CHAPTER 04(MY BROTHER)

31 7 0
                                    

"Dismiss" Sabi ng prof namin at tsaka lumabas na ng room.

"Skeyla?"

Napalingon ako sa likod ng may mag tawag ng pangalan ko, lumapit sakin yung babaeng habang may ngiti sa labi nya.

"its not skeyla, its skayla, but you can call me sky" Walang emosyong sabi ko sa kanya.

"Oh okay, im the president of the class, at ako yung naatasan para i-tour ka dito" Nakangiting sabi nya.

Tumango lang ako, at nagumpisa na kami maglakad lakad.

Nagpunta kami sa may cafeteria at tinuro nya rin sakin kung saan yung gym, etc.

"Kumuha ka rin ba ng dorm dito?" Tanong naman nya sakin ng makarating kami sa may field.

"Yeah, my dorm number is 24" Sagot ko naman sa tanong nya.

Bigla namang napalitan ng gulat yung mukha nya. Ano nangyari dito? Mukha bang may nakakagulat sa sinabi ko?

Hindi ko nalang tinanong kung bakit, inaya ko na sya sa cafeteria kasi nagugutom na ako.

Saktong pag pasok namin sa cafeteria, may nagkakaguluhan. At nakita ko dun si kuya este si Eli. Ng makita nya ako nagsalubong yung kilay nya sakin at pinagpatuloy nya yung ginagawa nya.

Hihilahin sana ako ni Faith papunta dun sa gawi nila pero humiwalay ako sa kanya at nag ibang gawi ako.

"hoy gaga kuya mo! Tas sila papi Lev! Ayaw mo ba? okay ako nalang bye!" Sigaw nya bago pumunta sa nag kaka gulo.

Napatingin naman ako sa mga estudyante na ngayong nakatingin na sakin. Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na ako dun sa counter.

"One carbonara pasta and one apple juice." Pag order ko dun sa tindera.

Nakuha ko na yung binili ko, ng pabalik na ako sa table na bakante, ay may nakaupo na.

Nag iba nalang ako ng gawi para mag hanap ng bagong bakanteng table. Maya-maya pa ay may bumangga sakin kaya napabitawan ko yung pagkain. Nakayuko lang ako habang nakatingin parin ako sa carbonara na nasa sahig. Buti nalang may janitor na dumating at nilinis iyon.

"Tignan mo dinadaanan mo"

It was my kuya.

Humarap ako sa kanya at tignan ko sya ng walang emosyon sa mukha ko.

Lumakad na ako paalis dun baka masapak ko lang kapatid ko. Tangina ano kakainin ko?

"Sky bukas kita hatid sa dorm mo!" Sabi sakin ni Faith ng makita nya ako. Kasama nya kasi mga kaibigan nya.


Author's Note; Iniba ko yung sa part na one carbonara pasta, kasi nabura. Natanga si author be. Dapat dalawang chapter ipu-publish ko kaso inaantok na ako, bukas nalang goodnight!



















Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon