CHAPTER 18(THE TRUTH & THE PAIN)

25 4 0
                                    

MASAKIT sobrang sakit, pabalik na ako ngayon sa dorm ko. Alam kong sabog na yung itsura dahil sa nakita ko.

Tangina! Bakit nya nagawa sa akin yun?! Hindi nga sya sumuko nung napagod sya, tapos ngayon makikita kong may kahalikan sya!

Sobrang sakit, gusto ko syang sapakin gusto ko syang tadyakan. Ewan ko! Hindi na ako makapaglakad ng maayos dahil nanghihina na yung tuhod ko kaya napaluhod ako.

Napatingin ako kay kuya tope na nakaalalay sa akin ngayon. Wala akong pake kung nakikita nya akong umiiyak.

"Qué occurió?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.

What happened?

Merong nagtulak sa akin na yakapin sya kaya niyakap ko sya.

"K-kuya! m-masakit kuya! sobrang sakit!" Humihikbing sabi ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Nang maramdaman kong hinihimas nya yung likod ko mas lalo akong napaiyak ng sobra.

"Shh, its fine. Just cry, im here" Malambing na sabi nya sa akin.

Umiyak lang ako gaya ng sinabi nya.

"What are you two doing?" Madiing tanong ni kuya eli ng makita nya kami ni kuya tope na magkayakap.

Hambang sasapakin ni kuya eli si kuya tope ng pumagitna ako.

"D-dont" Nanginginig pa rin na sabi ko.

"Sky"

Nang marinig ko yung boses nya agad ako humarap sa kanya at bigla ko syang sinampal.

"Ang kapal ng mukha mo!" Mangi-ngiyak na sigaw ko sa kanya. "A-ang kapal kapal ng mukha mo! Bakit levi?! Bakit mo nagawa sa akin yun?! You fucking kissed her!" Nasasaktan na sigaw ko sa kanya.

Hindi ba ako enough para sa kanya?! May kulang pa ba?! Meron pa ba akong hindi naibigay sa kanya?!

"My l-love, let me explain" Sabi nya sakin habang nanginginig yung boses nya sa sakit.

"Explain what?! Ie-explain mo sa akin kung pano kayo naghalikan ganun ba ha?! Tangina Levi! A-ano pa ba yung hindi ko naibigay sayo? May kulang pa ba?! Hindi pa ba ako sapat?!"

Marami ng nanonood samin. Wala akong pakialam.

"Potangina levi, m-malapit na yung second montsary natin oh! Malapit na eh! Tatlong tulog nalang eh!" Sigaw ko sa kanya habang yung pag-iyak ko ay malakas pa rin.

"Masakit levi, sobrang sakit! Y-yung babae! Sino yun?!" Madiing tanong ko sa kanya.

"M-my e-ex f-fling" Nanginginig na sabi nya.

Mas lalo akong nasaktan sa sinagot nya! Tangina ex fling! It means yung nauna sakin yung nakahalikan nya!

"You're so fucking bastard levi, nakakadiri ka! You know what let's end this fucking relationship!" Madiin na sabi ko.

Habang sinasabi ko yun sa kanya parang winawarak yung puso ko sa sakit. Malapit na ako maubos!

"No! No! You can't do this sky! I love you sky! P-please let me explain! I don't want to lose you! p-please let's fix this!" Pagmamakaawa nya sakin.

Akmang lalapit sya ng hinarangan sya ni kuya tope.

"Wag kang lalapit sa kanya" May galit sa tono ng boses ni kuya tope ng sabihin nya yun.

"Fix what?! Para saan pa levi?! Para saan?! You can't lose me?! Fuck you! You already lose me levi!" Galit na sabi ko sa kanya.

Nagmamakaawa yung tingin nya sa akin, gusto ko syang yakapin gustong gusto. Pero at the same time nasasaktan ako at mas parang gusto ko syang saktan.

"Wag mo harangan si sky" Galit na sabi nya kay kuya tope.

"Alam mo kung bakit ko sya hinaharangan? Kasi sinaktan mo yung kapatid ko levi! Sinaktan mo yung nagiisa kong kapatid! Wag mong pagsisihan na naging kayo ni sky, wag mong isipin na kapatid mo sya. H-hindi mo sya kapatid, levi ampon lang ako ng nanay mo! Inampon nya ako nung nasa spain ako."

K-kapatid?! K-kapatid ko si kuya tope?!

"What are you saying?!" Galit na tanong sa kanya ni kuya eli.

"I'll take this opportunity, sky deserve to know the truth, ganun din si levi. Nanirahan ako sa spain, inabandona ako ng tunay kong ina, idinala nya ako sa bahay ampunan. Hanggang sa may nag ampon sa akin at yun ang nanay ni levi, wala pa si levi nun nung inampon nila ako. Bago ako iuwi ng pilipinas pinuntahan ko si daddy, at sinabi sa akin ni daddy na nabuntis nya si tita yela. At yung bata sa tiyan ni tita yela ay si sky" Pagpapaliwanag nya.

Sunod sunod yung pagpatak ng luha sa aking mata, may sakit pa rin na bumabagabag sa puso ko pero meron ding saya.

Bumaling ako kay levi, mamaya ko na aasikasuhin si kuya tope, dahil kay levi yung topic dito.

"Stop this chit-chatting, levi im breaking up with you, wag na wag mo akong lalapitan, just act like were stranger. Kung gusto mo akong maalala pumunta ka sa lugar kung saan kita sinagot." Malamig na sabi ko sa kanya.

Balak pa sana nyang magsalita ng pinigilan ko sya, hinila ko sa kuya tope palayo doon. Gusto ko syang makausap. Pumunta kami sa may field kung saan walang tao.

"Kapatid ba talaga kita?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nagulat ba kita?" Tanong nya sa akin na may pag-aalala sa tono nya.

"O-oo, hindi pa rin ako makapaniwala. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo, kasi kapatid pala kita sa ama" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Matutuwa si dad kapag nalaman nyang nahanap na kita" Nakangiti ring sabi nya.

Agad bumilis yung tibok ng puso ko, eto na yun. Matagal ko ng gustong makita ang tatay ko, gustong gusto kong yakapin ang tatay ko.

"Nasan sya ngayon?" Seryosong tanong ko kay kuya tope.

"Nasa spain sya, may connection pa rin ako sa kanya. At okay yung kalagayan nya" Sabi nya habang hindi pa rin nawawala sa labi yung ngiti nya.

"Na o-offend ako sa ngiti mo, it supposed to be sad, kasi broken ako oh!" Mataray na sabi ko sa kanya. At tumawa lang. KAPATID KO BA TALAGA TO? SARAP SAPAKIN EH.

"I know you're strong sky, kaya mo yan. Hindi ko masasabi sayo na kaya mo syang kalimutan kasi mahal na mahal mo sya, ang sinasabi kong kaya mo ay kaya mo syang iwasan kaya mo syang wala sa tabi mo" Nakangiti na sabi nya sa akin.

Binigyan ko lang sya ng maliit na ngiti.

"Kuya thank you, thank you kasi nung hindi pa kita nakikilala ng totoo. Lagi kang andyan" Seryosong sabi ko sa kanya.

Nag thumbs up lang sya at niyakap nya ako.

Hinatid ako ni kuya tope sa dorm ko. Pagkapasok ko ng dorm, iba ang timpla nito. Tila ba malungkot. Lumapit sa akin si kuya eli at niyakap nya ako.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Seryosong tanong nya sa akin.

Tumango ako sa kanya at nginitian ko sya ng pilit. Mas mabuti yun, mas mabuting hindi kami. Sana tuparin sya pangarap nya kahit wala ako sa tabi nya.

Nilibot ko yung paningin ko agad naman napansin ni kuya eli yun kaya sinabi nya sa akin ni umalis daw si levi.

Ngumiti lang ako sa dalawa at pumasok ako ng kwarto ni kuya eli.

Nang maupo ako sa dulo ng kama nya ay bigla akong umiyak. Masakit pa rin, sobrang sakit. Parang bumalik sa akin yung lahat nung nakita ko yung tatay ni kuya eli na kahalikan si tita diane.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako...


Author's Note: Ang shaket shaket! Eme! Pero masakit talaga! Oo pinagisipan ko pa yan.

Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon