyes again, hindi na sya sumandal sa balikat ni connor kundi sa sandalan ng upuan nya...
Hindi ko nalang sila pinansin at nilibang ko nalang yung sarili ko sa may bintana.
"We're here!" Sigaw ni kuya tope.
Agad namang nag si bangon ang mga nakatulog at kinuha nila yung mga gamit na dala dala nila.
Pagkababa ko bumungad sa akin ang napakagandang dagat, at ang maputing buhangin nito. May mga tao ring naliligo pero hindi naman karamihan, meron ding naglalaro sa may beach volleyball.
Pumasok na kami sa loob at yung mga susi ng condo namin ay binigay na sa amin. Magkasama kaming tatlo nila caira at faith sa iisang condo.
Solo naman si levi, ewan ko kung bakit solo ang kinuha nya.
"Grabe ayaw mo talaga kami makasama sa pag tulog pre!" Hindi makapaniwalang sabi ni Tyler kay levi.
Umiling lang si levi at pumunta sya sa puwesto kung saan ako nakaupo at kinuha nya yung dala dala ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ewan ko ba!
Nandito na kaming tatlo nila caira at faith sa room namin. At sinisimulan na nilang ayusin yung gamit nila. Dahil bukas napagisipan nilang maligo sa dagat. Dahil ngayon hapon na at magdidilim na.
BINABASA MO ANG
Loving Sky (Completed)
FanfictionI can't live without her- LEVI Ayoko na syang makita ulit.....JOKE- SKY