2WEEKS ng mangyari ang lahat, hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako mag adjust. Hindi pa rin ako tinatantanan ni levi.
Napapagod na ako, napapagod na akong makita syang nasasaktan. Ang gusto ko lang naman palayain nya na ako gaya ng pagpapalaya ko sa kanya.
Alam na ng buong school na wala na kami at kapatid ko si kuya tope. And about sa australia dalawang linggo nalang din ako mananatili nandito. Dahil tapos na ang pang apat na semester.
"Where you going?" Tanong sa akin ni kuya eli ng kuhain ko yung shoulder bag ko.
"Children's shelter" Walang emosyong sagot ko sa kanya.
Simula nung mangyari yung mga bagay na hindi dapat mangyari, ay dinadalaw dalaw ko si allysa sa children's shelter. Dahil nalaman ko na gusto daw ni allysa magpapunta sa children's shelter kasi ayaw nya mag-isa sa bahay nila, well i can't blamed her.
Laging wala ang nanay nya at kailangan nya ng gabay. Nung unang punta ko sa shelter, kasama ko si kuya eli. At sinabi din ni allysa na si kuya eli yung nagpadala ng flower at teddy bear, sinabi naman sakin ni kuya eli kaya nya raw ginawa yun dahil matagal na daw nyang, gustong bumawi.
"Oye, para dónde vas?" Nakangiting salubong sa akin ni kuya tope ng pababa na ako ng hagdanan.
Hey, where you going?
"Children's Shelter" Seryosong sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin at nagulat ako ng akbayan nya ako at sabayan ako sa pagbaba.
"Sama!" Excited nyang sabi...
Pumasok na kami sa malaking gate ng children's shelter at sinalubong naman ako ni sister bella.
"Nako hija, magandang umaga sayo!" Nakangiting sabi nya sa akin at hinawakan nya ako sa kamay.
"Goodmorning din ho, sister bella this is my step brother kuya tope" Ani ko kay sister bella at kinalabit ko naman si kuya tope.
"Buenos dias, hermana" Bati ni kuya tope sa salitang español.
Goodmorning, sister.
"Good morning din hijo" Nakangiting sagot naman ni sister bella, nagulat naman si kuya tope dahil naintindihan sya nito.
"Ate sky!"
Napabaling ako sa batang tumatakbo papunta sa gawi ko. Si allysa.
"Te sky? Who is he po?" Puno ng pagtataka ang mukha ni allysa.
"My step brother, he is kuya tope" Sagot ko naman sa katanungan nito.
Inaya na kami ni sister bella na pumasok dahil mainit daw dito sa labas at baka daw masunog ang balat namin.
"Kamusta ka allysa?" Pilit na ngiting tanong ko kay allysa.
"Im okay po, ikaw po?" Tanong nya sa akin na may malawak na ngiti sa labi nya.
Ilang minuto ako napatigil sa tanong nya. Okay ba ako? Kamusta ba ako?
"A-ah allysa! Si ate sky mo. Okay lang sya!" Pag singit ni kuya tope ng mapansin nyang natahimik ako.
Lie!
"Ate sky! kelan ka po aalis dito sa philippines?" Malungkot na tonong, tanong nya sakin.
"Meron nalang akong 2weeks allysa, bakit mo natanong?" Pilit ngiting baling ko sa kanya.
"Wala po, malulungkot po ako nun. Gusto ko po mag bonding tayong dalawa! Bago ka po umalis!" Masayang sabi nya.
Tumingin ako kay kuya tope at nag tama ang paningin namin, at mukhang nag-aalala sya sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Loving Sky (Completed)
FanficI can't live without her- LEVI Ayoko na syang makita ulit.....JOKE- SKY