CHAPTER 05(UNFAIR)

29 7 0
                                    


Ng makarating ako sa bahay kinausap ko agad si daddy.

"Kaya mo ba ako pina-enroll sa lauren's academy kasi nandun yung kapatid ko?" Walang emosyon kong tanong kay dad.

Tangina? Pinahiwalay nya sakin si kuya tapos ngayon papalapitin nya ako dun. Anong utak nanaman ba meron yung tatay ko?

"And what's the problem with that?" Balik na tanong nya sakin.

Umiwas ako ng tingin at huminga ako ng malalim.

"Dad are you out of your mind? You pushed kuya away from me tapos ngayon gusto mong magkalapit ulit kami? Are you stupid or what?" Sarkastang sabi ko.

"Bastos ka! Ano naman ngayon kung magkalapit kayo?! Diba ayun naman yung gusto mo?! Manang mana ka talaga sa nanay mo!"

"Oo gusto ko magka ayos kami ng anak mo, pero di sa gantong paraan dad! Isa pa wag mong idadamay si mommy dito, baka nakakalimutan mo ng dahil sayo kaya sya namatay!"

Bago pa may tumulo na luha sa mata ko tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko.

Nang mahiga ko ang sarili ko sa kama ko napatulala lang ako sa kisame.

Bakit ba kasi nangyayari lahat ng to? Do i deserve this?

Tumayo ako mula sa kama ko at nilabas ko yung luggage ko para mag impake ng dadalhin ko sa dorm ko. Dahil tuwing may pasok dun ako at kapag weekend nandito ako sa PESTENG bahay na to.

Tumingin ako sa orasan ko, its 2pm. Tumayo ako at nagpalit ng damit. Balak kong bisitahin si mommy sa puntod nya.

"Hey mom, its been 8yrs when the accident's happened. And i miss you everyday. Sorry mom if nakasagot ako kay dad ha. Hindi ko natiis eh. I miss you mom. Tsaka nga pala si kuya kasama ko sa school pero galit parin sya sakin" Pagkwento ko kay mom, habang nakatingin sa puntod nya.

Nilagay ko sa puntod nya yung bulaklak at nagsindi ako ng kandila.

Nagpaalam na ako sa kanya at umuwi na ako

PS; Edited yung iba dyan kasi nabura ko nanaman yung original ksksks.




Loving Sky (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon